424 Ang Pakultad ng Beast Spirit (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagkawala ni Jun Wu Xie, nagpunta si Qian Yuan sa punong tagapagturo para magreklamo, ngunit tinigil ito ni Gu Li Sheng. Nang malaman niyang hindi na nagpakita si Jun Xie sa pakultad ng Beast Spirit at umalis rin ito sa dormitoryo, guminhawa ang pakiramdam ni Gu Li Sheng.

Nanatili si Jun Wu Xie sa bakuran ng gubat ng kawayan at nagaral lang tungkol sa pamamaraan ng Spirit Healing.

Nang mapagtanto na wala siyang gamit sa pagsasanay ng iba't ibang klase ng ring spirit, kinailangan niyang gamitin ang kanyang lakas para aralin ang Spirit Healing. Gusto niyang matapos agad ang pamamaraan na ito para maibalik ang dating lakas ng Snow Lotus.

Bumalik siya sa pagkulong sa kanyang sarili, at pakiramdam niya'y nasa Palasyo ulit siya ng Lin. Noong mga araw na iyon, hindi siya lumabas sa mga pinto ng parmasya at nanatili sa loob para pagandahin ang kanyang mga elixir.

Maaaring 'nawala' nga si Jun Xie sa mga mata ng nasa Akademyang Zephyr, ngunit ang mga sabi-sabi at pambababoy sa kanya ay hindi pa nawawala at kumakalat parin.

Ang mga patakaran ng akademya ay hindi nagpapahintulot na hindi pumasok ang mga disipulo maliban nalang kung mayroon silang magandang rason at halos kalahating buwan nang hindi pumapasok si Jun Xue. Napapadalas ang pagpunta ni Qian Yuan He sa punong tagapagturo ngunit walang nangyayari. Gayunpaman, ang balita ay kumalat sa mga disipulo at walang may alam kung saan nagsimula ang sabi-sabi.

Una, tinangka niyang agawin ang posisyon sa pakultad ng mga Spirit Healer mula sa iba, sunod ay masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at hindi pinansin ang kanyang guto sa pakultad ng Beast Spirit, at ngayon ay hindi niya sinusunod ang patakaran ng akademya, ngunit hindi pa siya natatanggal mula sa Akademyang Zephyr.

Ang mga ginagawa ni Jun Xie ay lumalala. Hindi niya ito napapansin, ngunit ang pagkakakilala sa kanyang pangalan, ay kumakalat sa akademya at sa pagkakataong iyon, para siyang artista sa buong akademya.

At ang pagkakakilalang iyon ang nagpabagsak kay Fan Jin, kasama si Jun Xie.

Dahil sa pagtatanggol ni Fan Jun kay Jun Xie sa mga pagkakataong iyon, inisip ng lahat na siya ang rason kung bakit hindi pa napapaalis si Jun Xie mula sa akademya sa kabila ng kanyang mga kasalanan. Maraming nagsasabing ginagamit ni Fan Jin ang kanyang posisyon, para panatilihin si Jun Xie sa akademya. Bagaman ang mga disipulo ay walang balak na banggain si Fan Jin, sa likod niya, wala na silang respeto para sa kanya, at pag pinaguusapan si Fan Jin, ititikom nalang nila ang kanilang mga bibig.

Alam ito ni Fan Jin ngunit walang pinagsabihan. Pumunta siya sa gubat ng kawayan para kumain at nagkwkwento ng mga pangyayari sa akademya kay Jun Xie at Fan Zhuo, ngunit hindi nagsalita tungkol sa kanyang sarili.

Sa araw na ito, katatapos lang niyang magsanay at nakalimutan niya ang mga masasamang tingin sa kanya, nakangiti habang umalis.

Hindi malayo, lumabas si Senyora Ning mula sa likod ng ilang mga puno, at sa tabi niya ay isang madilim na Yin Yan.

"Alam mo na ba kung saan nagpunta si Jun Xie?" Tinanong niya ng nakasimangot. Binalak niyang gamitin si Jun Xie para pabagsakin si Fan Jin, ngunit kalahating araw lang nagpakita si Jun Xie sa pakultad ng Beast Spirit at agad na nawala, at sumira sa kanyang plano.

Inalog ni Yin Yan ang kanyang ulo.

Nagpakita ng pagkalito si Senyora Ning at tinanong: "May mga nangyari na ba kay Li Zi Mu?"

Sumagot si Yin Yan: "Li Si Mu, hi….. hindi siya umuusad sa pakultad ng mga Spirit Healer."

"Paano?" Tinanong ni Senyora Ning na nagulat. Si Li Zi Mu lang ang disipulong tinanggap ni Gu Li Sheng ngayong taon, bakit ganoon?

"Hindi kasalanan ng panginoon. Mahaba ang pasensya niya kay Li Zi Mu at madalas ay tinuturuan siya ng silang dalawa lamang. Nagbigay na rin siya ng mga librong hindi pa namin nakikita ngunit mukhang walang likas na kakayahan si Li Zi Mu para sa Spirit Healing. Dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi parin niya kayang gumawa ng spiritual power transformation." Habang kinekwento ni Yin Yan ang kanyang mga nakita, nagliwanag ang kanyang mga mata.

avataravatar
Next chapter