769 Ang Saloobin ng Prinsipe (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Little Xie! Nagbalik ka na!" mabilis na tumayo si Qiao Chu ng makita niya si Jun Wu Xie at

iwinagayway ang kaniyang kamay dito.

Nilingon ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao at naglakad na papunta sa mga kasama habang si Jun Wu

Yao ay umalis na kasama si Ye Mei, iniwan niya si Ye Sha upang magbantay.

"Bakit umalis si Big Brother Wu Yao?" nakita ni Qiao Chu na nagbalik si Jun Wu Xie kasama si

Jun Wu Yao ngunit nakita na umalis rin si Jun Wu Yao, kaya siya ay nagtaka.

"May mga bagay na kailangan niyang ayusin." Payak na sagot ni Jun Wu Xie.

"Sige! May maganda kaming balita sa'yo! Gusto mo ba marinig?" masayang sabi ni Qiao Chu

na nakangiti at nakatingin kay Jun Wu Xie.

Pinandilatan ni Jun Wu Xie si Qiao Chu at bigla ay may lumabas na mga pilak na karayom sa

gitna ng kaniyang mga daliri, ang matulis na dulo ng mga iyon ay kumislap sa liwanag at bigla

ay napaurong sa takot si Qiao Chu.

"Um... Hindi mo na kailangan gawin pa ito… Sasabihin ko na lang sa'yo..." Hay, unti-unti ay

nagiging bayolente si Little Xie. Binibiro ko lamang siya at bigla na lamang niyang nilabas ang

kaniyang mga karayom!

"Ang mga guwardiya mula sa Yan Country ay nagpunta dito upang ipaalam sa amin na ang

Crown Prince ay bibisita ngayong gabi."

Bahagyang nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie. Ang dahilan kung bakut sila nagtungo dito sa Yan

Country ay upang makipagkita sa Crown Prince ng Yan Country at kunin sa kaniya ang ikaapat

na mapa. Hindi niya inaasahan na wala pang isang araw ang tupa ay magtutungo sa kaniyang

katayan.

"Nakakapagtaka ang nakarating sa akin na balita, ang Crown Prince ay pupunta ngayong gabi

sa Dragon Slayers Academy." Sabi ni Fei Yan, na nakapangalumbaba. Nang siya ay magbalik ay

aksidenteng narinig niya ang mga guwardiya na nagtungo doon upang ibigay ang mensahe, at

iyon ay tugma sa impormasyon na kaniyang nakuha.

"Mali ba ang impormasyon?" kamot ulo na tanong ni Qiao Chu. Ang Crown Prince ng yan

Country ay palaging organisado at maaasahan kaya ang makagawa ng kamalian ay tila hindi

nakaugalian ng Crown Prince.

Ang sitwasyon sa Zephyr Academy ay hindi tulad noon at ang Dragon Slayers Academy ay

pantay sa Zephyr Academy pagdating sa kabantugan. Ang parehong paaralan ay nakatanggap

ng balita sa pagdating ng Crown Prince ngayong gabi, hindi mahalaga kung saan pupunta ang

Crown Prince, subalit ito ay magbibigay ng kahihiyan sa hindi mabibisita. Dahil sa lahat ng

paaralan ngayon ay nagsama-sama at magkakalapit ang tinutuluyan ang anumang balita ay

mabilis na kakalat. Kung nabigyan ng abiso na bibisitahin ngunit sa huli ay hindi nangyari, ay

walang pinagkaiba na masampal sa mukha sa harap ng nakararami.

"Ang mga taong nagpunta dito ay hindi maitatangging nagmula sa Crown Prince Residence at

ng sila ay nandito kanina, may ilang mga tao ang nakakita sa kanila at ang kanilang sinabi ay

maaaring narinig din nila. Ngunit, ang sinabi nila ay hindi nagtugma sa sinabi ni Fei Yan kaya

ako ay nakaramdam ng kakaiba."

Ang Zephyr Academy at Dragon Slayers Academy ay hindi na pantay sa ngayon at sa tingin ng

lahat ang makipagpulong sa Dragon Slayers academy ay mas magbibigay ng malaking

benepisyo sa Crown Prince. Ngunit ang Crown Prince ay unang nagbigay ng balita sa Dragon

Slayers Academy at sumunod na nagbigay ng impormasyon sa Zephyr Academy pagkatapos

niyon. At dahil doon, ang mga tao ay maiiwan na nanghuhula.

"Hindi na kailangan nap ag-isipan pa iyon. Saka na natin iyon isipin kapag dumating na."

Nakangiting sagot ni Rong Ruo.

"Tama si Little Ruo. Kung dumating man ang Crown Prince, ay kukunin natin iyon na

pagkakataon upang makakuha ng palatandaan sa kaniya at hindi na natin kailangan na maging

magalang kapag kukunin na natin ang mapa sa kaniya sa hinaharap." kibit balikat na sabi ni

Qiao Chu.

"Ano sa tingin mo Little Xie?" nakataas ang kilay na Fan Zhuo na tumngin kay Jun Wu Xie.

Sumagot si Jun Wu Xie: "Mag-antay muna tayo." Hindi rin siya sigurado kung bakit bigla ay

magdedesisyon ang Crown Prince na makipagkita sa kanila at sa posisyon ni Lei Chen, ang

intensyon na guluhin ang dalawang paaralan ay walang maidudulot na benepisyo sa kaniya.

Bukod doon, ang Crown Prince ng Yan Country ay kilala na patas at palakaibigan na tao, kaya

ang biglang pagbabago ng desisyon ay nakalito sa marami sa kung ano ang tunay na intensyon

niya.

avataravatar
Next chapter