745 Ang Resulta (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Namamangha talaga ako sa itsura ni Hua Yao ngayon. Kuhang-kuha niya ang itsura ni Fan Jin. Sabi ni Qiao Chu habang hinihila si Hua Yao palapit kay Jun Wu Xie. Hindi nito napansin ang pagbabago ng ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao. Maging sina Ye Sha at Ye Mei ay hindi nito napansin.

Ang Fan Jin na nagpakita sa Zephyr Academy kanina ay si Hua Yao. Ang totoong Fan Jin ay nakaratay pa rin sa Inn at binabantayan ni Wen Xin Han.

Para mas lalong madurog si Ning Rui, kailangang magpakita ni Fan Jin at Fan Zhuo at iyon ang dahilan kung bakit inutusan ni Jun Wu Xie sa Hua Yao na tagpuin sila sa Chan Lin Town.

Mahusay si Hua Yao sa abilidad nito sa Bone Shifting, at sa tulong na din ni Jun Wu Xie, maayos nilang naisagawa iyon.

Hindi iyon papasok sa isip ni Ning Rui na ang Fan Jin na nakita nito ay isang impostor.

"Nakuha mo ang mapa?" Tanong ni Jun Wu Xie, nakatingin ito kay Qiao Chu.

Ngumisi si Qiao Chu saka inilabas ang isang kahon at binuksan iyon para ipakita ang isang mapa.

Binawi naman ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay na hawak ni Jun Wu Yao para tanggapin ang mapa.

Napaangat naman ang isang kilay ni Jun Wu Yao habang nakatingin kay Jun Wu Xie, bago bumaling kay Qiao Chu. Masayang nakangiti si Qiao Chu simula pa nang dumating ito. Ngunit nang makita niyang nakatingin sa kaniya si Jun Wu Yao, sa hindi malamang dahilan ay nangilabot siya. Nagkibit balikat si Qiao Chu para alisin ang naramdaman iyon. Kumurap-kurap siyang tumingin sa nakangiting mukha ni Jun Wu Yao.

"Kuya Jun." Tawag ni Qiao Chu kay Jun Wu Yao bilang pagbati.

Tumango naman si Jun Wu Yao bilang tugon.

"Nasaan si Fan Zhuo?" Tapos nang suriin ni Jun Wu Xie ang mapa, kaya naman ibinalik niya na ito kay Qiao Chu.

Sumagot si Qiao Chu: "Nandoon pa si Fan Zhuo. Mukhang marami pa iyong gustong itanong kay Ning Rui kaya nauna na kaming pumarito. Tanong ko lang...Little Xie, kampante ka bang mapapagaling mo ang kondisyon ni Fan Jin?" Nang dumating sina Qiao Chu sa Chan Lin Town at makita ang kalagayan ni Fan Jin, parang piniga ang kanilang mga puso.

Mabuting kaibigan si Fan Jin. Kahit na hindi pa nito kapatid si Fan Zhuo, ayaw nilang makita ito sa ganoong sitwasyon si Fan JIn.

Tumango si Jun Wu Xie. "Sigurado ako, pero kailangan ko pa ng kaunting panahon. Habang hindi pa magaling si Fan Jin, kailangan nating patuloy na pagpanggapin si Hua Yao bilang Fan Jin.

Kakaranas lang ng Zephyr Academy ng isang malaking unos at kailangan nito ng mamahala. Kung sasabihin nating hindi pa magaling si Fan Jin, baka masira ang reputasyon nito bilang isa sa mga nangungunang academy.

Kahit na ayaw ni Jun Wu Xie na makisali sa gulo ng iba, hindi maitatangging ang Zephyr Academy ay konektado kay Fan Jin at Fan Zhuo, at hindi niya hahayaang masira ang Zephyr Academy nang walang ginagawa.

Saglit na natigilan si Qiao Chu. Tumingin ito kay Hua Yao na nagpapanggap na Fan Jin at sinabing: "Ibig bang sabihin ay kailangang manatili ni Hua Yao na ganito ang itsura?"

Malapit si Qiao Chu kay Hua Yao dahil laging magkasama ang dalawa sa mga misyon. 

Hindi siya sanay na makita si Hua Yao sa ibang anyo.

Wala namang kaso iyon kay Hua Yao.

Kinabukasan, inutusan ni Jun Wu Xie si Ye Sha na sunduin sina Wen Xin Han pabalik sa academy. Para maiwasang malaman ng mga tao, pinanatili nila ang tunay na Fan Jin sa kakahuyan habang si Hua Yao ay pinamamahalaan ang Zephyr Academy sa tulong na rin ni Wen Xin Han at Fan Zhuo.

Buti na lang, ang totoong Fan Jin ay hindi rin pamilyar sa mga bagay na ito. Kaya naman nang maraming itinanong si Hua Yao ay hindi nagduda ang mga guro.

avataravatar
Next chapter