1061 Ang Pagpupursigi ni Jun Wu Xie (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung manghihingi lang siya ng tulong kay Jun Wu Yao, ibig sabihin lahat ng kaniyang pinangako ay isang malaking biro lang.

"At paano kung hindi pa rin sapat ang naisip mong stratehiya?" Nakatitig pa rin si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.

"Gamitin ang lahat ng pwede kong gamitin. Tawagin ang lahat ng pwede kong tawagin. Kung hindi pa rin sapat, susuko ako at magpapalakas. At kung sapat at tama na ang oras, dudurugin ko ang kaaway ko." Saad ni Jun Wu Xie. Bakas ang determinasyon sa mga mata ni Jun Wu Xie.

Ang mga bagay na kailangan niyang tapusin para makauwi ay kailangang siya mismo ang gumawa.Kailangan niyang maging malakas para sa kaniyang mga kaaway. Doon niya pa lang maipaglalaban ang mga gustong kumuha ng kaniyang ring spirit. Sa oras na lumakas siya, doon niya pa lang magagawang protektahan ang kaniyang pamilya.

Ganoon din ang nangyari sa kaniyang nakaraan bago siya tumakas sa impyernong iyon. Sanay na siyang makipaglaban ng siya lang. Kahit na isang-daang beses na mas malakas sa kaniya ang kaniyang kaaway, gagawin niya ang lahat para matalo iyon. 

"Sumuko sandali...maglaan ng panahon para lumakas…" Pag-uulit ni Jun Wu Yao sa sinabi ni Jun Wu Xie bago tumawa ng malakas. "Anuman ang binabalak mo, huwag kang susuko. Kung hindi mo ako kailangan, hindi ako gagalaw."

Tiwala naman siya sa kakayanan ni Jun Wu Xie. Sa lahat ng kinalaban nito, wala pang nakakaligtas.

Saka na lang siya gagalaw kapag hindi na maganda ang nangyayari.

Alam ni Jun Wu Yao kung gaano magpursigi si Jun Wu Xie sa lahat ng bagay na gusto nitong mangyari. Pati na rin sa pagpapaangat ng kaniyang spirit power ay hindi talaga nito tinitigilan. 

Napunit sa ngiti ang labi ni Jun Wu Yao. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin kay Jun Wu Xie.

Hindi man niya magagawang samahan si Jun Wu Xie habang-buhay, pero hanggat kaya niya pa ay gagawin niya. Sasamahan niya itong maging malakas hanggang sa kaya na niyang protektahan ang sarili niya. At kung dumating ang araw na iyon, doon pa lang siya mapapalagay.

May mga bagay na hindi sinasabi si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Ngunit oo, gagamitin niya ang lahat ng kaniyang lakas at kapangyarihan para protektahan si Jun Wu Xie hanggang sa magtagumpay ito.

Sa ngayon ay gagawin na lang niya kung ano ang gustong mangyari ng babae.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie para tignan si Jun Wu Yao. Hindi pa ganoon kahaba ang kanilang pinagsamahan. Ngunit sa panatag ang kaniyang loob kapag nasa paligid lang si Jun Wu Yao. Para bang kapag nandiyan si Jun Wu Yao ay kaya niyang gawin lahat ng walang pag-aalinlangan.

"Siguro ilang araw mula ngayon ay babalik na sila dito. Mukhang hindi naman malayo ang pinagtataguan ni Qu Xin Rui sa mga taong kinuha niya." Saad ni Jun Wu Xie. Habang nag-aantay siya ng balita tungkol sa mga ito ay naghahanda na rin siya para sa mga susunod nilang gagawin.

Ngunit sa isang banda, ang tungkol kay Qu Xin Rui ay mukhang hindi niya na kayang patagalin.

Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie. Diring-diri talaga siya kay Qu Xin Rui. Noong una ay naisipan niya pang harapin si Qu Xin Rui muli ngunit ngayon ay nagbago na ang kaniyang isip!

Ang makita lang ito ay tumatayo na ang kaniyang mga balahibo sa sobrang pandidiri.

Nahulaan naman ni Jun Wu Yao ang nasa isip ni Jun Wu Xie nang makita niyang muling kumunot ang noo nito. Hinawakan nito ang magkabilang kilay ni Jun Wu Xie at hinaplos iyon: "Kung nandidiri ka sa isang bagay, huwag mo nang isipin."

Ayaw makisali ni Jun Wu Yao dahil iyon ang hiling ni Jun Wu Xie. Ngunit kay Qu Xin Rui, sinisiguro niyang siya mismo ang papatay dito!

avataravatar
Next chapter