684 Ang Paglalakbay Pabalik (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa paraan na iyon ay hindi na kakailanganin ni Lord Meh Meh na ibuka ang kanyang bibig ng malapad na magdudulot ng

pagkapunit ng balat nito. Ang lotus na ibinigay ng Drunk Lotus ay nagmula sa isang hindi karaniwang Snow Lotus na

pambihira sa pagpapagaling at mas masarap kaysa sa mga damo.

Hindi na ganoon kasakit at kahirap para kay Lord Meh Meh ang pagkain at mas maayos na rin ang pakiramdam nito.

Bagaman hindi pa nito kayang tumayo sa kanyang sarili at ang apat nitong mga paa ay nanatiling nakabaluktot sa ilalim

ng kanyang tiyan habang nakahiga sa braso ni Jun Wu Xie. Pagtapos ng bawat hapag ay sisikapin nitong iangat ang lantad

na walang balahibo niyang sunog at maitim na ulo palapit sa katawan ni Jun Wu Xie katulad ng madalas nitong gawin.

Subalit ang malambot, mabalahibo at kaibig-ibig na nilalang na ito ngayon ay inakakatakot at nakakalungkot tingnan,

malayong malayo sa dating mahiyain, magaslaw at hangal nitong sarili.

Bawat mariin na pagsandig ni Lord Meh Meh kay Jun Wu Xie ay mababakas ang paghihirap at takot na nagbibigay ng

kaba sa puso ni Jun Wu Xie tuwing ito ay makikita.

Sa umpisa ang isang tupa ay nasa rurok na kundisyon ng una niya itong makita at ang sakit na dulot ng maliliit na tusok

ng aspili na puminsala sa anyo ng napakalaking hayop ay nagpaurong palayo kay Lord Meh Meh. Ngunit sa pinaka

mapanganib na pagkakataon sa ilalim ng Heaven's End Cliff ay walang pag-iimbot na itinumba ni Lord Meh Meh palayo

si Jun Wu Xie at nilagay ang kaniyang sarili sa landas nang nakakatakot na berdeng bolang apoy. Ang sakit at paghihirap

na dulot nito ay hindi maikukumpara sa unang binigay nila rito.

Ipinagpatuloy ni Lord Meh Meh ang kaniyang nakaugalian.

Maaaninag sa mga mata ni Lord Meh Meh ang sakit habang nakatingin kay Jun Wu Xie naramdaman ni Jun Wu Xie ang

pag-init ng kanyang mga mata. Inipon niya lahat ang kaniyang spirit power upang dahan-dahan na ibalot kay Lord Meh

Meh.

"Hindi mo na kailangan na gawin pa ito. Magpahinga ka lamang at ika'y gagaling sa lalong madaling panahon." hindi na

niyakap palapit ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh palapit sa kaniya sapagkat siya ay natatakot na magdulot iyon ng pinsala

at kirot. Tanging ang pagtinigin sa mga matang nakapikit dahil sa sakit at pagbulong nang marahan lamang ang nagawa

niya.

"Meh..." hindi maintindihan ni Lord Meh Meh kung bakit tila hindi na gusto ni Jun Wu Xie ang pagsinta nito.

[Hindi nga ba't tuwang-tuwa ito noon sa pagiging ganid}

Maaaring ito ay masyadong napagod o kaya ay sobrang nasaktan. Nagpakawala ng isang mahinang daing si Lord Meh

Meh at ito ay muling nakatulog ng mahimbing. Ang munti nitong katawan ay nais sana niyang ibaluktot ngunit dahil sa

matinding pagkasunog ng kanyang balat ay hindi pa ito mabanat sa ngayon at ang pilitin na banatin ito ay magdudulot

ng pagkapunit at pagkabiyak na sadyang napakasakit. Kaya naman ang tanging magagawa ni Lord Meh Meh ay ihiga ang

naninigas nitong katawan sa braso ni Jun Wu Xie.

"Hinding-hindi na kita tatawaging tupang mangmang kailanman, kailangan mo ng gumaling agad." Ang itim na pusa ay

nagtungo sa kandungan ni Jun Wu Xie at lumapit sa natutulog na si Lord Meh Meh ng dahan-dahan, naglaan lamang ito

ng maliit na distansya sa pagitan nila.

Mula nang isinakripisyo ni Lord Meh Meh ang katawan nito upang protektahan si Jun Wu Xie natanggap na ng lubusan

ng itim na pusa na ito ay kanyang kaanib at kasama.

Nagdaan pa ang maraming araw at natapos na din ang mahirap nilang paglalakbay, sa wakas ay natanaw na ni Jun Wu

Xie ang Chan Lin Town.

Nang makarating sa Chan Lin Town ay agad na nagtungo si Jun Wu Xie sa isang bahay-panuluyan upang kumuha ng

kwarto. Pinahiga niya si Lord Meh Meh sa malambot na higaan at nagbilin sa maliit na pusang itim na alagaang mabuti si

Lord Meh Meh. Kalaunan ay umalis na siya at nagtungo sa Chan Lin Auction House na kilala sa buong Chan Lin Town na

mayroong mga kakaiba at katangi-tanging halamang-gamot.

Bago sila bumalik sa Zephyr Academy ay kinailangan muna niyang mapanatili ang kundisyon ni Lord meh Meh. Si Qiao

Chu at ang kanyang mga kasama ay hapo na ngunit kaunting araw na lamang ang natitira bago pumili ng mga disipulo

ang branch division upang mapunta sa main division. Binalak nilang nakawin ang mapa mula kay Ning Rui sa kanilang

pagbabalik subalit ang oras na ginugol nila sa Heaven's End Cliff ay mas matagal kaysa inakala nila at ang pagpili ay

magsisimula sa oras na sila ay makabalik na sa akademya. Bukod rito, kailangan munang gamutin ni Jun Wu Xie ang mga

sugat ni Lord Meh Meh at hindi nila ito dapat madaliin sa ngayon.

Pagtapos ng mabilis na pagpapaalam kay Jun Wu Xie at Fan Zhou, si Qiao Chi at ang kanyang mga kasama ay gumayak na

pabalik sa branch division upang ihanda ang kanilang mga sarili sa nalalapit na pagpili.

avataravatar
Next chapter