782 Ang Piging (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang tiyaga na nagsalita si Lei Yuan: "Hindi ka makapagsalita? Tigilan mo ang pag-utal!"

"Tignan mo.. Dali... Tignan mo..." ang boses ng tagapagsilbi ay lalong nanginig.

Pumalatak si Lei Yuan at lumingon, isang walang tiyagang tingin na sinipat niya ang hardin.

At sa isang tingin na iyon ang panga niya ay tila nalaglag sa lupa at hindi niya magawa na isara ang kaniyang bibig!

Sa ilalim ng pilak na liwanag ng buwan, ang munting bata na nakatayong mag-isa sa hardin ay nababalot ng isang nagbabagang liwanag ng green spirit. Ang matinding liwanag ng emerald green ay hindi maitatanggi na ito ay nasa pinakamataas na antas na, kasabay ng pagkalat ng spirit glow ay ang kawalang-bahala sa puso ni Lei Yuan.

"Green... green spirit..." nanlaki ang mata ni Lei Yuan habang hindi makapaniwalang titig na titig sa lampa at mahinang munting bata. Kinusot niya ang kaniyang mata upang tiyakin kung hindi ba siya nito pinaglalaruan.

"Labing-apat na taong gulang... green spirit... at... nasa rurok na..." natigagal si Lei Yuan. Ni sa panaginip ay hindi niya inaasahan na makakakita siya ng isang disipulo na mula sa isang bumabagsak na paaralan ay magagawang magpakita ng hindi kapani-paniwalang lakas.

Ang pagkakaroon ng spirit power sa ganoong antas at sa napakamurang edad... nalagpasan nito ang hangganan na wala pang nakakagawa kahit kailan! !

[Ang batang ito ba ay isang tao]

Sa mga saglit na iyon ay naniniwala si Lei Yuan na ang batang iyon ay nagababalatkayo ngunit sa katotohanan ay isang malakas na nilalang!

Kung hindi man, ang kapangyarihan ng batang iyon ay abot langit!

Hindi lang sa Zephyr Academy, maging sa dalawang mataas na paaralan o kahit ilang daang paaralan man ay walang makikita na disipulo na katulad noon!

At dahil doon, wala na siyang palabas na panonoorin at lubha niya itong ikinagulat. Ikinatuwa ni Lei Yuan na hindi siya nagpakita ng maganda kanina o kung hindi ay mapapahiya siya. "Hindi nakakapagtaka na ang aking Royal Brother ay nagpakita ng espesyal na pagtrato sa batang ito. Alam na pala niya!" singhal ni Lei Yuan, sinumpa at minura niya si Lei Chen sa kaniyang isip. Ganoon na lamang ang pagtataka niya niya kung bakit gumagawa ito ng mga bagay na wala naman maidudulot na mabuti para sa kaniya, at iyon naman pala ay dahil sa nadiskubre na ng kaniyang Royal Brother ang tunay na halaga ni Jun Xie, kaya naman tinatawag niya ang bata ng "munting kapatid na Jun" sa harap ng lahat. Bigla niyang napagtanto kung bakit hindi nagpakita si Jun Xie ng tuwa sa pinaparamdam ni Lei Chen na pagkagusto dito. Sa abilidad ng batang ito ay hindi na niya kailangan pa dumikit kahit kanino. Batay sa bilis ng paglilinlang ng kaniyang spirit power, ang Purple Spirit ay malapit na niyang makuha!

Ikinatuwa ni Lei Yuan ang ginawa ni Lei Chen na pagpapahiya sa Dragon Slayers Academy dahil nagbigay ito ng pagkakataon sa kaniya upang mapalapit sa mga iyon. Ngunit batay sa nakita niya, mali ang naging desisyon niya. Kahit anong taas ng mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay hindi nila kayang pantayan ang isang bata na malapit ng maging isang Purple Spirit.

Umikot ang isip ni Lei Yuan. Nakikita niya na hindi lubusang matanggap ni Jun Xie ang mga inaalok ni Lei Chen. Ibig ba sabihin nun ay hindi gusto ni Jun Xie si Lei Chen? Ibig din kaya sabihin nun ay maaaring may pagkakataon pa siya?

Nang pumasok iyon sa kaniyang isip ay pumailanlang ang puso ni Lei Yuan. Hindi niya gusto na sumuko ng ganun na lamang kaya mabilis niyang inayos ang kaniyang kasuotan at maingat na inayos ang ekspresyon sa kaniyang mukha bago lumabas upang magtungo sa hardin.

Nagawa pa lang paalisin ni Jun Wu Xie ang isang grupo ng magugulong kabataan na hindi alam kung saan sila dapat lumugar at ngayon, bigla siyang haharapin ng isang "taong bola" na kasalukyang "gumugulong" palapit sa kaniya.

"Ayos lang ba ang munti naming kapatid dito? Nakita ko kanina na isang grupo ng disipulo ng Dragon Slayers Acdemy ang nagtungo rito at ako'y nag-alala na may gawin silang hindi maganda sa iyo. May ginawa ba sila sa iyo?" isang malaking pagbabago ang pinakita niya kay Jun Wu Xie kumpara kanina sa piging, malaki ang ngiti ni Lei Yuan sa kaniyang mukha na huminto sa harap ni Jun Wu Xie. Disidido siyang magpakita ng galang at tikas, ngunit ang kaniyang punggok at mabilog na katawan ay naging dahilan upang iyon ay umalog-alog habang siya ay tumatawa taliwas sa nais niyang ipakita dito.

Bahagyang sumimangot si Jun Wu Xie habang tinitignan niya ang labis na katabaan nito na tila isang bilog na bola.

Kung hindi siya nagkakamali, ang bolang nasa harap niya ngayon ay ang Second Prince ng Yan Country. Kanina sa piging ay wala itong pinakita kundi pag-alipusta para sa Zephyr Academy kaya sa anong kadahalinan at biglang nagbago ito ngayon?

avataravatar
Next chapter