1008 Ang Soaring Serpent (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang Devious Wyvern!! naramdaman ko ang presensiya ng Devious Wyvern kanina! Kailangan

ko ang kapangyarihan ng Devious Wyvern!" nanlaki ang mata ng Soaring Serpent.

Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay naging napakalamig. Ngayon ay naiitindihan na niya kung bakit

bigla siyang nakaramdam ng napakalakas na pagnanasa na halos hindi niya magawang

kontrolin ng mga sandaling iyon ng makita niya ang Devious Wyvern. Ang pakiramdam na iyon

ay hindi mula sa kaniya sa halip ay nagmula sa kamalayan ng Soring Serpent!

Hinahangad ng Soaring Serpent ang Devious Wyvern at nang maramdaman nito ang

presensiya ng Devious Wyvern, ang matinding pagnanasa ng Soaring Serpent ay umaapaw at

naapektuhan nun ang emosyon ni Jun Wu Xie.

Ito ang isa sa matinding sagabal ng pagsasanib ng mga spirits!

"Patay na ang Devious Wyvern." hindi gusto ni Jun Wu Xie ang katotohanan na ang kaniyang

emosyon ay naimpluwensyahan ng ibang bagay bukod sa kaniyang sarili. Ang Soaring Serpent

ay talagang makapangyarihan ngunit naiiba ito sa pusang itim. Ang Soaring Serpent ay

mayroong matinding pagkamuhi laban sa kaniya at hindi pa ito nakakahanap ng paraan upang

makaalis sa kaniya. Ngunit kung magkakaroon ng pagkakataon sa hinaharap, ang Soaring

Serpent ay hindi magdadalawang-isip na gawin ang sinabi nito!

Hindi nagustuhan ni Jun Wu Xie ang isipin na mayroong mabuway na elemento na nananahan

sa loob ng katawan niya.

"Patay? Imposible! Naramdaman ko pa lamang ang presensiya nito kani-kanina lamang!"

bulalas ng Soaring Serpent.

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie. Tila ang Soaring Serpent ay nararamdaman ang anumang

nasa labas ng kaniyang katawan ngunit hindi pisikal na nakikita nangyayari. At mas madaling

hawakan ang sitwasyon dahil doon.

Hindi na mahalaga kung anong gusto ng Soaring Serpent sa Devious Wyvern, dahil hindi

hahayaan ni Jun Wu Xie na mangyari ang gusto nito. Bagama't hindi na masama na makukuha

niya ang tulong ng Soaring Serpent, ngunit hinding-hindi papayagan ni Jun Wu Xie ang isang

ring spirit na mayroong matinding pagkamuhi sa kaniya na mas lumakas pa.

Bago maging malinaw man lang sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon ng Soaring Serpent, ay

hindi na hahayaan na mangyari iyon.

Ngunit ang mga sinabi ng Soaring Serpent ay nagawang linawin lahat ng agam-agam niya.

Ang kaninang hindi maipaliwanag na pagnanasa ngayon ay nabigyang linaw na, at ang gintong

pangunyapit na nagpakita kanina sa kaniyang palad ay nagmula sa gintong buto. Ang Soaring

Serpent ay mayroong matinding pagnanasa sa spirit stone ng devious Wyvern, at ang

pagnanasa na iyon ay hindi kontrolado ni Jun Wu Xie. At ng ang pagkagusto na iyon ay aabot

na sa rurok, ang gintong buto ay biglang nagpakita at inilagak ang spirit stone ng Devious

Wyvern sa kaniyang katawan.

Kumpara sa Soaring Serpent, mas naniniwala si Jun Wu Xie na ang gintong buto ay hindi

maghahangad na saktan siya.

Anuman ang dahilan kung bakit gustong gawin iyon ng gintong buto, sigurado si Jun Wu Xie na

sinusubukan nitong tulungan siya.

"Nilunok iyon ng aking Spirit Beast at ngayon ay patay na." walang ekspresyon na sabi ni Jun

Wu Xie, sinusubukang linlangin ang Soaring Serpent.

Ang Soaring Serpent ay mukhang hindi susuko ng ganoon lamang at sinubukan nitong hanapin

muli ang presensiya ng Devious Wyvern ngunit bigo siyang maramdaman ang senyales nito.

Halos nasa estado ito ng pagkataranta kanina dahil ang presensiya ng Devious Wyvern ay

biglang naglaho kaya puwersahan nitong kinaladkad si Jun Wu Xie patungo dito sa spiritual

dimension bago pa man tuluyang magbalik ang spirit nito kaya naunyag ang katotohanan na

ang kaluluwa nito ay nabubuhay pa sa katawan ni Jun Wu Xie.

"Bakit kailangan mangyari ang ganito.." ang boses ng Soaring Serpent ay puno ng walang

hanggang panghihinayang.

Subalit si Jun Wu Xie ay nanatili pa ring kalmado.

Ang soaring Serpent ay nanatiling nalulumbay at malungkot ng ilang sandali at bigla ay lumapit

ito ng napakalapit kay Jun Wu Xie, ang mata ay nanlalaki habang tinititigan si Jun Wu Xie sa

mukha.

"Tulungan mo akong hanapin ang devious Wyvern at susundin ko lahat ng utos mo. Kung

magiging mas malakas ako ay magkakaroon ka rin ng hindi mapapantayang kapangyarihan. Ito

ay isang kasunduan sa ating dalawa na pareho tayong makikinabang."

"Sige." sang-ayon ni Jun Wu Xie.

Tinitigan ng Soaring Serpent si Jun Wu Xie ng ilang sandali bago ito umatras upang maglagay

ng distansiya sa pagitan nila.

"Hihintayin ko iyan." ang mata ng Soaring Serpent ay lumayo ng lumayo kay Jun Wu Xie

hanggang sa iyon ay tuluyan ng nawala sa kadiliman.

avataravatar
Next chapter