1006 Ang Soaring Serpent (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

At ang hayop na biglang lumabas ay hindi rin kakaiba kay Jun Xie. Ang unang pagkakataon na

nagpunta siya dito sa madilim na mundo ay dahil sa parehong hayop!

Ang Soaring Serpent!

Ang ring spirit na ibinigay sa kaniya ni Jun Wu Yao!

Kalmadong nakatingin si Jun Wu Xie sa Soaring Serpent. Naisip niya na kapag nakamit na niya

ang unang pag-unlad sa kaniyang spirit powers, ang Soaring Serpent ay nawala na, hinigop ng

kaniyang spirit at hindi na inisip na ang spirit beast's soul ay hindi pa tuluyang kumalat!

"Hindi mo inaasahan na makikita mo akong muli, hindi ba?" ang matalim at tumatagos na

mata ng Soaring Serpent ay matiim na nakatitig kay Jun Wu Xie. Kahit sa kaniyang spiritual

form, ang mainit na hangin na ibinubuga ng hayop palabas sa kaniyang ilong ay tila

nararamdaman pa rin.

"Hindi ka tuluyang naglalako?" tanong ni Jun Wu Xie habang nakataas ang kilay.

"Siyempre hindi pa ako tuluyang naglalaho. Ikaw ay isa lamang munting dalaga, wala kang

kang kakayahan na alisin ako, ang Great Soaring Serpent! Kung hindi dahil sa lalaking iyon na

tumutulong sa iyo sa labas, sa tingin mo ba ay makukuha mo ako? Isang malaking kalokohan!"

singhal ng Soaring Serpent.

"Hindi na mahalaga kung hindi kita napaalis ang imporante ay nakuha kita. Nais mo bang

matikman muli iyon? Kung hindi nagkakamali ang aking pakiramdam, ang iyong spirit ay

mukhang humina kumpara noon?" tanong ni Jun Wu Xie, naniningkit ang mga mata. Ang

Soaring Serpent ay naging bayolente at arogante noon at hindi pa nito ginusto na kausapin

siya noon. Ngunit ang hitsure ng Soaring Serpent ngayon, himalang hindi siya inatake nito.

Kaya nahulaan ni Jun Wu Xie na ang Soaring Serpent ay hindi na nagtataglay ng kapangyarihan

na katulad ng meron ito noon dahil kung hindi bakit ito nakikipag-usap ng mahinahon sa

kaniyang kalaban tulad ng ginagawa nito ngayon?

Kumislap ang mata ng Soaring Serpent at ang ulo nito ay mabilis na nagtungo kay Jun Wu Xie.

Nang malapit na ito kay Jun Wu Xie, bigla nitong binuka ang bibig at naglabas ng isang

nakakabinging atungal, ang matalim na pangil nito ay naktutok sa ulo ni Jun Wu Xie!

Hindi gumagalaw na nakatayo lamang doon si Jun Wu Xie, nakatanim sa kaniyang puwesto,

walang bahid ng takot o kilabot sa napakagandang mukha na iyon.

Nanlisik ang mata ng Soaring Serpent habang mabagal nitong inilayo ang katawan upang

magbigay ng distansiya sa pagitan niya at ni Jun Wu Xie.

"Bata, ang iyong kapangyarihan ay hindi ang dapat pag-usapan ngunit ang lakas ng iyong loob

ay kakaiba. Ako, ang Great Soaring Serpent na sumama sa iyo, ay hindi ikinahihiya ang

katotohanang iyan." malamig na sabi ng Soaring Serpent.

"Ang ibig mo sabihin ay hinigop." paalala ni Jun Wu Xie sa hayop.

Matinding galit ang biglang rumehistro sa mga mata ni Soaring Serpent ngunit madali iyong

napalis ng hayop.

"Tama. Hinigop. Ngunit sa proseso, isang munting aksidente ang nangyari at hindi mo ba

naisip ang katotohanan na nakikita mo pa rin ako ngayon ay labag sa lahat ng dahilan?"

tanong ng Soaring Serpent sa naniningkit na mga mata habang gumapang ito pabalik sa

kadiliman. Tanging ang pares ng matalim at tumutusok na mga mata ang nagliliwanag bilang

dalawang maliwanag na batik sa kadiliman, katulad ng mga halimaw na nagtatago sa

bangungot, nagdadala ng kilabot sa buto ng mga tao.

Nang hindi nakakuha ng sagot ang Soaring Serpent kay Jun Wu Xie ay nagpatuloy ito sa

pagsasalita: "Ayon sa proseso ng pagsanib, matapos mo masiil ang aking spirit ay unti-unti

itong sasanib sa sarili mong spirit hanggang sa tumigil na ang aking pag-iral. Ngunit ngayon,

ang aking spirit ay hindi nabawasan sa halip ay patuloy na bumubuti. Dapat kong pasalamatan

dito ang taong iyon na nagbigay sa iyo ng natatanging kayamanan."

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie.

Ang katotohanang hindi nawala ang Soaring Serpent ay talagang ikinagulat niya. Nang ibinigay

sa kaniya ni Jun Wu Yao ang Soaring Serpent, sinabi nito na matapos mahigop ang spirit ng

Soaring Serpent, ang kaluluwa nito ay tuluyang maglalaho. At habang ang kaniyang spirit

power ay patuloy sa pagtaas at paglaki, ang Soaring Serpent ay hindi lamang ang tanging ring

spirit na nakuha niya. Matapos niya itong mahigop, lahat ng ibang ring spirit ay tuluyang

naglaho ng walang iniwan na anumang bakas.

avataravatar
Next chapter