521 Ang Pagtatapos ng Spirit Hunt (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malaki ang naitulong ni Jun Wu Xie sa pangkat na siyang dating kinabibilangan ni Li Zi Mu. Simula ng makabalik sila sa kampo, ipinagtatanggol na nila ang reputasyon ni Jun Xie.

Dahil sa pagtataksil sa kanila ni Li Zi Mu at muntik na silang mamatay sa loob ng masukal na kagubatan. Nailigtas sila sa tiyak na panganib dahil sa tulong ni Jun Xie at malaking pasalamat nila sa kaniya. Sila ay naging biktima lang din sa kasinungalingan ni Li Zi Mu kung kaya ipinagkanulo nila dati si Jun Wu Xie. Kung kaya naman kahit sobra ang pasasalamat nila kay Jun Wu Xie, hiyang-hiya pa din sila na harapin ito.

Ang balita na may dalang mababang antas na Spirit Beast si Jun Wu Xie ay mabilis na kumalat sa kampo. Ang balitang ito ay hindi gaanong umani ng atensiyon nang may isa pang panibagong balita ang gumulat sa lahat.

Ang pangkat na naturingan na siyang pinakamalakas dahil kinabibilang ito ni Lu Wei Ji ay inanunsiyo ang kanilang pag-atras sa paligsahan bago pa matapos ang Spirit Hunt at walang kahit isang miyembre ang natira sa pangkat. Lahat sila ay personal na sinamahan pabalik ng Zephyr Academy ni Nangong Xu.

Nagulat ang lahat ng disipulo sa natanggap na nakakabahalang balita. At lahat ay nagbahagi ng kaniya-kaniyang opinyon at spekulasyon sa nangyari.

Ang pinakamalakas na disipulo at itinanghal na panalo noong nakaraang Spirit Tournament ay biglang nawala at hindi na nakita pa sa Zephyr Academy kung kaya si Lu Wei Jie ang naging pinakamalakas na disipulo sa Zephyr Academy!

Dahil sa pagkawala ng nangungunang disipulo, inakala ng lahat na si Lu Wei Jie na ang siyang pinakamalakas sa kanilang pangkat at naidagdag pa si Ning Xin na pangatlo sa nakaraang Spirit Tournament, kasama na rin ang pang-siyam at pang-sampu na disipulo. Ang pangkat nila ay kinabibilangan din ni Yin Yan na galing sa Spirit Healer faculty.

Ngunit sa kabila nito, hindi nila inaasahan ang pag-atras ng pangkat na ito sa kalagitnaan ng Spirit Hunt at personal pang sinamahan ni Nangong Xu pabalik ng Zephyr Academy. Lahat ng disipulo ay pinagtatakahan ang nangyari.

Karamihan sa kanila ay iniisip ma maaaring may nakaenkwentro silang isang kakaiba at mataas na antas ng Spirit Beast... o baka isang Guardian grade na maaring nasugatan at nasaktan ang karamihan sa kanila at kinailangang maidala agad sa Zephyr Academy. Kung hindi, ang ibang rason ng bigla nilang pag-atras ay magiging kahinahinala.

Halos lahat na ng pwedeng rason at eksplanasyon sa nangyari ay naisip na nila kung kaya si Jun Wu Xie at Panginoong Meh Meh ay hindi na napagtuunan ng pansin.

Ang unang posisyon para sa Spirit Hunt ngayong taon ay naging bukas sa lahat ng pangkat kung kaya naman nagkaroon ng pag-asa ang mga disipulo na makuha ito.

Sa pagtatapos ng Spirit Hunt, binigyan ng isang araw ang mga disipulo para makapagpahinga bago sila tumulak pabalik ng Zephyr Academy. Ngunit, wala kahit isa sa kanila ang nakakaalam na mas maraming disipulo ang namatay ngayon kumpara sa mga naunang Spirit Hunt.

At wala din kahit isa sa kanila ang nakakaalam na sa lalong madaling panahon ay may isang bagyo ang tatama sa Zephyr Academy.

Kasama ni Jun Wu Xie sa sasakyan ang maliit na itim na pusa, Panginoong Meh Meh at Fan Jin. Sa kabuuan ng byahe pabalik, pakiramdam ni Fan Jin nakaupo siya sa upuan na puno ng karayum dahil sa mga titig sa kaniya ni Panginoong Meh Meh na nasa kandungan ni Jun Wu Xie.

Gustong maiyak ni Fan Jin, hindi niya alam kung kailan at paano niya nasaktan ang damdamin ng nakakatakot na makapangyarihang Guardian grade Spirit Beast na nakakubli sa inosente at maliit na tupa. Walang nagawa si Fan Jin kung hindi ang ngumiti ng mapait.

Walang nagawa ang ngiti ni Fan Jin...

Nanatiling nakatingin sa kaniya si Panginoong Meh Meh at puno ng suklam ang mga mata!

[Ang lalaking ito ay karapat-dapat na masampal!]

[Siya ang dahilan kung bakit si "feedstress" at nahihirapan sa maliit na kahong ito! Wala tuloy ng masarap na damo na makakain si Panginoong Meh Meh!]

[Napakasama nito!]

[Kainin ka nalang kaya ni Panginoong Meh Meh!]

Kung alam lang ni Fan Jin ang mga pinagsasabi ni Panginoong Meh Meh, malamang ay kumaripas na siya palabas ng sasakyan. 

Kawawang Fan Jin...

Hindi niya naman kasalanan kung bakit nasa loob ng isang kahon si Jun Wu Xie! Huwag mong kainin!

avataravatar
Next chapter