1062 Ang Pagpupursigi ni Jun Wu Xie (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakinig naman si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Kung kaya't may ibang bagay ang biglang pumasok sa isip nito.

"Ang butong binigay mo sakin? Ano talaga iyon?" Naalala ni Jun Wu Xie ang insidente noon sa Soaring Serpent at Devious Wyvern kaya tinanong niya iyon kay Jun Wu Yao.

"Bakit? May nangyari ba?" Balik-tanong ni Jun Wu Yao.

Umiling si Jun Wu Xie. "Wala naman. Pero mayroong hindi inaasahang bagay ang nangyari."

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Yao. Ang butong iyon ay nakakatulong sa mga spirits para hindi sila mapinsala. Kaya pinagamit niya ito kay Jun Wu Xie. Ngunit ngayon ay sinasabi ni Jun Wu Xie na mayroong hindi inaasahang bagay ang nangyari.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Hindi naglaho ang Soaring Serpent." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Naisip ko nung una na na-absorb ko na iyon noong una. Mayroon akong nakaharap na Devious Wyvern at ganoon na lang ang reaksyon ng Soaring Serpent doon. Naimpluwensiyahan niya ang aking emosyon. Kinain ni Lord Meh Meh ang Devious Wyvern ngunit iniluwa niya ang spirit stone. Nagwawala ang Devious Wyvern sa spirit stone na iyon. Nang ilagay ko saking palad ang spirit stone na iyon, mayroong gumapang na kulay ginto sa kamay ko at binalot ang spirit stone hanggang sa matunaw iyon at pumasok saking katawan. Pagkatapos noon, hinatak ako ng Soaring Serpent pabalik sa spirit ko. Doon ako napagtantong hindi nawala ang Soaring Serpent. Sinabi nito sakin na inayos ng butong iyon ang kaniyang espiritu at gusto niya kong tulungan na hanapin ang Devious Wyvern para tuluyan siyang gumaling." Sinabi lahat ni Jun Wu Xie ang nangyari noong araw na iyon.

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Yao matapos niyang marinig lahat ng sinabi ni Jun Wu Xie. "Ang butong iyon ay galing sa Spirit Tree. Lahat ng spirit sa mundo ay doon nanggaling. Kahit na ang butong binigay ko sa'yo ay hindi pa lumalaki at hindi pa tutumbas sa Spirit Tree malaki pa rin ang pakinabang noon. Ang dahilan kung bakit binigay ko sa'yo iyon ay para tulungan kang gumaling ang sarili mong spirit. Napaka-wais ng Soaring Serpent para samantalahin iyon at pagalingin ang sarili nitong spirit."

Tumawa ng pagak si Jun Wu Yao. Alam niya kung ano ang naiisip ng Soaring Serpent.

"Nililinang ka lang ng Soaring Serpent para tulungan mo siyang hanapin ang Spirit Tree. Nang sa gayon ay makatakas siya at makabalik sa Spirit World. Kayang magbukas ng Devious Wyvern ng pinto patungo sa Spirit World pero…" Isang tusong ngiti ang gumuhit sa mukha ni Jun Wu Yao.

"Dahil sa lakas ng Soaring Serpent kaya nagbigay iyon ng reaksyon sa buto ng Spirit Tree. Nakatatak na sa'yo ang buto ng Spirit Tree na iyon. Kaya natural lang na magbigay iyon ng reaksyon sa mga bagay na ikakapahamak mo...pati na rin sa bagay na makakabuti sa'yo." Inangat ni Jun Wu Yao ang mukha ni Jun Wu Xie.

"Little Xie, hindi mo namalayan na nakakuha ka ng isang napakahalagang bagay."

Kumurap-kurap si Jun Wu Xie. Hindi niya naiintindihan ang ibig nitong sabihin.

"Kayang magbukas ng Devious Wyvern ng pinto patungo sa Spirit World, ngunit sa halip ay ang spirit stone noon ay na-absorb ng katawan mo. Ibig sabihin...makukuha mo ang ikalawa mong ring spirit." Nakangiting saad ni Jun Wu Yao.

Nagulat si Jun Wu Xie sa kaniyang narinig.

"Ikalawang ring spirit?"

Tumango si Jun Wu Yao. "Ang Soul Return Palace lang ang patuloy na sumusubok na gumamit ng mga spirit para umangat ang kanilang kapangyarihan. Marami silang paraan para samantalahin ang mga spirit. Mayroon pa silang method na ginagamit kung saan inaabsorb nila ang mga spirit. Pero kumpara sa'yo, ang sarili mong katawan ay may sariling paraan para sumila ng spirits."

avataravatar
Next chapter