698 Ang Pagkamatay Ni Fan Qi (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot si Wen Xin Han: "Siya ang anak ng aking kaibigan natural lamang na bantayan ko

siya."

Ngumiti si Gu Li Sheng nakadama siya ng ginhawa sa narinig at siya ay magalang ng

nagpaalam.

Sa maliit na bakuran sa may kakahuyan si Jun Wu Xie ay pinapaliwanag ang batayan ng Spirit

Healing kay Gu Ying. Nakaupo si Gu Ying at matiim na nakikinig. Walang mababakas na

kasamaan sa kanyang mga mata, ito ang eksaktong paglalarawan ni Gu Li Sheng na magalang

at disente na disipulo.

Subalit alam ni Jun Wu Xie na iyon ay pagkukunwari lamang.

Sumunod si Gu Ying sa ilalim ng patnubay ni Jun Wu Xie na subukan ang mga technique

habang si Jun Wu Xie ay lihim na inoobserbahan ang mga galaw ni Gu Ying.

Kung walang kasama si Gu Ying sa Zephyr Academy ay hindi kailangan mangamba ni Jun Wu

Xie. Ngunit kung merong iba pa mula sa Twelve Palaces na naroon ay natatakot siya na hindi

magagawa ni Ye Sha na kalabanin ang lahat ng mag-isa lamang. Minabuti na lamang ni Jun Wu

Xie na magpatuloy sa pag-obserba upang tiyakin kung gaano karami ang kalaban.

Nagpupunas noon ng lamesa at mga upuan si Ah Jing ng mapansin niya ang kakaibang galaw ni

Gu Ying, tumingin si Ah Jing sa gawi nila at isang walang muwang na ekspresyon ang bumakas

sa kaniyang mukha. Nakita niya si Gu Ying na mariing nakatitig sa kaniyang mga kamay at

inoobserbahan ang kaniyang spirit power. Ang tingin niya ay lumipat kay Jun Wu Xie ang

kaninang sumalamin na nalilitong tingin ngayon ay malinaw na ngunit mabilis siyang yumuko

at pinagpatuloy ang kaniyang mga gawain.

Makailang beses nang sinubukan ni Gu Ying na baguhin ang kaniyang spirit power sa soul

power ngunit hindi nito magawa. Ang ngiti sa kaniyang mukha ay unti-unting napapalitan ng

bangis. Pagkatapos mabigong muli na tangkaing baguhin ang kaniyang spirit power ay itinaas

niya ang kaniyang mga kamay at sinuntok ang lamesa sa kaniyang harapan na dahilan ng

pagkawasak niyon.

"Ito ay isang bagay na kasing talion mo lamang Senior ang makakagawa. Siya nga pala, may

kahabaan ang pag-uusap niyo kanina ni Gu Li Sheng Senior tungkol saan ba ang pinag-usapan

niyo?" ang mga mata ni Gu Ying ay napuno ng kakaibang emosyon.

"Tinanong ko siya kung sino ka." walang emosyon na sagot ni jun Wu Xie.

Nagulat si Gu Ying. Ang buong akala niya ay gagawa ng ibang dahilan si Jun Xie kaya hindi niya

inaasahan sa tahasan nitong sagot.

Kahit na hindi niya narinig kung anuman ang pinag-usapan nila ay may hinala na siya na kaya

nakipagkita si Jun Xie kay Gu Li Sheng ay may kinalaman tungkol sa kaniya.

"Ako si Gu Ying at ako ay ang iyong taga-sunod sa departamento ng Spirit Healer. Kung may

gusto kang malaman tungkol sa akin Senior ay maaari mo tanungin sa akin kaya bakit

kinailangan mo pa magtanong sa kaniya?" sagot ni Gu Ying at nagsimula itong tumawa ang

kakaibang emosyon sa kaniyang mata ay mas tumindi. "Ang bagay na ito na itinuturo mo sa

akin Senior ay sadyang napakahirap intindihin. Tingin ko ay dapat ko itong ipakita kay Gu Li

Sheng upang ako ay malinawan."

Habang sinasabi ni Gu Ying iyon ay tumingin siya kay Jun Wu Xie. Nang makita niya na walang

pagbabago sa ekspresyon nito ay ngumiti siya at umalis na.

Tulad ng inaasahan ay maghihinala nga ito. Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie habang

nakatingin sa paalis na si Gu Ying at may takot na unti-unting bumalot sa kaniyang puso.

Nang akayin ni Jun Wu Xie si Gu Ying palabas ng depratamento ng Spirit Healer ay mas lalong

nagduda si Gu Ying. Nais niya na mag-antay na isagawa nila ang kanilang mga plano bago siya

bumalik at mahuli sila sa akto.

"Ye Sha."mahinang tawag ni Jun Wu Xie.

Biglang lumabas sa bakuran si Ye Sha.

Si Ah Jing na patuloy sa paglilinis ay nanigas ng makita si Ye Sha.

Hindi tinapunan ni Ye Sha ng tingin si Ah Jing habang ito'y nakaluhod sa harap ni Jun Wu Xie at

sinabi: "Ang iyong lingkod ay nag-aantay sa utos ng Young Miss."

"Nagbalik na ba si Gu Li Sheng?"

"Oo. Nakita siya ng iyong lingkod na naglalakad papasok sa departamento ng Spirit Healer."

Tumango si Jun Wu Xie. Tamang-tama lang. Kahit magmadali pabalik si Gu Ying ay hindi niya

mahahalata ang kahit ano.

Ang laro ay nagsisimula pa lang!

Palihim na umalis si Ye Sha katulad ng kung paano siya dumating, mabilis na naglaho sa dilim.

Tumayo na si Jun Wu Xie at minabuting bumalik na sa kaniyang kuwarto.

Ngunit sa kaniyang pagtayo ay may isang tao na nagmamadaling lumapit sa kaniya!

"Ah! Ah! Ah!" biglang lumuhod si Ah Jing sa paanan ni Jun Wu Xie habang balisang nag-iingay

na para bang humihingi ng tawad.

avataravatar
Next chapter