1018 Ang Panalo nang Walang Pakikipaglaban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na si Lord Meh Meh ang may hawak ng Spirit Beast Arena's first rank Ngunit dahil nilamonn ng buo ang Devious Wyvern na "tumalo" kay Lord Meh Meh, agad na na-promote sa top rank ang kasalukuyang nasa second rank.

Nang hapon ding iyon, muling dnala ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa Spirit Beast Arena at sinabing gusto nilang magparehistro para sa kompetisyon.

Subalit…

Ang punong-abala sa Spirit Beast Arena ay lumuhod sa harap ni Jun Xie at nagmakaawa.

Madalas na low grade Spirit Beasts lang ang dinadala sa kompetisyon sa Spirit Beast Arena. Maging ang medium grade Spirit Beast nga lang ay bihirang mapadpad doon.

Ang kahit anong Spirit Beast na itapat kay Lord Meh Meh ay walang panama dito. Sa unang galaw pa lang nito ay paniguradong talo na ang kaniyang makakatapat.

Bukod sa hindi mangangahas ang isang Spirit Beast na humarap kay Lord Meh Meh, maging ang mga nagmmay-ari sa kanila ay itatago ang kanilang mga Spirit Beasts kay Lord Meh Meh. Wala ni isa sa kanila ang gustong makitang pinaglalaruan ang kanilang Spirit Beast ni Lord Meh Meh.

Kung magpapatuloy iyon, baka hindi na ulit magkaroon pa ng Spirit Beast Arena.

Kaya naman wala nang ibang maisip na paraan ang punong-abala kundi ang magmakaawa kay Jun Wu Xie na huwag nang pasalihin si Lord Meh Meh. Agad niyang binigay ang Spirit Tamer Bracelet sa kamay ni Jun Xie saka mabilis na inakay palabas.

Wala nang pupuntang kalahok dito kapag nalaman nilang mayroong Guardian Grade Spirit sa Spirit Beast Arena.

Hindi ba't para na rin iyon ang isang kasabihan sa Chinese? "Kahit na alam mo nang mayroong tigre sa bundok, pinili mo pa ring pumasok sa kabundukan?"

Nabigla naman si Jun Wu Xie sa nangyari. Ang bilis niyang nakuha ang bracelet na gustong-gusto niyang makuha---ang Spirit Tamer Bracelet. Nang makita niya ang malungkot at naiiyak na mukha ng lalaki, agad na lang niyang tinanggap ang bracelet saka umalis na karga si Lord Meh Meh sa kaniyang bisig. Hindi niya na nakita ang mga tao sa Spirit Beast na nagpupunas ng kanilang mga luha.

Suot ang Spirit Tamer Bracelet, bumalik si Jun Wu Xie sa Fiery Blaze Clan Hall para pag-aralan iyon.

SI Fan Zhuo naman ay nasa labas pa ng mga oras na iyon at hindi alam ni Jun Wu Xie ang eksaktong lokasyon nito. Saka pa niya maibibigay ang Spirit Tamer Bracelet kay Fan Zhuo.

Ang Spirit Tamer Bracelets sa Thousand Beast City ay magkakaiba depende sa spirit grade. Ang hawak ni Jun Wu Xie ay ang para sa mga low grade Spirit Beasts. Para sa isang taong mayroong hawak na dalawang Guardian Grade Spirit Beast, wala iyong gaanong tulong sa kaniya pero sa huli ay tinago niya pa rin ito.

Inilabas ni Jun Wu Xie ang lotus basin galing sa kaniyang Cosmos Sack at dahan-dahang hinigop ang spirit energy na nanggagaling doon. Nasa tuktok na siya ng green spirit at anumang oras simula ngayon ay handa na siyang makamit ang blue spirit level. Ngunit hindi pa pwedeng gawin iyon ni Jun Wu Xie ngayon. Dahil tuwing tumataas ang kaniyang spirit level, ilang araw siyang nawawalan ng malay. Hindi niya pwedeng gawin iyon habang naririto siya sa Thousand Beast City. Hindi niya mgawang ipaubaya kay Lord Meh Meh at sa Sacrificial Blood Rabbit ang lahat. Tanging ang itim na pusa lang ang wais sa kanila ngunit hindi rin siya sigurado kung kakayanin nitong harapin ang sitwasyon kung sakaling mayroong mangyaring hindi inaasahan.

Bukod pa doon, maraming mga taga-Twelve Palaces ang nasa Thousand Beast City. Imposibleng magawa ni Jun Wu Xie ang magpataas ng kaniyang spirit level na mag-isa.

Habang hinihigop ang spirit energy, nag-iisip si Jun Wu Xie sa kasalukuyang sitwasyon sa Thousand Beast City.

avataravatar
Next chapter