771 Ang Saloobin ng Bawat Isa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakaupo si Lei Chen sa unang palapag ng Immortals' Loft at nakikipag-usap kay Fan Jin. Nang

makababa si Jun Wu Xie at ang iba pa, ay nakita nila ito na magara ang damit at matuwid na

nakaupo sa kaniyang upuan, banayad at magiliw na ngiti ang makikita sa mukha. Ang itsura ni

Lei Chen ay namumukod-tangi, kaakit-akit at hindi mukhang mapagmataas o nakakatakot,

mababakas sa kaniya na isa siyang pino at edukadong tao at madaling lapitan.

Nang makita ni Fan Jin si Jun Wu Xie at ang iba pa na naglalakad papunta doon ay mabilis

siyang tumayo at may ngiti na nagsalita "Ang ginoong ito ay ang Crown Prince ng Yan Country,

ang Imperial Highness, si Lei Chen."

Tumayo si Lei Chen upang tumango sa lahat, ang mapagkumbaba niyang ugali.

Si Qiao Chu at ang iba pa ay ay binati siya at naupo na sa isang tabi, lihim na inoobserbahan si

Lei Chen.

Si Lei Chen ay may magandang reputasyon at mataas ang papuri ng mga tao ng Yan Country sa

kaniya, anuman ang dahilan ito man ay dahil sa kaniyang pagiging magalang at mapagbigay na

ugali o kaya naman ay dahil sa kaniyang magagandang regalo. Si Lei Chen ay dalawampu't

limang taong gulang na ngayon at nagawa na niya makuha ang green spirit. Bagaman hindi siya

ang pinaka matalino o may kahanga-hangang talent ngunit isa iyong magandang bagay para sa

susunod na mamumuno, ang mas importante ay kung ano ang kaniyang utak at hindi ang

kaniyang lakas.

"Ang mga tao ba na ito ay ang pili ng Zephyr Academy? Ang bawat isa sa kanila ay mukhang

magaling. Ang Headmaster na si Fan Jin ay marunong pumili ng kaniyang mga tao."

pinasadahan ni Lei Chen ng tingin ang bawat isa na nakaupo sa lamesa, ang sulyap niya ay

banayad at magalang.

Sumagot si Fan Jin: "Masyadong mabait ang Kamahalan."

"Ang lahat ba ay sanay na dito sa Yan Country? Kung mayroon man hindi sapat sa inyong

pangangailangan, pakiusap ay sabihin ninyo sa akin. Isang karangalan sa Yan Country ang

pagpunta ninyo dito upang lumahok sa Spirit Battle Tournament at hindi kami magkukulang sa

mabuting pakikitungo sa inyong lahat." Magalang na sabi ni Lei Chen.

Ang grupo ay ngumiti at tumango, si Qiao Chu ay lihim na pinihit ang kaniyang katawan ng

bahgya upang bumulong sa tainga ni Hau Yao: "Bakit pakiramdam ko ang Crown Prince ay

masyadong magalang at mapagbigay? Ang isang tulad niya na mataas ang posisyon, hindi ba't

parang sobra ang pagiging magalang niya?"

Marahang tumango si Hua Yao. Kung ang lahat ng ito ay nangyari noon maaaring

maiintindihan kung bakit magalang si Lei Chen. Ngunit dahil sa sitwasyon ng Zephyr Academy

ngayon, ang pagiging mabait at magalang ni Lei Chen na para bang walang mali ay nagpapakita

na mataas pa rin ang tingin nito sa kanila. Ngunit kung titingnan ito sa ibang aspeto ang

pagbisita ni Lei Chen ngayong gabi sa Immortals's Loft ay isang malaking sampal sa Dragon

Slayers Academy? Ang Yan Country ay laging may maayos na relasyon sa tatlong mataas na

paaralan at hindi sila kailanman nagpakita ng pabor sa isa lamang. Ngunit sa mga kilos ni Lei

Chen ngayong gabi ay nagpapakita lamang ng senyales na sila ay pinapaboran nito.

Upang masiguro ang posisyon ng Crown Prince sa Yan Country, at magwagi na makuha ang

suporta ng mga tao ay hindi kayang makuha ng isang karaniwang tao lamang. Kung sinabi sa

kanila na walang kahit na anong plano si Lei Chen ay hindi sila maniniwala sa mga salita nito

kahit na patayin pa sila.

Habang patuloy na nakikipag-usap si Lei Chen kay Fan Jin, ang sulok ng kaniyang mata ay

sekretong minamasdan ang tahimik na si Jun Xie sa isang sulok. Kanina sa auction house, ang

atensyon niya ay nakatuon sa gwapong lalaki na nasa tabi ni Jun Wu Xie at hindi niya gaanong

naobserbahan ang munting bata. Matapos niyang malaman na kakaiba ang pagkakakilanlan

nito ay saka lamang napagtanto ni Lei Chen na nais niyang suriin pa ito ng maigi.

Naisip niya na ang batang iyon ay kaakit-akit ang hitsura ngunit hindi niya inaasahan na sa

malapitan sa maliit na mukha nito ay may pare ng magandang mga mata na tila humahatak ng

kaluluwa. Malamig at malinaw, tila nakahiwalay sa ibang bagay sa mundo ngunit ang mga

matang iyon ay nagniningning na parang makakaramdam ang sinuman ng lamig sa tuwing

dadaanan ka ng mga matang iyon.

Sa isang bata na may karaniwnag hitsura, ang magkaroon ng pares ng mga matang katulad

niyon ay nakapagpagulat kay Lei Chen ng bahagya.

Upang hindi mahalata ang tunay na intensyon ni Lei Chen, minabuti niya na huwag kausapin si

Jun Xie, nabanggit lamang si Jun Xie habang sila ay nag-uusap ni Fan Jin at hindi niya rin

kinalimutan na banggitin ang iba pa at hindi binigyan ng masyadong pagpapahalaga si Jun Xie

upang maiwasan na malaman ang tunay na pakay niya.

avataravatar
Next chapter