836 Ang Pang-apat na Prinsipe (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakita ni Jun Xie ang pagtayo ni Lei Fan, napansin niya ring papalapit ito sa kaniya. Napangiti siya sa isiping iyon.

Nagsimula na ang labanan sa first district battle, ngunit lahat ng kabataan sa arena ay nawala ang atensyon sa kasalukuyang naglalaban. Bagkus ay kanilang sinundan ng tingin ang naglalakad na si Lei Fan.

Kahit na alam ng lahat na si Lei Chen ang Crown Prince, alam din ng lahat na ang Fourth Prince ang paborito ng Emperor. Kung makukuha nila ang loob ni Lei Fan ay malaking bagay iyon para sa kanila.

Ngunit nang makita nilang si Lei Fan ay naglalakad patungo sa direksyon ni Jun Xie, naramdaman nilang parang may umapak sa kanilang puso.

Maging ang Fourth Prince ay nagpapakita ng interes kay Jun Xie!

Ang mga kabataang kanina lang ay nabubuhay an ng pag-asa, ngayon ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Kung ibang tao siguro ay hindi ganito kalala ang kanilang mararamdaman. Ngunit sa dinami-rami ng taong naroon, si Jun Xie pa talaga ang napili nito...

Isang halimaw na nangingibabaw pagdating sa spirit power at nakuha na ang atensyon ng Crown Prince. Ano ang pwede nilang pang tapat kay Jun Xie? Kahit pa ipagsama-sama silang lahat ay hindi magiging sapat para labanan si Jun Xie!

Lahat ng mga kabataang naroon ay labis na nalungkot at walang ibang magawa kundi ang panoorin na lang si Lei Fan na nakangiting naglalakad palapit kay Jun Xie.

"Ikaw ba si Jun Xie?" Tanong ni Lei Fan nang makalapit na ito sa tabi ni Jun Xie. Inosenteng kumurap-kurap ang mga mata nito at malapad na nakangiti.

"Oo." Tipid na sagot ni Jun Wu Xie.

"Ako si Lei Fan. Sabi saakin ng aking kapatid ikaw daw ang pinakamalakas sa first battle district at gusto niya akong matuto galing sa'yo. Sabi niya ay mabilis daw ang aking pagtanda at para pa rin daw akong batang ignorante." Saad ni Lei Fan habang nakangiti kay Jun Xie. Ang mukha nito ay nagpapakita na para itong nahihiya sa kaniyang sinabi.

Malamig na tinapunan ito ni Jun Xie ng tingin. Masasabing bata pa nga si Lei Fan ngunit magaling na itong umarte. Sa maiksi nitong sinabi ay napagmukha nitong inosente ang sarili. 

Alam ng lahat na ang Crown Prince ay malapit sa Zephyr Academy lalo na kay Jun Xie. Idinamay pa ni Lei Fan si Lei Chen sa kaniyang sinabi, base pa sa pagkakalahad nito ay iisipin mong may magandang relasyon ang dalawa.

Kahit na ngayon pa lang nakaharap ni Jun Wu Xie sa Lei Fan, alam niyang hindi ito ordinaryong bata lang. Kaya ito ang naging paborito ng Emperor ay dahil mahal na mahal nito ang "ina" nito. Pangalawa, dahil sa ang Fourth Prince ay wais.

"Masyado naman kayong mabait, bilang Fourth Prince, tingin ko ay hindi ako karapat-dapat sa inyong kabaitan." Sagot ni Jun Wu Xie. Gusto niyang malaman ang intensyon nito sa paglapit sa kaniya.

Hindi naman nagpakita ng pagkadisgusto si Lei Fan sa malamig na tugon ni Jun Wu Xie. Ngumiti ito att nagpatuloy: "Jun Xie, hindi mo kailangang maging pormal, sinabi na sakin ng aking Royal Brother ang lahat. Sa murang edad ay green spirit ka na. Saan kami makakahanap ng isang katulad mo? Sa katunayan, kahit nagising na ang aking ring spirit, nadismaya pa rin ang aking Ama sa spirit power ko."

Saglit na tumigil si Lei Fan: "Jun Xie...Naparito talaga ako dahil gusto kitang makausap."

avataravatar
Next chapter