777 Ang Piging (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang anim na mula sa Zephyr Academy ay animo isinumpa. Sa kabuuan ng piging, karamihan sa

mga disipulo mula sa ibang paaralan ay itinuturo at nagbubulungan ng tungkol sa kanila.

Naging "mainit na paksa" ang Zephyr Academy ngayong taon at dahil sa ipinapakita ni Lei Chen

na pagpabor sa kanila, ay mabilis silang naitapon sa putikan.

Sa totoo lang, ang anim sa kanila ay may taglay na matinding kakisigan, ngunit sa ibang

kabataan na naroon, hindi nila makita iyon. Sabagay, naroon sila upang makipaglaban at

madaig ang iba sa Spirit Battle Tournament, at bago pa magsimula ang paligsahan, ang mga

tao mula sa Zephyr Academy ay nakuha na ang pabor ng Crown Prince na si Lei Chen, kaya

bakit aasahan na maging masaya sila tungkol doon?

"Meow" nakahiga sa kandungan ni Jun Wu Xie ang itim na pusa, ang matalim na tainga nito ay

nakikinig sa matinik at panunuya habang ang buntot nito ay dahan-dahang umiindayog sa

hangin.

[Ang mga batang ito na matitigas ang ulo, lahat ba sila ay malaya? Isa lamang iyong Spirit

Battle Tournament, at kung kumilos ang mga ito para bang ang Crown Prince ay namimili ng

kaniyang babae! ? Bawat isa sa kanila ay kumikilos na tila nagseselos na babae.]

[Wala sa isang pangungusap ang sinabi ni Lei Chen kay Jun Wu Xie ngunit ang mga taong ito ay

tila nais kaining ng buhay si Jun Wu XIe.]

Marahang hinaplos ni Jun Wu Xie ang malambot na balahibo ng itim na pusa, pilit na hinarang

ang mga salita sa kaniyang paligid. Wala siyang interes nap ag-aksayahan ng panahon ang mga

batang iyon. Ang tanging rason kung bakit siya naroon ay dahil nais niyang gamitin ang piging

upang mag-imbestiga sa Crown Prince, para maging madali sa kanila ang pagkilos pagkatpos ng

Spirit Battle Tournament.

Masyadong maingay at magulo sa piging, binuhat ni Jun Wu Xie angitim na pusa at tumayo. Si

Lei Chen na nakikipag-usap sa ibang disipulo ay napansin ang kilos ni Jun Wu Xie at may ngiti sa

labi na nagtanong: "May problem aba, munting kapatid na Jun?"

Walang ekspresyon na tumingin si Jun Wu Xie sa nakangiting mukha ni Lei Chen at sumagot:

"Msyadong mainit." At madali na siyang naglakad palabas ng piging. Si Qiao Chu at ang iba pa

ay nagpalitan ng mga tingin, alam ni kung ano ang dahilan ng pag-alis ni Jun Wu Xie, kaya

nagpatuloy lamang sila sa kanilang masyang pag-uusap.

Upang ipakita ang kagandahang-loob at kabaitan sa mga kalahok, ipinahintulot ng Crown

Prince sa mga kabataan na nagpunta sa piging na malayang maglakad-lakad sa Crown Prince's

Residence. Sa paraang iyon, ay maipapakita niya ang kaniyang kabaitan at makikita ng mga

disipulo kung gaano karangya ang Crown Prince's Residence.

Tinitigan ni Lei Chen ang likod ni Jun Xie at isang ngiti ang bumakas sa kaniyang mata.

Ang mga taong nagtataglay ng mapagmataas na ugali ay hindi gugustuhin na masyadong

nilalapitan. Bagaman hinhiling niya na makuha si Jun Xie, ay hindi siya magiging agresibo.

Upang magawa na pagsilbihan siya ng ibang Partido ng buong-puso, ay natural na gagawan

niya iyon ng paraan.

Lihim na sinulyapan ni Lei Chen ang hilera ng mga kabataan na nasa kaniyang likod. Ang mga

iyon ay disipulo ng Dragon Slayers Academy at halos karamihan sa kanila ay palihim na umalis

sa kanilang kinauupuan ng makitang tumayo si Jun Wu Xie upang umalis sa piging at ito ay

kanilang sinundan.

"Aking Royal Brother. Bakit masyado kang mabait sa batang iyon? Masyado siyang payat at

mahinang tignan, tila wala rin siyang sapat na kakayahan." nakangisi si Lei Yuan sa tabi ni Lei

Chen na nakatingin sa palayo na si Jun Xie, ang bibig niya ay puno ng pagkain.

Ngumiti si Lei Chen at sumagot: "Bihira akong makakita ng isang tao na ganoon kabata na

kakatawan sa Zephyr Academy upang lumahok sa Spirit Battle Tournament. Bukod sa bagay na

iyon, siya rin lang ang pinakabatang kalahok ngayong taon kaya natural lamang na bigyan siya

ng pansin. Bakit nagsasalita ang aking Second Brother ng ganito?"

Ang tono ng boses ni Lei Chen ay banayad lamang ngunit ang bawat salitang kaniyang

binitawan ay malinaw. Bagaman totoong nagbibigay siya ng labis na atensyon kay Jun Xie dahil

iyon sa kaniyang bata at murang edad. Sa paraang iyon, hindi maghihinala ang mga tao sa

tunay niyang motibo, ngunit iyon ay dahil ang Crown Prince ng Yan Country ay napapabalitang

mapagmalasakit.

avataravatar
Next chapter