767 Ang Saloobin ng Prinsipe (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pribadong silid sa ikalawang palapag ay malandig inayos ni Fu Xuan ang kaniyang damit

habang nakatitig kay Lei Chen na may pagbabantang nakangiti at nakatingin sa makisig na

lalaki na tumawad ng malaking halaga na nasa unang palapag.

"Kahit palubog na ang Zephyr Academy, ang mga tao doon ay marami pa ring pera sa kanilang

mga kamay, kaya naman si Little Xuan ay makalalamang pa rin." Itinaas ni Lei Chen ang

kaniyang kamay at inikot ang buhok ni Fu Xuan, may matinding pahiwatig sa kaniyang salita.

Iniwas ni Fu Xuan ang kaniyang mata at nagkunwaring galit habang itinulak niya sa dibdib ng

bahagya si Lei Chen.

"Paanong ang isang tulad mo ay walang puso? Ganoon mo na lamang ba ako kadali na

ipagtulakan sa iba? Kung ako ay gagalitin mo, magdedesisyon na akon na magsabi ng hindi

maganda tungkol sa iyo sa harap ni Ling Yue."

Tumawa lamang si Lei Chen at hindi nagsalita. Ngunit ang sulok ng kaniyang mga mata ay

nakatingin pa rin sa dalawang tao na nasa unang palapag. Kahit na may matinding

kapangyarihan ang Zephyr Academy, ang ganoon kalaking halaga ay imposibleng magkaroon

ang isang hamak na guro lamang doon. Isang karangyaan na maituturing na iyon. Ang

magtapon ng sampung milyon sa isang bigayan, ang pagkamapagbigay ng lalaking iyon ay

nahigitan ang kaniyang inaasahan at biglaan ay nagdulot iyon interes kay Lei Chen lalo na at

palubog na ang Zephyr Academy. Nang siya ay paalis na sa pribadong silid na iyon, ay madali

siyang nag-utos sa kaniyang mga tauhan na pagibayuhin ang pag-imbestiga tungkol sa pili na

sampung tao ng Zephyr Academy.

Hindi pa nagtatagal ng siya ay magbalik sa Crown Prince Residence, ng ang impormasyon na

iyon ay dinala sa mga kamay ni Lei Chen,

"Ha! Ang Zephyr Academy ay nahulog na sa isang kakila-kilabot na kagipitan! Sila ay nagpadala

ng apat na disipulo na katataas pa lang ng ranggo mula sa kanilang branch division upang

makilahok sa Spirit Battle Competition! ?" binasa ni Lei Chen ang mga personal na

impormasyon na nasa listahan ng mga kalahok. Hua Yao, Qiao Chu, Fei Yan at Rong Ruo. May

panunuya siyang ngumiti ng makita niya ang litrato ni Fei Yan, isang kakaibang kislap ang

bumakas sa kaniyang mga mata.

Kung pagbabatayan ang impormasyon na ibinigay sa kaniya, ang apat na iyon ay tila karaniwan

lamang na mga disipulo. Dati silang disipulo ng branch division ng Zephyr Academy at sila ay

nanguna noong nakaraang taon sa pagpili ng promosyon kaya sila ay nakuha sa main division.

Ngunit anupaman ang kanilang kapangyarihan sa branch division, ang branch division ay

mananatiling branch division at ang kanilang kapangyarihan ay hindi maikukumpara sa mga

disipulo ng main division.

Itinabi niya ang mga papel ng apat na disipulo at kinuha ang papel na may impormasyon ng

Fan Brothers at binasa iyon. Pinasadahan lamang niya iyon ng tingin at pagkatapos ay ibinato

sa isang sulok. Ang tanging nakakuha ng kaniyang atensyon ay ang papel na may nakasulat na

Jun Wu Yao.

Isang maigsing salita lamang ang nakasulat sa kabuuan ng papel, nakasaad doon na si Jun Wu

Yao ay isang bagong guro sa Zephyr Academy, at nakakagulat na ang kaniyang mga tauhan ay

walang ibang impormasyon na nakuha tungkol sa lalaki. At dahil doon, si Lei Chen ay naintriga

at bilang Crown Prince ng Yan Country, ay tiwala siya sa abilidad ng kaniyang mga tao. At ang

grupo ng mga taong iyon mismo ang walang nahanap na ibang impormasyon tungkol sa

nakaraan ng lalaki at iyon ay sadyang kakaiba.

Ngunit bago pa mahulog sa malalim na pag-iisip si Lei Chen tungkol kay Jun Wu Xao, ang

kaniyang mga mata ay natuon sa papel na nasa kaniyang harapan!

Mabilis niya iyong dinampot at sinuring mabuti, ang kaniyang mata ay nanlaki dahil sa

pagkagulat at pagkamangha.

"Talaga bang may ganitong kakayahan ang Jun Xie na ito?" hawak ni Lei Chen ang papel na

may detalyadong katangian ni Jun Xie, niligon niya ang personal niyang bantay na nakatayo sa

kaniyang likuran.

Tumango ang lalaki. "Nang malaman lahat ng iyong tauhan, ako ay sadyang nagulat din. Isang

kilalang tao ang Jun Xie na iyan sa Zephyr Acadeny at may pagkakataon na si Gu Li Sheng

mismo ang naglabas ng katotohanan sa Zephyr Academy tungkol sa pagkakakilanlan ng taong

iyan at personal na inamin ang kaniyang kakayahan. Alam sa buong Zephyr Academy ang

tungkol doon kaya masasabi ko na ang impormasyon na iyan ay totoo."

Ang gulat sa mata ni Lei Chen ay biglang napalitan ng matinding tuwa at siya ay tumawa ng

malakas.

avataravatar
Next chapter