483 Ang Pinakamalakas na Pwersa (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi maaaring matalo ang Qi Kingdom, at hindi sila nangahas na matalo.

Sila ay naging sikat sa bansag na hindi matalo-talo dahil sa isang dahilan!

Kung sila ay matatalo, mawawala sa kanila ang kanilang lupang sinilangan.

Naalala ni Jun Wu Xie ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Jun Xian nang kanilang minsang pag-usapan iyon. Laging may ngiti sa mukha si Jun Xian, ngunit ang kaniyang mga mata ay malungkot tuwing naaalala ang pagkatalo.

Ang kasakitan ng Rui Lin Army ay dahil na rin mismo sa kanilang sundalo. Alam lang ng lahat ang katapangan ng mga ito, ngunit walang nakakaala tungkol sa mga bilang ng mga martir na isinuko ang kanilang mga buhay para sa taong-bayan.

Kung pwede lang, isusuko ni Jun Xian ang kasikatan at yaman, kaysa sa hayaan ang mga sundalong iyon na isa-isang malagas.

Ang mga miyembro ng Jun Family ay kailanman hindi dapat naging masaya sa reputasyon pinanghahawakan ng Rui Lin Army!

Ito ang mga salitang nanggaling mismo kay Jun Xian.

Dahil iyon ay isang kahihiyan, kapag ang pinuno ay hindi kayang iuwi ang kaniyang mga sundalo ng buhay. Nasa pinuno ang lahat ng sisi dahil sa kapabayaan nito.

Hindi alam ni Jun Wu Xie kung kailan nagsimula, ngunit kaniyang naaalala ang lungkot ng kaniyang lolo at tiyuhin nang ikwento sa kaniya iyon.

"Hindi ganoon kalayo ang Battle Spirits Forest sa Qi Kingdom, ngunit hindi ko pa rin inaasahang makakakita ako dito ng miyembro ng Rui Lin Army." Halata sa itsura ni Fan Jin ang kasabikan. Ang mga bayaning tinitingala ay maaari niyang makita ngayon.

Tumikhim si Qiao Chu at sabik na sinabi kay Fan Jin: "Ipaalala ko lang na ang mga bayaning iyon ay kasama na si Ning Xin at ang grupo nito, at mukhang ginulangan na sila ng mga iyon."

Dahil sa sinabing iyon ni Qiao Chu, ang kaninang sabik na mukha ni Fan Jin ay parang binuhusan ng nagyeyelong tubig!

Naisip na ni Fan Jin na labis-labis ang hininging kapalit ni Ning Xin.

"Tara na." Ilang sandaling tahimik si Jun Wu Xie bago nagsalita. Ipinatong nito ang pusa sa kaniyang balikat.

"Little Xie, saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ni Qiao Chu. Alam niyang nananamantala nanaman si Ning Xin ng mga tao, ngunit hindi siya dapat mabahala dahil wala naman siyang koneksyon sa mga taong iyon. Ang kaniya lang magagawa ay ang magawa sa mga tauhan ng Rui Lin Army.

"Spirit Moon Lake." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Kung hindi siya papakialaman ni Ning Xin ay hindi siya mababahala. Ngunit pinili ni Ning Xin na pagsamantalahan ang Rui Lin Army at hindi makakapayag si Jun Wu Xie doon.

Ang mga tauhan ng kaniyang lolo ay hindi kailanman dapat sumailalim sa pang-aabuso ng mapagsamantalang tao!

Dahil doon, lahat maliban kay Ye Sha ay nagulat sa biglang desisyon ni Jun Xie.

"B...bakit tayo tutungo sa Spirit Moon Lake?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Qiao Chu. Kailanman ay hindi naging pakialamero si Jun Xie at habang nagkukwento si Fan Jin kanina ay tahimik lang si Jun Xie.

Nabahala ba si Jun Xie sa kwento at ngayon ay gusto niyang iligtas ang mga tauhan ng Rui Lin Army sa pang-aabuso?

Malamig na tinapunan ng tingin ni Jun Xie si Qiao Chu ngunit hindi nagsalita.

Napalunok si Qiao Chu, pero siya ay unti-unti nang nasasanay sa madalas na hindi pagsagot ni Jun Xie.

"Pero hindi natin alam kung saan matatagpuan ang Spirit Moon Lake." Nilabas ni Rong Ruo ang mapa para pag-aralan iyon. Maging ang kanilang kasalukuyang kinatatayuan ay hindi nila alam kung saan iyon banda sa mapa.

"Sundan niyo ako. Naglabas ako kanina ng Ink Snake na susunod sa kanila. Kailangan lang nating sundan ang presensiya ng Ink Snake at matatagpuan natin sila." Diretsong saad ni Ye Sha.

Nagpalitan naman ng makahulugang tingin ang grupo. Lahat sila ay nabubuhayan ng kuryosidad tungkol sa pagkatao ni Ye Sha, ngunit sinarili na lamang nila iyon.

Pagkatapos ng kwento ni Fan Jin, sina Qiao Chu at ang buong grupo ay nagkaroon ng positibong impresyon sa Rui Lin Army. At nang sabihin ni Jun Xie na sila ay pupunta kung nasaan ang ilang tauhan ng Rui Lin Army, hindi sila umalma.

Matapos ayusin ang mga sarili, sumunod na ang grupo kay Ye Sha habang sinusundan ang mga bakas na iniwan ng Ink Snake. Naglakad na sila patungo sa Battle Spirits Forest's Spirit Moon Lake...

avataravatar
Next chapter