1011 Ang Panlulumbay sa Isang Tao ay Isang Sakit (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Marahang binasa ni Jun Wu Yao ang bawat salita sa note na kaniyang hawak, pagkatapos ay ngumiti. Ang ngiting iyon ay kakaiba sa natural na ngiti niyang mala-demonyo. Ngayon ay bakas ang tuwa na nanggagaling sa kaniyang puso. Dahil sa ngiting iyon ay mas lalong lumitaw ang kagwapuhan niya.

"May kaugnayan ba ito sa Young Miss?" Tanong ni Ye Mei nang makita niya ang ngiti sa mukha ng kaniyang Lord Jue. Agad nitong nahulaan ang dahilan sa likod ng mga ngiting iyon. Sa lahat ng bagay dito sa mundo, ang tanging tao na kayang pangitiin ng ganito ang kaniyang Lord Jue ay ang Young Miss lamang.

"Mukhang iniisip niya ako." Saad ni Jun Wu Yao ng nakangiti.

"Ang tagal mong nawala, Lord Jue. Kaya normal lang na kayo ay ma-miss ng Young Miss. Mayroon na tayong ilang nahanap, babalik ba muna tayo at ibigay ito sa Young Miss?" Tanong ni Ye Mei.

Kiniskis ni Jun Wu Yao ang note sa kaniyang magkabilang palad, pagkatapos ay naging pulbos iyon at nagkalat sa hangin.

"Huwag mo munang sasabihin sa kaniya ang tungkol dito. Pero...bumalik na muna siguro tayo. Kayang-kaya talaga niyang kumilos. Ilang saglit pa lang ang nakakalipas at napadpad na agad siya sa Thousand Beast City."

"Lord Jue! Hindi ba't may mga taong taga-Twelve Palaces ang nasa Thousand Beast City? Kung pupunta ka doon ngayon..." Hindi maiwasan ni Ye Mei na hindi mag-alala. Hindi siya takot sa Twelve Palaces, ngunit hindi pa ngayon ang tamang oras para ilantad ang kaniyang sarili. Kung kumalat ang balitang buhay pa si Lord Jue, natatakot siyang baka...

"Walang kaso iyon." Ikinumpas ni Jun Wu Yao ang kaniyang isang kamay.

"Kung papatayin ko silang lahat, walang makakapagsabi." Ngumisi si Jun Wu Yao.

Sa mundong ito, tanging ang mga patay lang ang hindi makakapagsalita.

...

Sa Icy Frost Clan Hall, paikot-ikot si Lin Feng sa kaniyang silid. Nilukob ng pag-aalala at takot ang kaniyang mukha.

"Young Chief..." Bati ng isang katulong mula sa labas.

Agad na lumapit si Lin Feng dito. "Nakita niyo ba ang aking ama?"

Umiling ang katulong.

"Abala ngayon ang Clan Chief. Nagpunta ako roon pero wala siya."

"Lintik!" Ipinukpok ni Lin Feng ang kaniyang kamao sa lamesa. Umalis na ang Devious Wyvern. Anong sasabihin niya tungkol doon?

Kahit pa pinatawad na siya ng kaniyang ama, nakatakda ang Devious Wyvern sa taong iyon. Patay na ang Devious Wyvern ngayon. Ano nang gagawin niya?

"Lumabas ka at magbantay sa gate! Kapag bumalik ang aking ama, sabihin mo agad sakin!" Saad ni Lin Feng.

Agad namang tumalima ang katulong.

Sumalampak si Lin Feng sa upuan, puno pa rin ng pag-aalala.

Kahit na siya ang anak ng Icy Frost Clan's Clan Chief, kapag nalaman ng taong iyon na siya ang dahilan ng pagkamatay ng Devious Wyvern, kahit ang kaniyang ama ay hindi siya magagawang protektahan.

Nangilabot si Lin Feng nang kaniyang maalala kung gaano ka tuso ang taong iyon. Napuno ng pagsisi ang kaniyang puso.

Kung nalaman lang niya na ang Spirit Beast ni Jun Wu Xie ay Guardian Grade, mas pinili sana niyang magdusa kaysa sa ipaubaya ang Devious Wyvern.

Habang balisang nag-aantay si Lin Feng sa loob ng kaniyang silid, sa wakas ay bumalik na ang Icy Frost Clan's Clan Chief na si Lin Que. Agad na ipinagbigay-alam iyon ng katulong kay Lin Feng.

Kakatapak pa lang sa bakuran ni Lin Que nang makita niya ang kaniyang anak na naglalakad palapit sa kaniya. Nang makalapit ito ay pagbagsak itong lumuhod sa kaniyang paanan.

"Anak? Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ni Lin Que sa kaniyang anak.

Puno ng lungkot at pagsisisi ang mukha ni Lin Feng: "Papa, iligtas mo ako parang awa mo na!"

avataravatar
Next chapter