webnovel

Ang Saloobin ng Prinsipe (2)

Editor: LiberReverieGroup

"isang disipulo ng departamento ng Spirit Healer? At may kakayahan siya na paghusayan ang

Spirit Healing Technique! ? Ha ha ha! Hindi ba't hulog ng langit ang Jun Xie na ito, isang

malaking handog niya para sa akin?" hindi maitago ni Lei Chen ang walang katapusang

kagalakan sa kaniyang mga mata. Kahit na ang Zephyr Academy ay unti-unti ng bumabagsak,

ang departamento nila ng Spirit Healer ay nakakakuha pa rin ng atensyon ng marami na puno

ng panibugho at inggit. Nagawa ng Crown Prince na magplano noon na antayin ang tuluyang

pagbagsak ng Zephyr Academy bago ibigay kay Gu Li Sheng ang olive branch. Ngunit ngayon,

isang disipulo na nagngangalang Jun Xie na kayang tapatan si Gu Li Sheng ang biglang

nagpakita sa kaniya!

Tinitigan niya ang litrato ni Jun Xie, at bigla ay naalala ni Lei Chen ang pangyayari kanina sa

Flame Spirit Auction House kung saan ay nakita niya ang parehong bata na nakaupo sa tabi ni

Jun Wu Yao. Hindi niya binigyang pansin ang bata ng mga oras na iyon, ang lahat ng kaniyang

atensyon ay na kay Jun Wu Yao. Ngunit hindi niya akalain na ang batang iyon ay maraming

nagawa!

"Ang katotohanan na ang Zephyr Academy ay nagpadala ng disipulo na katulad ni Jun Xie

ngayong taon ay katawa-tawa. Noong naroon pa si Fan Qi, ay hindi tinangka ng Zephyr

Academy na magpadala ng disipulo nila na nasa departamento ng Spirit Healer dahil sila ay

natatakot na maagaw ang mga iyon sa kanila. At mukhang tama nga si Fan Qi tungkol doon,

hindi nila naisip na ang pagpapadala dito ng isang disipulo na katulad ni Jun Xie na mataas ang

kaalaman sa Spirit Healing Technique ay magdudulot ng isang malaking kawalan sa kaniya."

Puno ng panghihinayang ang boses ni Lei Chen, ngunit ang tono ng boses niya ay puno ng

panunuya at pangungutya, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa kasiyahan.

"Ano ang ninanais gawin ng Kamahalan?" tanong ng bantay.

"Nais?" nakangiting tanong ni Lei Chen. "Dahil si Fan Jin ay isang tanga na ipadala dito ang

isang kamangha-manghang pagkakataon sa aking mga kamay, bakit ko hahayan ang aking sarili

na tanggihan siya? Ihatid ang aking utos. Ngayong gabi ay magtutungo ako sa Immortal's Loft

upang salubungin ang mga tauhan ng Zephyr Academy."

Nasindak ang bantay at sinabi: "Ngunit ang Kamahalan ay nagbigay ng impormasyon sa Dragon

Slayers Academy na bibisitahin sila ngayong gabi. Natatakot ako na ang biglaang pagbabago ng

plano…"

Itinaas ni Lei Chen ang kaniyang kamay upang pahintuin ang sasabihin ng bantay.

"Pupunta ako kung saan ko gustuhing pumunta. Ang nararapat mo lamang gawin ay ipaalam

sa Dragon Slayers Academy na ang mga tao mula sa Zpehyr Academy ang nagbigay ng

imbitasyon sa akin at sapat na iyon."

Nanigas sa kinatatayuan ang bantay bago niya naintindihan ang plano ni Lei Chen.

Ang Zephyr Academy at ang Dragon Slayers Academy ay magkagalit na noon pa man at sa

biglaang pagbagsak ng Zephyr Academy, kung iimbitahan nila si Lei Chen na bisitahin sila

upang nakawin ang puwesto na dapat ay sa Dragon Slayers Academy, tiyak na hindi iyon

ikakatuwa ng Dragon Slayers Academy.

Nasa matinding peligro na ang Zephyr Academy para sa Spirit Battle Tournament ngayong taon

at kung ilalagay nila ang kanilang sarili sa isa pang hindi kaaya-ayang pangyayari, ang susunod

na isang buwan nila sa Yan Country ay siguradong magiging napakahirap para sa kanila.

"Naiintindihan ng iyong tauhan. Ihahatid ko ang mensahe agad." mabilis ng tumalima ang

bantay.

Bakas sa mata ni Lei Chen ang masamang hangarin ng mga oras na iyon.

Ang marangyang pagtawad ni Jun Wu Yao ang nagpanalo sa kniya upang makuha ang Blood

Lotus at wala ni isa man sa auction house ang nakadaig sa kaniya, at sa wakas ay naipagbili na

sa kaniya ang Blood Lotus ng walang pagtutol. Nang matapos ang subasta, personal na

tinanggap ni Jun Wu Yao ang Blood Lotus at ibinigay iyon kay Jun Xie bago lumabas ang dalawa

at magbalik sa kanilang tinutuluyan.

Nang sila ay nagbalik, si Qiao Chu at ang iba pa ay nakabalik na at kasalukuyang nakaupo sa

bulwagan sa ikalawang palapag at tahimik na nag-uusap.

Kararating lamang ni Jun Wu Yao at Jun Wu Xie sa ikalawang palapag ng lumapit sa kanila si Ye

Sha at Ye Mei na tumayong bantay. May ibinulong sila kay Jun Wu Yao at biglang naningkit ang

mata ni Jun Wu Yao, namuo sa mata nito ang isang malamig na tingin.

"Little Xie ikaw ay humayo na upang makapagpahinga. May kailangan lamang akong

asikasuhin at magbabalik ako paglipas ng ilang araw." Ng tumngin si Jun Wu Yao kay Jun Xie

ang malamig na tingin sa kaniyang mata ay tuluyang napalis.

Tumango si Jun Wu Xie. Nasanay na siya sa madalas na "pagkawala" ni Jun Wu Yao. Mas

nagugulat pa siya kung iyo ay madalas na nasa paligid.