1137 Ang Pagliyab ng Giyera (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bakit naman pasusugurin ng Condor Country ang kanilang mga sundalo laban sa Qi KIngdom?" Tanong ni Jun Wu Xie. Kumukulo ang kaniyang dugo sa kaniyang nalaman. Gayong malakas naman ang Qi Kingdom at matatapang naman ang Rui Lin Army, ngunit kapag sila ay sinugod mula sa apat na panig, hindi makumbinsi ni Jun Wu Xie ang sarili na makakayang harapin ito ng Rui Lin Army.

 Umiling si Lei Chen. "Wala ring nakakaalam kung bakit."

"Kumusta ang sitwasyon sa Qi Kingdom?" Muling tanong ni Jun Wu Xie.

"Negatibo. Lihim na nakipag-ugnayan ang Condor Country sa tatlo pang bansa. Hindi pa kumikilos ang Qi Kingdom para sa pinal na pakikipaglaban. Ngunit sa tingin ko, base sa sitwasyon nila doon ngayon, mukhang hindi nila kakayaning tumayo laban sa apat na bansa." Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Lei Chen. Labis niyang tinitingala ang Rui Lin Army ng Qi Kingdom. Ngunit isandaang libo lang ang bilang ng Rui Lin Army, paano nila kakaharapin ang milyun-milyong sundalo?

Ang kamay ni Jun Wu Xie na nakatago sa manggas ng damit ay mahigpit na nakakuyom, ang kaniyang mga kuko ay bumabaon sa kaniyang kamay. Puno ng tensyon ang kaniyang katawan.

Tahimik lang na nag-oobserba si Lei Chen sa reaksyon ni Jun Xie. Madalas na kalmado lang ito, ngunit ngayon ay ibang-iba ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Naglakbay ka rito para lang sabihin ito sakin?" Humarap si Jun Wu Xie kay Lei Chen.

Sumagot naman si Lei Chen: "Hindi lang iyon. Mayroon akong nais itanong. Kamahalan, gusto mo bang tulungan namin ang Qi Kingdom?"

Malamig na tumingin si Jun Wu Xie kay Lei Chen.

"Paano kung oo?"

Agad namang sumagot si Lei Chen: "Walang ugnayan noon ang Qi Kingdom at Fire Country. Sa kinakaharap ngayon ng Qi KIngdom, walang rason ang Fire Country para makisali. Ngunit kung iyon ang gusto ng aming pinuno, kikilos ang milyun-milyong magigiting na sundalo ng Fire Country! Basta handa kayong mamuno, sayong-sayo ang Fire Country's army."

Sumusugal si Lei Chen ngayon. Nagkaroon siya ng oportunidad para tanggapin ni Jun Xie ang pagiging Emperor ng Fire Country. Gayong may malakas na kakayahan si Jun Xie at ang mga kasamahan nito, hindi pa rin nila kakayaning harapin ang mga nanghimasik sa Qi Kingdom.

Ngayon, ang tanging paraan para maresolba ang problemang ito ay ang mga sundalo ng Fire Country!

Tahimik lang si Jun Wu Xie na nakatitig kay Lei Chen. Naiintindihan niyang kaya nagsumikap si Lei Chen na maglakbay patungo dito para ibalita ang sitwasyon sa Qi Kingdom at ilahad ang mga kondisyon nito.

Para isalba ang Qi Kingdom, kailangan niya ang tulong ng militar ng Fire Country. Hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili ito.

Nakaluhod sa magkabilang tabi ni Jun Wu Xie si Lei Chen at Lei Xi. Si Lei Xi ay kinakabahan sa kanilang ginagawa. Hindi niya gaanong kilala si Jun Xie at wala rin siyang ideya sa kung ano ang relasyon ni Jun Xie sa Qi Kingdom. Bakit ganito na lang kasigurado ang kaniyang kapatid na papayag si Jun Wu Xie na maging Emperor dahil lang sa krisis na kinakaharap ng Qi Kingdom.

Huminga ng malalim si Jun Wu Xie bago nagsalita: "Handa ba kayong lahat na maging sandata ko?"

Nang marinig iyon ni Lei Chen ay agad na nagliwanag ang kaniyang mukha.

"OPO!"

avataravatar
Next chapter