520 Ang Pagtatapos Ng Spirit Hunt (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kabila ng maingay at magulo kampo, isang piguro ang umagaw ng atensiyon.

Ang mga disipulo na abala sa pakikipagkwentuhan ay biglang tumahimik at nakatuon ang mga mata sa pigura na bagong dating.

Dahan dahang naglalakad si Jun Wu Xie, ang maliit na itim na pusa ay nasa kaniyang balikat. Ngunit mas nakuha ang atensiyon ng karamihan ng maliit na tupa na masayang nakasunod sa likod ni Jun Wu Xie. 

Ang mukhang mahina at maliit na tupa ay nakabuntot kay Jun Wu Xie. Ang maliit at mabalahibong katawan nito ay nakuha ang atensiyon ng mga babaeng disipulo samantalang ang mga lalaking disipulo naman ay sumasingasing sa natutunghayang tagpo.

Ang Battle Spirits Forest ay puno ng iba't ibang uri ng Spirit Beast. Ang pinakamataas na antas ay ang Guardian grade Spirit Beast at ang pinakamahina naman ay ang mga mababang antas na Spirit Beast.

Ang ilan sa mga mababang antas na Spirit Beast ay hindi kayang umatake at karaniwang pinupuntiryang hulihin ng mga disipulo. Ang mga mababang antas na Spirit Beast ay parang katulad ng anyo ngayon ni Panginoong Meh Meh, maliit at mukhang inosente. Isang tingin lamang at malalaman na isa iting mababang antas ng Spirit Beast. Si Jun Wu Xie ay naturingang "sikat" na disipulo sa Zephyr Academy at isang tingin lamang ng ibang mga disipulo, madali nilang makikilala ito.

Naging katawa-tawa siya ngayon sa ibang mga disipulo dahil sa dala niyang isang mababang antas na Spirit Beast.

"Sa kaniyang kapangyarihan, sa tingin ko kahit isang mababang antas ng Spirit Beast ay hindi niya makukuhang patayin. Dahil kung hindi, bakit mayroong isang mababang antas na Spirit Beast ang bumubuntot sa kaniya?" Mapanghamak na komento ng isa sa mga disipulo na ayaw kay Jun Wu Xie.

"Hindi man siya malakas, walang makakapantay sa kaniya sa pagiging walang hiya. Kung hindi dahil lamang sa nakadikit siya kay Fan Jin, hindi niya maitatawid ng ligtas ang pitong araw sa loob ng masukal na kagubatan. Ang mga disipulo galing sa branch division ay nahirapan din sa loob ng gubat, at kung hindi dahil sa proteksiyon ni Fan Jin, hindi siya makakabalik ng buhay."

"Malinaw kong nakita iyan kanina. Hindi naging maganda ang marka na nakuha ni Senior Fan dahil sa mga lintang iyan. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana ganoon kababa ang marka ni Senior Fan."

Patuloy sa pagbibitaw ng masasamang salita laban kay Jun Wu Xie ang iilang disipulo nang may isang disipulo ang dumaan at narinig ang usapan. Tumigil ito at nakakunot ang noo na tiningnan sila "hindi ganoon si Jun Wu Xie."

Ang mga disipulo na nagkukwentuhan ay tumigil at tiningnan ang nagsalita. Nakita nila na ang nagsalita ay isang nakatatandang disipulo galing sa Beast Spirit faculty. Ang disipulong ito ay hindi naman kagalingan ngunit naging kilala ito sa Zephyr Academy dahil ito ang nagtuturo at nagsasanay sa bagong disipulo na natanggap sa Spirit Healer faculty na si Li Zi Mu.

Hindi nila inaasahan na ipagtatanggol nito si Jun Wu Xie!

Ang mga disipulo ay lumayo namg bahagya at nagtanong "Bakit mo pinagtatanggol si Jun Wu Xie? Hindi ba nagalit ka sa kaniya kasi tinangka niyang pagnakawan si Li Zi Mu..."

Ang nakatatandang disipulo ay tumawa "Ako ay naging bulag at inakusahan si Jun Wu Xie na pinagnakawan si Li Zi Mu. Pero kahit patayin mo ako ngayon, hindi ko na paniniwalaan iyon." Hindi maganda ang impresiyon niya kay Jun Wu Xie dati. Ngunit nang nasa Battle Spirits Forest sila, pagkatapos niyang protektahan si Li Zi Mu, hindi ito marunong tumingin ng utang na loob at mas pinili pa nitong sumama sa pangkat nila Fan Jin. Si Jun Wu Xie, na siyang kinumuhian niya pa ang nagbigay sa kaniya ng gamot para sa mga sugat niya at ng kaniyang mga kasamahan.

At dahil sa gamot na iyon, mabilis na gumaling sila at natapos nila ang Spirit Hunt. Kung hindi dahil sa kabutihan ni Jun Xie, baka kalahati sa kaniyang pangkat ang namatay sa loob ng Battle Spirits Forest.

Pagkatapos ng tagpong iyon, naintindihan niya na...

Ang mga sabi sabi tungkol kay Jun Wu Xie ay hindi dapat paniwalaan!

avataravatar
Next chapter