485 Ang Pinakamalakas na Pwersa (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi naman nagpatinag si Ning Xin sa mga tinging kaniyang natanggap, sa halip ay mas nagpursigi pa ito.

Kumpiyansa si Ning Xin sa kaniyang sarili. Alam niya sa sariling kaakit-akit ang kaniyang ganda. Kaya naman, kailanman kahit sa panaginip ay hindi niya naisipang siya ay tatanggihan ng mga sundalong ito.

Inisip niya na lang na ang mga sundalong ito ay katulad din ng mga sundalong kaniyang nakasalamuha noon na lihim na naaakit sa kaniya.

"Hindi na kailangan." Sagot ni Long Qi na hindi man lang ito tinignan at diretso itong tinanggihan.

Saglit na nawala ang matamis na ngiti sa mukha ni Ning Xin ngunit agad din namang nakabawi.

"Hindi mo kailangang maging mailap dahil tadhanang makita niyo kami rito. Malayo-layo pa ang ating lalakarin bago tayo makarating sa Spirit Moon Lake, gusto mo bang ibahagi ko ang sitwasyon sa Spirit Moon Lake?" Tanong ni Ning Xin na nakangiti pa rin. Nagpapakita ito ng hindi pagsuko kay Long Qi.

Mas lalo namang nalukot ang mukha ni Long Qi. Gusto niya itong tanggihan muli. Ngunit nang kaniyang mapagisip-isip na hindi pa sila nakakapunta ng Spirit Moon Lake, ang tanging alam lang nila tungkol doon ay ang mga halamang-gamot na pinapakuha sa kanila ni Mu Chen. Wala naman sigurong mangyayari kung kukuha sila ng impormasyon pa sa tungkol sa kanilang paroroonan.

"Kung gayon ay istorbohin kita." Sagot ni Long Qi matapos timbangin ang sitwasyon. Sinarili niya na lang ang pagkaubos ng pasensya.

Umabot naman ang ngiti sa mga mata ni Ning Xin. Kahit naramdaman na niyang ang ganitong tao ay hindi mahilig makisalamuha, kumpiyansa siya sa sariling alam niya kung paano makitungo ang mga lalaking katulad nito.

"Malawak ang Spirit Moon Lake, ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig sa buong Battle Spirits Forest. May sabi-sabing ang tubig non ay nakakapagpasigla ng espiritu at nakakaakit ng maraming Spirit Beasts. Maraming mga Spirit Beasts ang nasa paligid lang ng lawa dahil umiinom ang mga iyon doon. Kung mayroon silang mararamdamang hindi pamilyar na presensiya, sila ay paniguradong aatake. Kaya iminumungkahi kong 'wag muna kayong dumiretso sa Spirit Moon Lake, sa halip ay siya satin niyo muna ang paligid para iwasan ang posibleng trahedya." Intensyon ni Ning Xin na kaibiganin si Long Qi kaya naman napagdesisyunan niyang magsabi ng ilang katotohanan dito.

Sumagot naman si Long Qi: "Hindi na kailangan, kung mayroon mang Spirit Beast na makakasalubong, papatayin na lang namin iyon."

Nagulat si Ning Xin sa sinabing iyon ni Long Qi. Malamang ay malaki ang tiwala nito sa sariling kakayahan para sabihin iyon. Noong banggitin ng isang disipulo na may nasaksihan itong grupo ng kalalakihang pumatay ng mataas na uri ng Spirit Beast ay nagdalawang-isip siya. Ngunit matapos niyang personal na masaksihan ang kumpiyansa ni Long Qi, unti-unti na siyang naniniwala sa sinabi ng batang disipulo.

"Haha, ang mga salita ng matatapang ay talaga ngang kakaiba. Siguro nga ay kamangha-mangha ang kakayahan ni Long Qi at humahanga naman si Little Xin." Marahang ngumiti si Ning Xin.

Ngunit wala namang reaksyon si Long Qi. Malamig ang ekspresyon sa kaniyang mukha at mailap.

"Marami ka na sigurong napagdaanan Long. Malayo-layo pa ang ating lalakbayin, maaari mo bang ikwento ang mga tagumpay mo?" Matamis na ngumiti si Ning Xin.

Kung ibang tao iyon, at pinakitaan ng pagkagiliw ng isang magandang binibini, paniguradong ang lalaking iyon ay nahulog na. Ngunit ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Long Qi.

"Miss Ning." Biglang tumigil sa paglalakad si Long Qi.

"Long, hindi mo kailangang maging mailap. Tawagin mo na lang akong Little Xin." Namula ang mukha ni Ning Xin at yumuko para itago ang siya sa kaniyang mga mata.

"Kung wala ka nang ibang impormasyon tungkol sa Spirit Moon Lake, wala ka na dapat pang sabihin pa. Mayroon akong dapat sabihin sa aking mga tauhan, maaari lang na hayaan niyo kaming mag-isa, Miss Ning." Malamig na tumingin si Long Qi kay Ning Xin. Hindi man lang ito nag-atubiling paalisin ito.

avataravatar
Next chapter