773 Ang Saloobin ng Bawat Isa (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang ikinilos ni Jun Wu Xie ay sumobra sa inaasahan ni Lei Chen. Naisip niya na dahil tinanggap

nito ang imbitasyon ay mangangahulugan na ito ay mapapalapit sa kaniya. Ngunit matapos

lamang nito sabihin ang ilang salita, ay ibinaba na ng bata ang kaniyang ulo at mas binigyan na

ng pansin ang kaniyang pusa.

Naging saliwa ang ngiti sa labi ni Lei Chen at mabilis na napansin ni Fan Jin ang pagkabalisa at

ang biglaang saliwa ni Lei Chen. Nilingon niya ang kaniyang ulo upang tingnan ang malamig at

malayong si Jun Wu Xie at bigla ay naramdaman niya na parang sasakit ang kaniyang ulo.

Kahit na batid niya ang personalidad ng Young Miss ay hindi ganoon kadalai na matatanggap

ng isang karaniwang tao, ngunit si Lei Chen ay ang Crown Prince, at ang pagpapakita ng

ganoong uri ng asal sa isang katulad nito na may mataas na posisyon at estado ay hindi ba't

isang kahihiyan para sa kaniya?

"Um... Napakabata pa ni Jun Xie at talagang mahiyain. Humihingi ako ng dispensa sa

Kamahalan." sa likod ng kaniyang isip ay batid ni Fan Jin na may lihim na motibo si Jun Wu Xie

sa pagtanggap ng imbitasyon ni Lei Chen, ngunit...

[Mahal kong Young Miss, ang taong ito ay ang Crown Prince mahabaging langit! Kahit na hindi

mo nakasanayan na makipagpalitan ng paggalang, maaari ba na magsabi ka man lang ng kahit

isa o dalawang salita ng pagkilala? Ang hayaan ang mga salita ni Lei Chen na nakabitin sa ere

ay tila sobra na, hindi ba tama?]

Napilitan si Fan Jin na mas maging matanda sa pag-iisip dahil sa napakagulong pangyayari na

naranasan niya noon.

"Ah... Isang mahiyaing ugali." saad ni Lei Chen habang hinahaplos ang baba niya, ang kaniyang

mata ay nakatuon sa mukha ni Jun Xie. Ang maliit na mukha na iyon ay hindi masasabing

makisig, ngunit pwede na rin ituring na kaakit-akit. Ang hitsurang iyon ay hindi maikukumpara

sa maganda at nakatutuksong si Fu Xuan, o kaya ang kaibig-ibig na si Qu Ling Yue, ngunit ng

ang pares ng malamig na matang iyon ay dumaan sa kaniya kanina, ay nakaramdam si Lei Chen

na ang kaniyang puso ay biglaang nhuminto sa pagtibok, na para bang ang saglit at mabilis na

tingin na iyon ay sumakal sa kaniyang puso, kaya hindi niya naiwasan na natuon ang kaniyang

tingin sa balingkinitan nitong baywang at ang maliit na mga kamay nito.

Sa ganoong kamurang edad, ay mahirap makita ang pagkakaiba ng katawan kung ito ay lalaki o

babae at ang maliit na baywang na iyon ay mukhang hindi kakayanin ang isang mahigpit na

yakap mula sa kaniya.

"Siya ay ganoon nga." May tawa na pagsang-ayon ni Fan Jin.

"masyado ata akong naging prangka, sana ay hindi ko natakot si munting kapatid na Jun." may

ngiting sabi ni Lei Chen.

Hindi itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin kahit kaunti ngunit si Qiao Chu ay nakaramdam

ng pagtayo ng balahibo sa kaniyang braso.

[Ano ang meron sa kaniya at sa munting kapatid na Jun! ?]

[Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang Crown Prince at si Little Xie di ba? Ano ang

mayroon sa pagbati nito! ?]

Isinumpa ni Qiao Chu na kung naroroon ngayon si Jun Wu Yao, itong sobrang palakaibigan na

Crown Prince malamang ay nakahiwalay na ang ulo sa katawan ngayon!

Hindi na masyadong inisip ni Lei Chen ang malamig na pakikitungo ni Jun Xie. Nakipag-usap

siya kay Fan Jin ng ilang sandali pa bago ito tumayo upang umalis na. Bago siya umalis, ay hindi

niya kinalimutan na magpaalam kay Jun Xie.

Subalit…

Patuloy si Jun Wu Xie sa hindi pagpansin sa kaniya.

Matapos umalis ng lahat mula sa Crown Prince's Residence, sa wakas ay nakahinga ng

maluwag ni Fan Jin bago sumadlak pabalik sa kaniyang upuan. Ipinalagay niya na ang upuang

iyon ang Headmaster at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya magawa na harapin ang mga

ganoong sitwasyon.

"Mayroon bang mali sa Crown Prince na iyon? Sige ang pagtawag niya kay Little Xie na

munting kapatid na Jun buong gabi. Muntik na akong mapatalon dahil sa nararamdaman kong

takot sa buong katawan!" saad ni Qiao Chu, walang humpay ang panginginig nito habang galit

na hinahaplos ang kaniyang braso, ang kaniyang mukha ay mababakas ang pagkayamot.

Ang mga kilay ni Jun Wu Xie ay nagsalubong din. Hindi niya gusto ang makipagpulong sa hindi

niya kilala, at hindi niya maipaliwanag ang pinakita ni Lei Chen na masyadong palakaibigan at

sobrang kabaitan.

"Erm... Lahat ba kayo ay talagang pupunta sa Crown Prince's Residence bukas?" maingat na

tanong ni Fan Jin. Sa paghuhusga niya sa reaksyon ng mga ito, ay malinaw niyang nakita na ang

pagbisitang iyon ni Lei Chen sa kanila ay hindi nagbigay ng positibong impresyon sa halip ay

nainis lamang sila.

"Oo." Tumango si Jun Wu Xie. "Ang bagay na iyon ay nasa kaniya. Kung nais natin magsagawa

ng kilos matapos ang Spirit Battle Tournament, ay kailangan muna natin manmanan ang

lugar."

Naningkit ang mat ani Jun Wu Xie. Marami ng tao ngayon sa Yan Country. Bukod sa mga pili na

mula sa iba't ibang paaralan, mayroon ding mga tao na may iba't ibang kapangyarihan sa

buong kalupaan. Kung ngayon sila gagawa ng pagkilos laban kay Lei Chen at madiskubre iyon,

ay kinakailangan lamang na gamitin ni Lei Chen ang kaniyang posisyon bilang Crown Prince ng

Yan Country at magtawag ng hukbo upang maprotektahan siya at suportahan ng mga tao na

may iba't ibang kapangyarihan sa Capital city. Dahil sa walang kasiguraduhan na

pagpakapanalo, ay hindi pa handa si Jun Wu Xie na ilantad ang kaniyang kamay sa ngayon.

avataravatar
Next chapter