1060 Ang Pagpupursigi ni Jun Wu Xie (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ngayon lang nakatagpo si Xiong Ba ng alalay na may ganon kalakas na awra. Maging ang Grand Chieftain ng Thousand Beast City ay hindi papantay sa lakas ni Qu Wen Hao. Maging si Qu Xin Rui ay hindi ganoon ang epekto sa kaniya.

Sa oras na ibuka ni Jun Wu Yao ang kaniyang bibig, parang nawawala sa katinuan si Xiong Ba. Nararamdaman niyang kailangan niya agad sundin ang utos nito.

Saan napunta ang dignidad niya bilang Clan Chief?!

Subalit, walang ibang magawa si Xiong Ba kundi ang punasan na lang ang kaniyang luha at mag-utos na linisin ang magiging silid ni Jun Wu Yao. 

Paanong alalay ang ganoong klase ng tao, kung ang pag-uutos nito ay animo'y amo siya ng lahat?!

Natapos na sa wakas sina Ye Mei at Ye Sha na maglinis sa labas ng silid ni Jun Wu Xie. 

Si Jun Wu Yao ay tapos na rin maligo at magbihis. Pagkatapos ay dumiretso na ito kay Jun Wu Xie.

"Ngayon, mabaho pa rin ba ako?" Nakangiting tanong nito kay Jun Wu Xie.

Umiling si Jun Wu Xie bilang sagot.

Umupo si Jun Wu Yao sa tabi ni Jun Wu Xie. Napansin niyang wala na ang malamig na pakikitungo sa kaniya ng babae.

"Ang tungkol sa Thousand Beast City? Anong balak mo sa kanila?" Pagbabalik ni Jun Wu Yao sa mahalagang paksa. Nasabi na sa kaniya ni Ye Sha ang motibo ni Jun Wu Xie sa pagpunta nito sa Thousand Beast City. Ngunit hindi pa rin iyon ganon kalinaw sa kaniya sa kung ano ang motibo ni Jun Wu Xie dito.

Kailanman ay hindi naglalahad ng buong plano si Jun Wu Xie. Makikita na lang ito kapag tapos na.

"Sila Qiao Chu ay hinahanap na kung saan kinulong ang mga tao. Oras na magkaroon na ng balita sa kanila, doon pa lang kami kikilos." Wala sa loob ng Thousand Beast City ang solusyon sa problema ng lungsod na ito.

"Gusto mo ba akong tumulong?" Tanong ni Jun Wu Yao nakapatong ang baba nito sa kaniyang palad at nakangiti.

"Hindi." Sagot ni Jun Wu Xie. Kahit na laging wala si Jun Wu Yao, tuwing kailangan naman niya ng tulong ay lagi itong dumarating. Alam ni Jun Wu Xie kung gaano kalakas si Jun Wu Yao. Lahat ng kaniyang problema ay maliit lang na bagay para sa lalaki.

Ngunit ayaw naman niyang lagi na lang umasa kay Jun Wu Yao. Kung lahat na lang ay iaasa niya dito, ano pang magiging silbi niya?

Gusto niyang tapusin at bigyan ng leksyon ang kaniyang kaaway gamit ang sarili niyang kamay. Para masabi niya sa sarili niyang kaya niya. Ayaw niyang maging abala sa iba.

Ayaw ni Jun Wu Xie ng may magtatrabahong iba para sa kaniyang sariling misyon.

"Talaga? Dito sa Thousand Beast City, may ilang taga-Soul Return Place. Kahit na hindi sila ang pinaka-malalakas na mandirigma ng Soul Return Place, mas malakas pa rin sila kaysa sa'yo. Maaaring nagagawa mong pansamantalang maging purple spirit pero dapat mo sigurong alamin ang kinaibahan ng true blue purple spirit sa purple spirit lang." Seryosong saad ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Kailangan nitong malaman kung sino ang kakalabanin nito.

"Hindi ko naman intensyon na kalabanin sila." Sagot ni Jun Wu Xie. "Kung hindi sapat ang lakas, maaaring gamitan ng kakaibang estratehiya. Kung itong mga taga Soul Return Palace ay hindi ko maharap, mangangahas pa ba akong pabagsikan ang Twelve Palaces sa hinaharap?"

Kung manghihingi lang siya ng tulong kay Jun Wu Yao, ibig sabihin lahat ng kaniyang pinangako ay isang malaking biro lang.

avataravatar
Next chapter