482 Ang Pinakamalakas na Pwersa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang Rui Lin Army?" Nag-angat ng tingin si Fan Jin at hindi makapaniwalang tumingin kay Ye Sha.

"Ano ang Rui Lin Army?" Naguguluhan si Qiao Chu. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Fan Jin.

Tumingin naman si Fan Jin kay Qiao Chu at nakitang maging sina Hua Yao ay parang walang alam sa kaniyang sinabi: "Hindi niyo pa naririnig ang tungkol sa Rui Lin Army?"

Tumango si Qiao Chu.

"Ang Rui Lin Army ay ang pinakamalakas na pwersa sa Qi Kingdom. Ang Qi Kingdom ay maliit lang ngunit pinakamalakas sa buong kalupaan. Kaunti lang ang populasyon doon kumpara sa iba. Ngunit nagawa nilang bumuo ng malakas na pwersa, at iyon ay ang Rui Lin Army. Hindi naman talaga ganon kalaki ang army at ang balita ko ay nasa isandaang libo lang ang bilang non. Ngunit ang bawat isang sundalo doon ay matapang at kahit na sino pang makaharap nila sa labanan ay siguradong bangungot ang sasapitin." Hanga si Fan Jin sa kakayahan ng militar na iyon at marami siyang narinig tungkol sa sikat na Rui Lin Army.

Masasabing ang kasikatan ng Rui Lin Army ay mas higit pa sa Qi Kingdom.

"Namumukod-tanging lakas at kakayahan? Ang kanila bang ring spirits ay mataas na uri?" Tanong ni Qiao Chu.

Umiling naman si Fan Jin.

"Sikat ang Rui Lin Army hindi dahil sa kanilang kakaibang spiritual power o ring spirits. Ang dahilan kung bakit sila nakilala bilang pinakamalakas na pwersa ay dahil sa kanilang puso sa pakikipaglaban. Hindi nila alam ang salitang sumuko. Ang bawat sundalo nila ay hindi takot na mamatay. Pag pinasama-sama ang kanilang lakas at tapang ay talaga nga namang hinahangaan. Sila ang naging sandata. Alam niyo bang nang bago pa lamang ang Qi Kingdom, sa kanilang unang laban, ang Rui Lin Army ang nanguna. Ang bilang ng Rui Lin Army ay nasa tatlong-daang libo! Ngunit pagkatapos ng labanang iyon walumpung libo na lang ang natira! Ang nawalang dalawandaang libong sundalo ay isinuko ang kanilang buhay sa kalaban para protektahan ang kanilang kalupaan!" Ikinukwento iyon ni Fan Jin na animo'y nasaksihan niya ang bawat pangyayari.

"Ang kanilang kalaban noon ay isang milyong bilang ng sundalo! Mas lamang ang bilang sa kanila ng tatlong beses. Ngunit sa kabila non ay sumuko ang kanilang kalaban at kailanman hindi na nangahas na lumapit sa Borders ng Qi Kingdom!"

Nakinig lamang sila Qiao Chu habang ang mga mata nito ay nanlalaki. Wala silang gaanong alam sa Lower Realm. Ang mga bagay na ito katulad ng mga bansa at mga sundalo nito ay mga bagay na hindi sa kanila pamilyar. Nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa pagpapalakas ng kanilang mga sarili at hanapin ang puntod ng Dark Emperor na makakapagbigay sa kanila ng sapat na lakas para kanilang malabanan ang Twelve Palaces.

Hindi nila alam na sa kalupaan kanilang tinirhan sa loob ng ilang taon, mayroong ganitong pwersa. Mga grupo ng taong mas pipiliin pang mamatay kaysa sumuko para lang protektahan ang kanilang lupain at mga tao!

Ang lahat ng nasa grupong iyon ay manghang-mangha sa kanilang nalaman.

Sa mga oras na iyon, bago pa man nila makita o makaharap ang Rui Lin Army, mayroon na silang paghanga at respeto sa kanilang mga puso para sa mga ito.

Maliban lang kay Jun Wu Xie na tahimik lang na nakikinig sa kwento ni Fan Jin.

Ang alam lang ng lahat ay matapang at malakas ang Rui Lin Army, ngunit hindi nila alam na ang Rui Lin Army ang may pinakamaraming bilang ng mga pinunong namatay. Sa bawat laban, ang mga pinuno ng Rui Lin Army ang laging nangunguna.

Masyadong maliit ang Qi Kingdom, ang mga mamamayan doon ay mahihina, kaya naman hindi sila maaaring matalo.

Sa oras na sila ay matalo, ibig sabihin na rin non ay ang pagkatalo ng buong kaharian!

avataravatar
Next chapter