902 Ang Singsing (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa huling hininga ng lalaki, isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mukha ng lalaki. Mas masahol pa sa kamatayan ang epekto ng elixir na ipinainom dito ni Jun Wu Xie.

"Bakit gusto kang patayin ng kabit ng Empress?" Tanong ni Qiao Chu kay Jun Wu Xie. Wala pa sa kanila ang nakakaharap ang Prime Minister ng Fire Country. Ngunit base sa sinabi sa kanila ni Lei Chen, alam nilang ang Prime Minister ng Fire Country ay may lihim na relasyon noon sa Empress at nagbunga iyon---ito ay ang Fourth Prince na si Lei Fan.

Hindi pa kailanman nakakaharap ni Jun Wu Xie ang Prime Minister maging ang Empress. Ang pinakamalapit sa mga ito na kaniya nang nakaharap ay ang Fourth Prince na si Lei Fan. Bakit gusto siyang ipapatay ng Prime Minister?

"Hindi ba't parang maling tao ang pinupuntirya ng tunay na ama ng Fourth Prince? Naaalala ko pa rin ang nangyari noong isang gabi, pursigido talaga si Lei Fan na makuha ka. Bakit pagkalipas lang ng gabing iyon at gusto ka na agad ipapatay ng ama niya?" Napuno ng katanungan ang isip ni Qiao Chu.

"Hindi siya nagkakamali." Kalmadong saad ni Jun Wu Xie.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Fan Zhuo. "Umalis ka para pumunta sa Imperial Garden kasama si Lei Fan, pero nang bumalik ka kasama mo na ang Grand Adviser dahil sumama ang pakiramdam ni Lei Fan at nagpaiwan sa Imperial Garden."

Tumango si Jun Wu Xie. "Binawasan ko ang bisa ng Face Changing Technique na ginamit sa kaniya."

Sa oras na iyon lahat ng atensyon ng nasa mesang iyon ay nakatuon kay Jun Wu Xie. 

"Face Changing Technique? Anong ibig sabihin non?" Sumasakit na ang ulo ni Qiao Chu sa pag-iisip.

Si Fei Yan ang sumagot: "Noong isang gabi, sinasabi ko kay Jun Wu Xie ang tungkol kay Lei Fan. Siya ay hindi nga maikakakailang anak siya ng Empress pero ang itsura niya ay lahat nakuha sa kaniyang ina. Kaya naisip kong may kakaiba doon at hindi ko inaasahang mabilis na kikilos si Little Xie at napatunayan niya agad iyon noon mismong gabing iyon."

"Kaya pala." Natatawang saad ni Fan Zhuo. "Napagtanto siguro ni Lei Fan na lumantad ang tunay niyang kamukha. Sa kabilang banda, masyado kang malapit kay Lei Chen at para maiwasang masabi mo iyon kay Lei Chen, naisipan ng Prime Minister na patayin ka na lang."

Kahit na alam ni Lei Chen ang tunay na pagkatao ni Lei Fan at naisip na nitong may kakaiba nga sa itsura nito, hindi pa rin nito iyon napapatunayan kaya wala itong magawa kundi ang manatiling tahimik na lang.

Ngayong ganon lang kadaling nabawasan ni Jun Wu Xie ang bisa ng ginagamit ni Lei Fan na Face Changing Technique, ang kailangan na lang nilang gawin ay ang iharap si Lei Fan sa Emperor para masaksihan nito mismo. Paniguradong labis iyong ikakagulat ng Emperor!

"Mukhang si Lei Fan, ang Empress, at ang Prime Minister ay gugustuhin ka nang patayin sa oras na 'to. Dahil nabigo silang gawin iyon ngayon, sisiguraduhin nilang magtatagumpay sila sa mga susunod na araw." Saad ni Fan Zhuo habang hinihimas ang kaniyang baba, wala sa itsura nito ang pag-aalala para kay Jun Wu Xie.

Muling nagsalita si Jun Wu Xie: "Hindi lang silang tatlo ang hahabol sa buhay ko."

"Ano? Sino pa pala?" Nanlalaki ang mga mata ni Qiao Chu. Nainsulto ni Jun Wu Xie sa isang gabi lang ang Empress ng Fire Country, ang paboritong Prinsipe ng Emperor, at ang Prime Minister na pinuno ng Court Officials. 

Nag-angat ng ulo si Jun Wu Xie at ipinakita ang singsing sa kaniyang daliri. 

"May nakapansin ba sa inyo kung gaano kainteresado ang Emperor sa singsing kong ito?"

Tumango ang lahat. Ang singsing na iyon ay galing sa Heaven's End Cliff at nagawang madiskubre ni Jun Wu Xie ang misteryo sa pansamantalang pag-pataas ng spirit power dahil sa mga sulat ng dating may-ari ng singsing.

Masasabing mayroon ngang malaking naitulong ang singsing na iyon kay Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter