50 Ang Paulit-ulit… at Paulit-ulit – na Pagsampal (Pangalawang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ginoo, nais ko lang pong malaman kung mayroon pa kayong isa pang bote niyang elixir? Handa akong ipalit ang kahit ano. Ang gusto ko lamang ay mapasaya ang aking minamahal." Sinabi ni Mo Xuan Fei ng walang pagkahiya.

Hindi niya alam kung saan galing itong bata, ngunit ang biyaheng ito ay para mapasaya si Bai Yun Xian. Pag hindi, ang lahat nito'y para sa wala. Wala na siyang maisip na iba pang paraan.

Hindi maintindihan ng matanda si Mo Xuan Fei at ayaw niya ang Qing Yun Pill. Ngunit mas pinili pa niya ang elixir na walang pangalan at hindi alam ang pinanggalingan. Gusto niyang ipakita na mayroon siyang kakayanang makuha ang anumang bagay na gusto niya! Dapat magising na ang matanda mula sa kanyang panaginip.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie nang mapatingin kay Mo Xuan Fei.

Hmph. Pagkalipas ng ilang taon, itong mga galing sa Imperyal na Palasyo'y pilit na naghahanap ng gulo sa Palasyo ng Lin. Kinukutya ang kanyang lolo't tito. Naghahanap nga sila ng pagganti.

Ang mga tabletang ito? Mas pipiliin pa niyang ipakain sa mga aso kaysa ibigay sa kanya.

"Hindi ako makikipagpalit." Malamig niyang sinabi.

Gusto mo ng elixir? Baka sa susunod mong buhay. Ngayon? Pwede ko pang pagisipang bigyan ka ng lason. Libre pa!

Nang tinanggihan siya ng matanda, para siyang sinampal. Ngayon ulit, sa sandaling iyon, 'sinampal' ulit siya ng batang ito! Hindi pa napapahiya si Mo Xuan Fei ng ganito sa kanyang buhay. Nagiinit ang kanyang looban, nangitim ng husto ang kanyang mukha at siya'y pumangit.

Nag-ibang isip si Jun Wu Xie sa pagsasalita ni Mo Xuan Fei.

Agad siyang tumabi at tinanong ang matanda: "Pwede pa kitang bigyan ng dalawa pa! Bigay mo lang sa akin lahat ng Spiritual Gems na kaparehas ng unang dalawang inalok mo sa akin." Tinuro ni Jun Wu Xie ang mga gems na linabas ng matanda mula sa supot nito.

Lahat ng mata'y nagulat, ilang bote ng elixir ang meron siya? Tila namimili ng isda sa palengke ang batang ito sa kanyang pagpili ng Spiritual Gems. Pinili niya lahat ng kaparehas ng unang pares na minamataan ng magkasintahan.

Nagulat ang lahat sa mga pangyayaring ito. Sa simula, tinanggihan niya ang alok ng matanda, at kahit na maganda rin ang alok ni Mo Xuan Fei, tinanggihan rin niya ito. At mas malala, pagkatapos magalok ni Mo Xuan Fei, nagbago agad ang isip ng bata.

Ang atensyon ng lahat ay nasa magkasintahan ngayon, nakatingin sila sa reaksyon nila.

Tumango si Mo Xuan Fei habang gumagaan ang kanyang pakiramdam.

Matalino itong batang ito! Naintindihan niya ang alok ni Mo Xuan Fei. Sa kanyang pagtanggi sa kanya, pwedeng makuha ng bata ang lahat ng Spiritual Gems at ibigay ito kay Bai Yun Xian at kay Mo Xuan Fei para sa iba pang mga kayamanan. Naayos nitong bata ang problema.

Walang pakealam ang matanda sa rason, basta't makuha niya ang elixir ng bata, at hindi lang isa! Mayroon pang dalawa ang bata!

"Sige, kukunin ko para sa'yo." Walang pagaatubili, pinili ng matanda ang iba't ibang gem ng nakangiti't kumakanta.

Naglabas si Jun Wu Xie ng dalawa pang bote at ibinigay ito sa matanda.

Tinabi ni Jun Wu Xie ang siyam na Eastern Pearls at naglagay ng ilang Sppiritual Gems sa kanyang kamay. Tinignan niya ang mga ito at tumingin kela Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian.

Guminhawa ang itsura ng magkasintahan ngunit ang kanilang mga mata'y nagaalab sa pagnanais sa mga Spiritual Gems sa kanyang kamay.

Naghihintay ang lahat. Naghihintay sa pagbigay ng bata ng mga ito sa Pangalawang Prinsipe. Pumulot ang bata ng dalawang gem gamit ang dalawang daliri.

Crunch.

Ang lahat ng naroroo'y napanganga ng makita nila ang bata na dinurog ang mga Spiritual Gems, habang ang mga ito'y naging alikabok na tila bituin na nahuhulog sa sahig.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang magkasintahan sa kanyang harapan at unti-unti, dinurog ng kanyang mga kamay ang mga mahahalagang Spiritual Gems sa kanyang palad, at sila'y naging mayawing alabok. Pinagpag niya ang kanyang mga kamay pagkatapos ang kanyang ginawa ng parang wala lang ito.

Mas mahal ang Spiritual Gems kaysa sa mga mamahaling gem ngunit hindi sila matibay. Masyaddo silang malutong, rason rin ng kanilang pagkadalang. Pag hindi maingat, madali silang gawing alikabok.

avataravatar
Next chapter