484 Ang Pinakamalakas na Pwersa (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang sila ay naglalakad patungo sa Spirit Moon Lake, inutusan ni Ning Xin si Lu Wei Jie na subukang kausapin si Long Qi at ang mga kasamahan nito, ngunit ito ay inignora ng grupo.

Ni hindi man lang sumagot si Long Qi ng kahit isang salita man lang.

Ang inignorang si Lu Wei Jie ay madilim ang anyong bumalik sa tabi ni Ning Xin. Siya ay kinagigiliwan ng halos lahat sa Zephyr Academy at laging pinagkakaguluhan ng mga disipulo. Hindi siya sanay na inignora kaya naman hindi niya nagustuhan iyon.

Nang makita ni Ning Xin na maging si Lu Wei Jie ay inignora ng grupo, pinauna niya ito at sumabay sa grupo ng Rui Lin Army. Matamis siyang ngumiti sa grupo nina Long Qi.

"Nakikita kong hindi kayo pamilyar sa Battle Spirits Forest, ito siguro ang unang beses niyong tumungo dito. Ano ang hinahanap niyo sa Spirit Moon Lake? Sa katunayan, ang aking ama ay ang Vice Headmaster ng Zephyr Academy at halos kabisado na niya ang Battle Spirits Forest. Nagkakaroon ng dalawang Spirit Hunt ang Zephyr Academy sa loob ng isang taon at madalas kami dito sa Battle Spirits Forest. Lagi kaming may dala galing sa kagubatan tuwing nagtatapos ang Spirit Hunt, kung mayroon kaming stock ng inyong hinahanap, hindi ba't mas mapapadali kayo?" Mayroong napakagandang mukha si Ning Xin at ang kaniyang mga ngiti ay tumutunaw ng ilang libong puso. Napaka-hinhin niyang magsalita kaya naman mahirap na siya ay hindi kaluguran ng mga tao.

Sa katunayan, kung hindi siya nanghingi ng ganong bagay kanina, maganda sana ang impresyong iniwan niya kina Long Qi at sa grupo nito.

Nalukot ang mukha ni Long Qi, nauubusan na siya ng pasensiya.

Ang mga kabataang ito ay ilang beses nang sumubok na kaswal na makipag-usap sa kaniya.

Dahil pumayag na sila, ang kailangan na lang nilang gawin ay ibigay ang hiningi ng kapalit ng mga ito. Ang pagpipilit ng mga ito na makipag-usap pa sa kanila ay nagbibigay sa kanila ng pagkaasiwa.

Lihim na tinitigan ng masama ng grupo ni Long Qi si Ning Xin. Hindi nila maitatanggi na nakakahumaling at matamis ang ngiti ni Ning Xin ngunit naman sila natinag doon.

Para sa kanila, walang makakatumbas sa itsura at lebel ng kanilang Young Miss!

Ang Rui Lin Army barracks ay puno ng matitikas at matatapang na kalalakihan. Sila ay madalas na may sariling mundo at nakatuon ang atensyon sa pagsasanay kaya naman bihirang-bihira lang silang magkaroon ng pagkakataon na makaharap ng babae. Ang tanging babae lang na madalas nilang makita ay ang Lin Palace's Young Miss na si Jun Wu Xie.

Nong una, bago magpalit ng kaluluwa si Jun Wu Xie, hiyang-hiya sila sa reputasyon ng kanilang Young Miss. Ngunit dahil sa kadugo nito ang Jun Family, wala silang magawa kundi ang yumukod dito. Ngunit matapos ng pagbabago sa kalooban ni Jun Wu Xie, ang bawat galaw na isinasagawa nito ay nakapagpabago sa unang tingin ng mga sundalo ng Rui Lin Army sa kanilang Young Miss.

Sa mata ng mga magigiting at matatapang na sundalong ito, ang pinakamaganda sa balat ng lupa ay tanging ang kanilang Young Miss lang. Walang maihahalintulad sa katangian nito.

Dahil sa sukatang sinimulan ni Jun Wu Xie sa puso ng kalalakihang ito, kahit sinong babaeng mang-akit sa kanila ay mabibigo.

Ang itsura ng babaeng nasa kanilang harap ay kulang, para ikumpara sa kanilang Young Miss.

Ang mga mata nito ay walang buhay kumpara sa kanilang Young Miss.

Hindi ito kahali-halina, masama ang ngiti nito kumpara kay Jun Wu Xie! Ang kanilang malamig, magiting at kahali-halinang Young Miss!

At bulag ba ang babaeng ito? Hindi niya ba nakita ang "huwag istorbohing" ekspresyon sa mukha ng kanilang Heneral? Pilit pa ring sinusubukan ng mga ito na mapalapit dito. Sa kondisyon hiniling nito para lang sila ay ituro sa kanilang paroroonan, walang taong nasa matinong kaisipan ang papayag doon, maliban na lang kung marami itong pera.

Hindi pa rin nito maramdaman na siya ay kinasusuklaman mula ulo hanggang paa, sa harap ng mga sundalo ng Rui Lin Army. Habang itong si Ning Xin ay matamis pa ring nakangiti sa kanila.

avataravatar
Next chapter