776 Ang Piging (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang taong nagsalita ay hindi kung sno lamang, siya ang kasalukuyang Second Prince ng Lei

Yuan. Ang naghahari sa Yan Country ay may apat na anak na lalaki, kabilang doon ang Crown

Prince na anak ng naghaharing Empress. Nang ipanganak ang Second Prince at Third Prince sa

Imperial Concubines, ang kanilang estado ay hindi maihahambing sa Crown Prince na si Lei

Chen. Bukod doon, si Lei Chen ang panganay na anak at siya ang pinaka talentado sa lahat ng

mga prinsipe, kaya sa kaniya napunta ang posisyon. Bagaman ang youngest Prince ng Yan

Country ay hindi sa Empress, ngunit dahil sa maagang pagkamatay ng tunay nitong ina, siya ay

pinalaki ng Empress.

Ang piging ngayong taon na ito ay pinangunahan ng Crown Prince na si Lei Chen at ang ibang

mga prinsipe ay inimbitahan. Ang piging ay malapit ng mag-umpisa at tanging si Lei Yuan

lamang ang naroon. Ang bilugang katawan ni Lei Yuan ay mukhang malaki at mabigat at ang

matabang pisngi nito ay tinabunan ang dapat sanang kaakit-akit na hitsura nito. Kahit na

damitan siya nga magandang roba, ay walang makikitang maharlika o kadakilaan sa kaniya,

tanging kahalayan at kawalang-hiya ang mas kapansin-pansin.

Hindi mahina ang boses ni Lei Yuan ng sabihin niya iyon kaya ang mga kabataan na nakaupo sa

malapit ay malinaw na narinig iyon. Nagtawanan sila ng marinig ang mga salitang iyon. Hindi

nila lubos maisip na ang kasalukuyang Zephyr Academy ay nararapat pa rin makatanggap ng

pabor at ang kilos ni Lei Chen ay nagbigay sa kanila ng pagkalito, kaya sila ay lihim na umayon

kay Lei Yuan.

"Huwag kang magsalita ng walang kwenta aking Second Royal Brother." Saad ni Lei Chen,

tinitigan niya si Lei Yuan at umiling, hindi niya ikinatuwa ang walang galang na salita ni Lei

Yuan.

Ngunit hindi sang-ayon si Lei Yuan sa kaniyang kapatid habang sinulyapan si Jun Wu Xie at ang

iba pa, ang mata niya ay puno ng pang-aalipusta.

"Masyadong mabait ang aking Royal Elder Brother, mag-ingat ka na ang ugali mong madaling

pakisamahan ay samantalahin ng iba na nais mapalait sa iyo upang pakinabangan iyon."

Isang may pagbabalang tingin ang binigay ni Lei Chen kay Lei Yuan bago tumingin kay Jun Xie

na tila nanghihingi ng tawad sa kabastusan ni Lei Yuan.

Pinasadahan ng tingin ni Jun Wu Xie ang dalawang magkapatid ng Lei Family, ang tingin niya ay

kalmado. Hindi siya nagpakita ng tuwa sa pagpabor ni Lei Chen, at hindi rin siya nagpakita na

nasaktan sa mapang-uyam na galit ni Lei Yuan, nanatili lamang na kalmado parang isang lawa.

Naisip ni Jun Wu Xie na hindi tunay ang pinapakitang kabitan ni Lei Chen sa Zephyr Academy.

Bilang Crwon Prince, imposibleng hindi niya alam ang kakila-kilabot na sitwasyon ngayon ng

Zephyr Academy. Ang magulong kaganapan sa Zephyr Academy ang nagdala sa kanila sa

sentro ng atensyon at ang Crown Prince ay sinasadyang bigyan sila ng espesyal na pagtrato sa

harap ng mga taong ito na nagmula sa iba't ibang paaralan. Hindi lamang iyon isang simpleng

pagpapakita ng pagiging magalang, ngunit isa iyong kilos upang itulak pa lalo ang Zephyr

Academy sa isa na naming bagyo! Kung hindi ganoon ang ginawa ni Lei Chen, maaaring hindi

ganoon ang sasabihin ni Lei Yuan.

At mukhang hindi rin naman isang santo ang Crown Prince.

Nanatiling kasing kalmado ng dagat si Jun Wu Xie at nararamdaman niya ang ilang pares ng

nag-aapoy na mga mata na nakatitig sa kaniya. Lumingon siya sa gawi na iyon at nakita niya

ang ilang kabataan na nakabihis sa uniporme ng Dragon Slayers Academy na nakaupo sa di-

kalayuan, at nakatitig sa kaniya na may malaking poot at walang kasiyahan. Kalmadong

sinulyapan lamang sila ni Jun Wu Xie at inalis na ang tingin.

Nang magtungo si Lei Chen sa Immortals' Loft ng nakaraan, iyon ay talagang nagpagalit sa mga

nasa Dragon Slayers Academy. Kaya ng makita ng mga disipulo ng Dragon Slayers Academy si

Jun Wu Xie at mga kasama niya, ang mata nila ay napuno ng nag-aapoy na galit at pagkamuhi

na tila nakita nila ang matindi nilang kaaway.

Kung ang Zephyr Academy ay nanatili pa rin sa dati nitong dakilang karangalan, maaaring

mapatawad pa nila iyon, nguni dahil sa ang paaralan ay nasa bingit ng pagbagsak, ay lantarang

ipinahiya sila ni Lei Chen para lamang sa isang basurang lugar. Hindi nila magagawa na

kalabanin si Lei Chen, kaya lahat ng nag-aapoy na galit nila ay ididrekta nila sa disipulo ng

Zephyr Academy.

"Ang mga iyon ay nagmula sa Zephyr Acdemy?"

"Mukha silang mahina at malambot, bawat sulok ay magandabf tignan ngunit sa totoo, ay mga

walang silbi." Nakangising saad ng ilan sa disipulo ng Dragon Slayers Academy. Wala silang

balak na hinaan ang mga boses nila habang sinasabi iyon, sa totoo lang, tila gusto nilang

iparinig kay Jun WU Xie at sa mga kasama niya ang sinasabi nila.

Hindi pa tulyang nag-uumpisa ang piging ngunit ang hangin ang nangangamoy pulbura na.

avataravatar
Next chapter