785 Ang Piging (12)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makalabas sila upang tuluyan ng umalis sa Crown Prince's Residence ay nag-inat ng braso si Qiao Chu sabay paglingon niya kay Jun Wu Xie.

"Kamusta? May nahanap ka ba na kahit ano?" Para kay Qiao Chu ang buong piging ay naging kabagot-bagot. Ang mga maharot na mga mananayaw na iyon ay hindi niya gusto kung ikukumpara iyon sa walang kapantay at napakagandang anak ng mag-asawang Jun, wala makakakuha ng kanilang atensyon.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at tumingin sa kabilugan ng buwan sa madlim na ulap. "Si Munting Itim ay walang nasagap na kahit anong senyales ng tao na nagmula sa Twelve Palaces sa loob ng Crown Prince's Residence."

Kahit na napakalawak ng Crown Prince's Residence, hindi iyon ang lugar na pahihintulutan ang lahat na maglakad kahit saan. At upang maiwasan na magulantang ang kalaban, minabuti ni Jun Wu Xie na ang pusang itim ang mag-imbestiga sa Crown Prince's Residence at ang resulta na nakalap ng pusang itim ang nagpanatag sa kanilang mga kalooban. Sa kabuuan ng Crown Prince's Residence ay walang nakakaalam kung mayroong mula sa Twelve Palaces. Ang bagay na iyon ang nagsasabi sa kanila na kahit may ugnayan si Lei Chen sa isa sa Twelve Palaces, ang kalagayan nila ay tulad ng sitwasyon noon sa Qing Yun Clan kung saan makikipag-ugnayan sila minsan kay Lei Chen ngunit hindi sila mananatili sa paligid ni Lei Chen.

Ang balitang iyon ay maganda para kay Jun Wu Xie at sa kaniyang mga kasama dahil kung wala sa Yan Country ang sinuman mula sa Twelve Palaces, ay maisasagawa nila ng mas madali ang kanilang mga plano.

"Aantayin natin hanggang sa matapos ang Spirit Battle Tournament bago tayo kumilos?" tanong ni Fan Zhuo na nakatingin kay Jun Wu Xie. Matapos nilang masiguro na walang kasama si Lei Chen mula sa Twelve Palaces, ay maaari na nilang simulant ang kanilang plano anumang oras. Ang katotohanan na kaya marahil nagpipigil si Jun Wu Xie ay dahil sa Zephyr Acedemy…

Tumango si Jun Wu Xie. Bagaman hindi siya namalagi ng matagal sa Zephyr Academy kung saan ay marami siyang natutunan, ang Spirit Healing Technique ay tunay na naging kapaki-pakinabang sa kaniya. Hindi mahalaga kung para kay Gu Li Sheng o para sa Fan Borthers, naramdaman niya na kailangan niyang gumawa ng paraan upang maitaas muli ang Zephyr Academy. Kung kikilos na sila bago ang Spirit Battle Tournament, ay hindi na sila maaaring manatili sa Yan Country upang lumahok sa paligsahan at hindi na ambibigyan ng pagkakataon ang Zephyr Acdemy na mabawi ang katanyagan nito.

Gagawin niya ito dahil nais niyang ibalik ang pabor kay Gu Li Sheng at upang lutasin ang isa sa mga inaalala ni Fan Zhuo.

"Mayroon bang hindi inaasahan na mangyayari? Kung ang mga tao mula sa Twelve Palaces ay biglang dumating, hindi ba tayo mas mahihirapan na kumilos?" tanong ni Hua Yao na bahagyang nakasimangot. Bagaman naiintindihan niya ang malasakit ni Jun Wu Xie, ngunit dahil sa nangyari noon sa Qing Yun Clan ay nababahala siya na kahit wala sinuman mula sa Twelve Palaces ang naroon sa Crown Prince's Residence sa ngayon ay hindi iyon garantiya na hindi sila magpapakita sa katagalan. Kung makasalamuha nilang muli ang mga taong iyon ay maaaring kakila-kilabot ang maging resulta noon.

"Hindi." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Kung tungkol sa nangyari sa Qing Yun Clan at Zephyr Academy, ang mga tao mula sa Twelve Palacesay magpapakita lamang kung ang kabilang partido ay hindi kumilos patungo sa Heaven's End Cliff. Ngunit nakita natin ang pangkat na ipinadala ni Lei Chen patungo doon kaya patunay lamang iyon na ang Twelve Palaces ay nakipag-ugnayan na sa kaniya at nakamit na nila ang kanilang layunin. Bago sila makakuha ng balita upang maintindihan ang tungkol sa libingan ng Dark Emperor ay hindi sila magpapakita." Nagawa ni Jun Wu Xie na ipagpaliban ang kanilang mga plano dahil nagawa na niyang masuri ang sitwasyon.

Hindi niya hahayaan na isaalang-alang ang buhay ng nakararami ng ganoon kadali.

Dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie, ay wala ng ipinag-alala pa si Hua Yao at iniisip din niya na kung matutulungan nila ang Zephyr Academy na makabalik sa mga paa nito ay magkakaroon iyon ng mahusay na resulta para rin sa kanila.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan ang grupo ng kabataan ay nagbalik sa Immortal's Loft, at kumpara sa grupo ng mga kabataang ito na kalmado lamang, ang ibang kabataan na nagsisibalikan mula sa Crown Prince's Residence ay nag-iinit na. Ang mga malalakas ay nasasabik na sa araw na magsisimula ang Spirit Battle Tournament, kung saan ay maipapakita nila ang kanilang kakayahan na magbibigay sa kanila ng maraming pagkakataon upang sumikat at yumaman!

avataravatar
Next chapter