49 Ang Paulit-ulit… at Paulit-ulit – na Pagsampal (Unang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Magiging interesado po ba kayo sa elixir na ito?" Habang umiinit pa ang ulo ni Mo Xuan Fei, may maliit na boses na lumabas mula sa dagat ng mga tao at may maliit na batang lumabas.

Isang magandang batang lalaking nasa 14 ang edad ang nagpakita, hawak ang isang maliit na puting porcelain na bote sa isang kamay. Lumapit siya sa pwesto at inabot ito sa matanda.

"Hoy bata, tingin mo ba isa itong laro? Na pwede ka lamang bumuntot sa mga tao at mag-abot ng elixir na dala mo? Hindi nga tinanggap ng matanda yung Qing Yun Pill! ANG Qing Yun Pill! Alam mo ba ang ibig sabihin nun? Mag-ingat ka at baka ibato niya sa mukha mo iyan." Sabi ng isang magulong manonood

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang iba at tumingin lang sa matanda.

Tinignan ng matanda ang bata, tumayo, at inabot ang bote. "Bata, ano ang gusto mong kapalit?"

"Eastern Pearls." Sabi ni Jun Wi Xie

"Ah." Binuksan ng matanda ang bote. At nang buksan niya ito, isang matamis at mabangong amoy ng damong-gamot na may halong Lotus ang kumalat sa kapaligiran. Ang mga malapit ay nakalanghap at gumaan ang kanilang pakiramdam.

Ang mga malapit sa pwesto ay nakaramdam ng kagaanan sa kanilang mga kaluluwa't nagbuntong-hininga.

Ang mga mata ng matanda na kanina'y malabo ay biglaang kumintab, nawala lahat ng kasungitan niya ng itaas niya ang kanyang ulo at tumingin kay Jun Wu Xie ng may onting pagkataranta.

"Bata, ano itong elixir? Ano ang tawag dito?" Tinanong ng matanda.

"Wala iyang pangalan. Isa lang 'yang regular na elixir na pangkondisyon ng dugo." Hindi na nagsayang ng oras si Jun Wu Xie sa pagbibigay ng pangalan sa mga ito dahil para lamang ito sa pagkondisyon sa mga katawan nila Jun Xian at Jun Qing, parte ng kanilang paggaling.

"Magkano ang gusto mo para dito? Okay ba 'to? Ibigay mo sakin 'tong bote at ibibigay ko sa'yo ang siyam na Eastern Pearls at pwede kang pumili ng tatlo pang Spiritual Gems?" Sabik na inalok ng matanda si Jun Wu Xie. Tinupi niya ang kanyang mga braso at tinago ang bote sa kanyang yakap, para maipakita na wala siyang balak na ibalik ang gamot.

Nang ibigay ng matanda ang alok, walang masabi ang mga nanonood. Pagkatapos ng ilang sandali, pinagusapan agad nila ang mga nangyayari sa harapan nila.

Tinanggihan nitong matanda ang Qing Yun Pill pero tinanggap niya ang elixir na walang pangalan galing sa hindi kilalang lalaki.

Ano ang ipinahiwatig nito? Na ang elixir ng bata ay mas maganda kaysa sa Qing Yun Pill?

"Hindi, gusto ko lamang ang mga Eastern Pearls." Walang interes si Jun Wu Xie sa iba pang mga bagay.

"Tumingin ka pa sa iba pang mga tinda." Pilit na nagaalok ang matanda, habang mas humihigpit ang kanyang kapit sa bote.

"Hindi na." Sumimangot si Jun Wu Xie sa pagkairita. Nakakapagod itong matanda!

"Sabihin mo sa akin ang kailangan mo. Kung mayroon ako, ibibigay ko sa'yo." Yumuko siya't naghukay at nakakuha ng isang supot na kanyang binuksan.

Habang pinapakita niya ang mga nilalaman, kumikislap ang mga mata ng nakakita. Sa loob nito ay may mga Spiritual Gems na makinang at puno ng Spiritual energy. Walang sinabi ang mga naka-display sa kalidad ng mga ito.

Lutang na titig sa mga Spiritual Gems ang dala ng mga tao.

"Gusto ko lamang ang Eastern Pearls." Nawawalan na ng pasensya si Jun Wu Xie.

May sasabihin sana ang matanda nang may tumayo sa gitna nila.

avataravatar
Next chapter