webnovel

Ang Tagapagmanang Prinsipe ng Yan Country (4)

Editor: LiberReverieGroup

Malamig ang ihip ng hangin sa kalaliman ng gabi. Ang dalawang guwardiya ng West Mansion ay naigupo na ng antok at mahimbing na nakatulog habang nakasandal sa kanilang mga sibat.

Nang matiyak na mahimbing na itong natutulog, si Jun Wu Xie ay tahimik na lumabas ng West Mansion.

Malawak ang bahay ng tagapagmanang prinsipe kung kaya may kaunting distansiya ang West Mansion sa East Mansion na kung saan matatagpuan ang sili ng tagapagmanang prinsipe. At kahit malaim na ang gabi, ang ibang mga guwardiya ay hindi pa nagpapahinga para magbantay. Ngunit hindi napansin ng mga nagpapatrolyang guwardiya ang maliit na itim na pusa na siyang nag-aaral sa daan na tinatahak ng mga guwardiya at ang oras ng pagpatrolya nito sa loob ng mansiyon. Eksaktong pagkaalis ng mga guwardiya sa isang mahabaang pasilyo, si Jun Wu Xie at ang kasamahan nito ay mabilis na dumaan patungo sa silid ni Lei Chen.

Si Lei Chen na lango sa kalasingan ay mahimbing na natutulog sa kaniyang higaan, hindi gamagalaw ng kahit kaunti.

Pagkatapos nilang patulogin ang bantay nito, si Jun Wu Xie ay walang alinlangang pumasok sa loob ng silid ni Lei Chen. Isang kandila ang naksindi sa loob ng silid na siyang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa loob ng silid.

Nang makita ni Qiao Chu si Lei Chen na mahimbing ang pagkakatulog, isang nakakalokong ngisi ang makikita sa kaniyang mga labi.

Noong nakaraang salu-salo, nakita nila na nakontrol ni Lei Chen ang kaniyang pag-inom ng alak at hindi hinayaan ang sarili na malasing. Ngunit kanina, hindi na nakasalalay iyon sa kaniya. Ang kupita ng alak na inabot ni Jun Wu Xie sa kay Lei Chen ay lihim na nilagyan ng gamot. Kung kaya kahit anong galing ni Lei Chen na kontrolin ang kaniyang pag inom ng alak, hindi siya makakaiswas sa gamot na lihim na inilagay ni Jun Wu Xie sa kaniyang alak.

"Sa estado niyang iyan, paano natin siya matatanong ng maayos?" tanong ni Qiao Chu na nakatayo sa tabi ng higaan ni Lei Chen at yumukod ng kaunti upang kalabitin ang namumulang pisngi ni Lei Chen.

Mukhang mahimbing ngang natutulog ito!

Sa tingin ni Qiao Chu hindi si Jun Wu Xie makakakuha ng matinong sagot mula sa lango sa alak na si Lei Chen.

Pumunta sila dito hindi para sa pagkain at alak kung hindi dahil sa oportunidad na mahanap ang lokasyon ng mapa para makopya ito ni Fei Yan bago nila putulin ang koneksiyon kay Lei Chen.

Ang komplikadong problema ng Yan Country ay hindi na problema ni Jun Wu Xie. Ang kaniyang misyon ay malinaw na sa simula pa lamang.

"Tulungan niyo siyang ibangon." Saad ni Jun Wu Xie.

Mabilis na inabot ni Qiao Chu si Lei Chen.

Walang mababakas na senyales ng pagkagising kay Lei Chen.

"Buksan niyo ang kaniyang bibig." Utos muli ni Jun Wu Xie.

Lumapit si Fei Yan at binuksan ang bibig ni Lei Chen, at mabilis na ipinasok ni Jun Wu Xie sa bibig ni Lei Chen ang isang gamot.

"Little Xie, ano ang iyong ibinigay sa kaaniya?" kuryusong tanong ni Qiao Chu. Sa kamay ni Jun Wu Xie, laging may kakaiba at nakakakuryosong gamot, at karamihan doon ay sigurado siyang hindi pa naiimbento ng iba.

"Gamot para makapagsalita siya." Walang ekspresyon na sagot ni Jun Wu Xie, at hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa gamot.

Ang mga kasamahan niya ay mataktikang nakatayo sa isang tabi habang naghihintay, at hinayaan si Jun Wu Xie sa mga gagawin.

Pagkatpos ng ilang sandal, ang walang malay na si Lei Chen ay biglang gumalaw. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo at binuksan ang mga mata. Ngunit ang kaniyang mga mata ay hindi nakatuon sa kahit anong bagay at walang buhay na nakatingin sa kawalan. May kaunting emosyon ang mababakas sa gwapo nitong mukha at sa isang tingin, mukha lamang itong naglalakad ng tulog.