51 Ang Paulit-ulit… at Paulit-ulit – na Pagsampal (Ikatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang tinitignan ang star dust na nahuhulog mula sa kanyang mga daliri, walang bakas ng emosyon sa mukha ni Jun Wu Xie.

Lahat ng nakakita ay nanigas sa kanilang mga kinaroroonan at nakatitig sa kanya ng nakanganga.

Nangingitim-ngitim sila Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian.

Mula sa simula, wala nang balak ang batang ito na makipagkaibigan sa kanila kundi sampalin sila!

Habang pinapagpag ang mga naiwan sa kanyang kamay, tinignan niya ang mga mata ni Mo Xuan Fei at dinaan ang kanyang hinliliit sa kanyang leeg.

Nagaapoy si Mo Xuan Fei at malapit nang magwala. Ang mga ugat sa kanyang leeg ay lumalabas na.

Kung wala sila sa Bayang Naulog, napatay na niya ng isang milyong beses ang batang ito!

Kinagat ni Bai Yun Xian ang labi niya habang nakatingin ng masama kay Jun Wu Xie.

Nang masiyahan sa mga ekspresyon ni Mo Xuan Fei, tumalikod si Jun Wu Xie at inabot ang kahong naglalaman ng siyam na Eastern Pearls sa gusgusing binata.

"Mga libro ko." Dinemanda niya.

Nanigas ang binata at inabot ang mga wasak-wasak na mga libro sa kanya.

Nang makita ng mga tao ang palitang naganap, nagulat silang lahat.

Hindi sira ang batang ito… diba?

Dinurog niya ang mahahalagang gems at ngayon naman ay ipinalit ang isang kahon ng Eastern Pearls para sa… iilang wasak-wasak na libro?!!

Nagkagulo ang lahat.

May pagkatao ang batang ito! Masyado siyang mayaman! Masyadong dominante!

Nang makita ni Mo Xuan Fei na pinalit ni Jun Wu Xie ang mga makikislap na Eastern Pearls para sa mga luma at sira-sirang mga libro, muntik na siyang sumuka ng dugo. Ang ilan sa mga librong iyon ay wala nang takip. Ang mga librong iyon ay hindi na papansinin ng kahit sino pag naiwan sa tabi ng daan. Ipinalit ang SIYAM na Eastern Pearls para sa mga librong iyon?

Napahiya siya ng husto sa araw na ito.

Nang makuha ni Jun Wu Xie ang mga libro, naramdaman niya ang tuwa ni Little Lotus. Ngayong tapos na ang lahat, tumalikod siya para umalis.

"Bata! Pag mayroon kang oras bumalik ka ulit! Dumaan ka kung kailan mo gusto. Di bale kung Eastern Pearls o kung ano mang Spiritual Gem ang hinahanap mo, marami ako!" Hinabol ng matanda sa kanya.

Pag alis niya, naramdaman ni Jun Wu Xie na may sumusunod sa kanya. Tumalikod siya't nakita ang gusgusing binata. Kumindat siya ng ilang beses at ngumiti.

"Anong kailangan mo?" Malamig niyang tinanong.

"Nagbabakasakali lang kung mayroon ka pa nung elixir na pinalit mo?" Kinamot niya ang kaniyang ulo buhat ng hiyang naramdaman niya.

"Sabi mo hindi ka interesado?" Sumimangot si Jun Wu Xie. Ang pagtanggi niya sa mga elixir ang rason kung bakit nangyari ang lahat ng nangyari.

"Uh, hindi ko alam na mayroon kang mataas na kalidad ng elixir, sa ganitong mga lugar, madalang lang lumitaw yan." Sinabi niya sa isang maamong tono. Hindi man lang niya tinignan ang Angkan ng Qing Yun, ano pa ang maibibigay ng bata?

Gayunman nang buksan ng matanda ang bote, alam niyang nagkamali siya!

"Diba sabi mo, bibigyan mo ako ng isa?" Tinanong niya habang tinatago ng dumi sa kanyang mukha ang pamumula nito.

"Mayroong SIYAM na Eastern Pearls ang kahon na iyan." Sinabi niya ng may diin.

Nangako nga siya ng isang elixir ngunit ngayong nagbayad na siya ng doble, hindi na niya kailangang magbigay pa ng bote ng elixir.

Hindi rin naman niya ito ginusto sa simula!

"Babayaran kita ng lima!" Inalok ng binata.

"Hindi ko kailangan." Sinagot niya habang siya'y tumatalikod. Kailangan pa niyang maghanap ng naaangkop na cultivation method para sa kanya.

Nang makita niya ang pagalis ni Jun Wu Xie, kinamot ng gusgusing binata ang kanyang ulo ng may lungkot habang nakatingin sa kahon ng mga perlas sa kanyang mga kamay ng may sama ng loob.

avataravatar
Next chapter