486 Ang Pinakamalakas na Pwersa (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagbago ang mukha ni Ning Xin. Ang pilit na magandang ngiti nito ay may kasabay na galit. Nanatili sa kanyang mukha ang ngiting iyon noong tumalikod siya para umalis.

Nang umalis na si Ning Xin, iyon pa lang ang pagkakataon na nakahinga ng malalim ang mga kawal ng Rui Lin.

"Ano ba ang amoy ng babaeng iyon? Halos di ako makahinga." Kinamot ng isa sa mga kawal ang kanyang ilong at ang tanging naaalala niya sa babeng iyon ang matapang na amoy nito na ikinasakit ng ilong at ikinaluha ng mga mata niya.

"Amo, sa tingin mo ba nahulog na siya sayo? Lagi ka niyang tinitingnan at namumula din siya! Isa pang kawal ang tiningnan ni Long Qi na tumatawa at inaasar ang kanilang heneral..

"Namumula ba talaga siya? At hindi maputlang puti? Noong tiningnan ko siya bago umalis, ni walang kakulay-kulay ang kanyang labi!"

"Tumigil na kayong lahat sa walang kabuluhang usapan na 'yan." Tiningnan ni Long Qi ang mga kawal. "Kapah nandoon na tayo sa Spirit Moon Lake,hanapin niyo agad ang Spirit Beasts at bayaran niyo sila para makaalis."

Nagpatatag ang mga labanan kay Long Qi, ngunit hindi niya masyado alam ang relasyon ng isang lalake at isang babae, pero matalino siya. Nakikita niyang bata pa si Ning Xin ngunit alam niyang hindi lang simple ang intensyon nito. Palagi nitong sinusubukan manghimasok sa kanilang sitwasyon kahit mahigpit itong ipinagbabawal sa misyon ng militar.

"Masusunod po!"

"Senior Ning, ano ang problema?" Agaran na tanong ni Yin Yan nang makita nito ang maputlang mukha ni Ning Xin. Kahit si Lu Wei Jie ay napuna ito nang tingnan niya si Ning Xin.

Nagbuntong hininga si Ning Xin.

(Sino ang mga walang modong iyon? Iginalang niya ang mga ito at akala mo kung sino na sila? Mapangahas sila para gawin iyon!?)

Laging hinahangaan at tinitingala si Ning Xin ngunit ginalit siya ng matindi ni Long Qi dahil sa malamig at hindi magandang pakikitungo nito.

Hindi niya naranasan kailanman na isampal sa kanya ang ganitong pagtrato!

"May mga nabagong plano. Itong mga hangal na taong ito, hindi alam kung ano ang makakabuti sa kanila!" Galit na sinabi ni Ning Xin at nawala ang nakasanayang ngiti nito sa labi.

"Ano ba talaga ang nangyari? Ano ba ang ikinagagalit mo? Lumapit si Lu Wu Jie para pakalmahin ang magandang dilag. "Nakikita kong ganid ang mga taong ito na may taglay na kakayahan at hindi ako payag na makidsalamuha ka sa mga salbaheng iyon kanina. Kung ayaw nilang tanggapin ang mabuti nating intensyon, pabayaan mo na sila. Tayo, bilang mga disipulo ng Zephyr Academy ay hindi natin panghihinayangan ang maliit nilang kakayahan.

Sumang-ayon si Lu Wei Jie sa mga naunang plano ni Ning Xin, ngunit nang makita niya ang kung paano ito makipagtrato at masyadong distansya sa buong paglalakbay, dahil din sa hambog na personalidad niya, hindi niya rin matanggap ang pagtanggi nito. Mas tumindi ang galit niya dahil kahit na ang kanyang magandang dilag na si Ning Xin ay hindi binigyan ng pormal na pagtrato.

"Hmph! Pinili nila tanggihan ang alok nating alak kaya bigyan natin sila ng lason! Hiningi nila yan! Sila ang dahilan kung bakit umabot ako sa ganito at tingin nila kakayanin nila ako gamit ang ilang mataas na Spirit Beasts? Ako at si Ning Xin ay mas mahalaga pa kaysa sa mga yan!" Kumitid ang mga mata ni Ning Xin at ang mga mapupungay na mata nito'y napalitan ng pagtingin ng makamandag at pagmamalisya.

Nakatayo sa gilid att hindi lang gumagalaw si Yin Yan at hindi na sinubukan nitong sumagot pa. Subalit biglang nagsalita si Lu Wei Jie: "Anong balak mong gawin? Kapag kakalabanin natin sila, tingin ko wala silang laban sa atin."

Kung hindi makapangyarihan ang mga taong iyon, binugbog na ito ng walang awa ni Lu Wei Jie. Ngunit kapag kaharap nito si Long Qi, lulunukin niya lang ang galit niya at pipigilan.

Tumawa si Ning Xin at sinabing: "Bakit kailangan pa nating dumihan ang ating mga kamay? Ang Battle Spirits ay puno pa rin ng Spirit Beasts."

"Ngunit kaya nilang pabagsakin ang High Grade Spirit Beasts…"

"Ano naman doon sa High Grade?" Gigil na sambit nito at nagtungo siya sa likod para harapin ang mga grupo ng lalake at mga mata nito ay puno ng paghihimagsik.

avataravatar
Next chapter