710 Ang Paghahanda sa Laban (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Paano kung kailangan ko lumaban sa kanila?" seryoso ang mukha na tumingin si Jun Wu Xie

kay Wen Xin Han.

Nasindak si Wen Xin Han nang ilang sandali bago nagsalita na may matatag na pagpapasiya:

"Hindi magbabago ang sinabi ko sa iyo."

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie sa ipinahayag na pagpapasiya ni Wen Xin Han.

"Hindi mo kailangan na harapin si Gu Ying, nais kong bantayan mo si Fan Jin sa ngayon upang

masiguro na mananatili siyang buhay sa paggawa noon ay matutupad mo ang ipinangako mo

sa akin." Nang sabihin ni Jun Wu Xie na ibigay ang buhay ni Wen Xin Han ang ibig sabihin nito

ay kailangan niya ang buhaqy nito upang protektahan ang buhay ni Fan Jin.

Nabakas sa mukha ni Wen Xin Han ang pagkabigla at kaniyang sinabi: "Hindi mo kailangan

sabihin sa akin ito Young Miss Jun. Si Fan Jin ay anak ng aking nasirang kaibigan, at kahit hindi

mo iyon sabihin sa akin Young Miss Jun ay poprotektahan ko pa rin si Fan Jin."

Umiling si Jun Wu Xie.

"Nais kong itakas mo siya sa pagkakakulong. Agad."

Kahit magawa na maprotektahan ang buhay ni Fan Jin, ang pagkakakulong niya doon ay

nagdudulot sa kaniya ng hindi mailalarawan na pagdurusa. At ngayon na nagbalik na siya ay

hindi siya uupo lamang ata walang gagawin.

Saglit na natahimik si Wen Xin Han.

"Sigurado ka ba?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Sandaling nag-isip si Wen Xin Han bago ito nagsalita: "Sige. Ilalabas ko siya doon ngayon.

Ngunit kailangan mo malaman na kahit makatakas siya ngayong araw na ito, ay mananatiling

pasan ni Fan Jin ang krimen sa pagpatay ng kaniyang sariling ama." Hindi sa atubili si Wen Xin

Han na itakas sa pagkakakulong si Fan Jin. Ngunit kung siya ay tatakas, hindi mabibigyang linaw

ang lahat ng inaakusa sa kaniya. Mapipilitan si Fan Jin na mamuhay ng tago, ikakahiya ang

kaniyang pangalan sapagkat ang pangalan niya ay pagsisimulan lamang ng pangungutya at

pagsumpa. Siya ay isang masayahin at tapat na lalaki at kung mapupuwersa lamang siya na

akuin ang krimen na hindi naman niya ginawa at mabuhay sa kahihiyan at pagtatago ay isang

insulto at kahihiyan sa reputasyon at pangalan ng Fan Family.

Kaya naman nais ni Wen Xin Han na humanap at makapaglabas ng ebidensiya upang

mapatunayan na si Fan Jin ay walang-sala.

Mariing tumingin si Jun Wu Xie sa mata ni Wen Xin Han at sinabi: "lilinawin ko ang pangalan

niya."

Kung gagawin niya iyon ay sisiguraduhin niya na tatapusin niya hanggang sa dulo at hindi mag-

iiwan ng lugar para sa pagsisisi.

"Sige." ibinigay ni Wen Xin Han ang kaniyang tiwala kay Jun Wu Xie at hindi na nagtanong pa.

Pagkatapos masabi lahat ng gusto niyang sabihin ay madali ng umalis si Jun Wu Xie. Naging

maikli lamang ang pag-uusap na iyon ngunit naging bukas sila sa kanilang mga intensyon. Nang

makalabas si Jun Wu Xie ng opisina, si Gu Ying ay matiyagang nag-aantay sa labas ng pintuan at

ng makita ito ay ngumiti ng malaki. Diretsong naglakad si Jun Wu Xie na hindi man lang ito

tinapunan ng tingin at minabuti na ni Gu Ying na sumnod sa likod nito.

Pgakaalis ni Gu Ying at Jun Wu Xie ay muling nagpasalamat si Gu Li Sheng kay Wen Xin Han.

Bagaman nais niyang makita si Fan Jin, wala naman siyang sapat na kapangyarihan. Ngunit

dahil nagawa ni Jun Wu Xie na makahingi ng tulong kay Wen Xin Han, hindi na iyon suliranin

pa.

"Sa mga darating na araw ay hindi ka dapat magambala sa pagtingin kay Fan Jin Senior Wen."

Matapat na sabi ni Gu Li Sheng.

Tumango si Wen Xin Han at nawala ng walang iniwan na bakas.

Nakita ni Gu Li Sheng ang kaniyang sarili na nakatayong mag-isa sa opisina, ang kaniyang

katawan ay naninigas pa rin. Walang ibang hangad si Jun Wu Xie kundi ang ialayo ni Wen Xin

Han si Fan Jin sa lugar na iyon. Ngunit alam ni Gu Li Sheng na may nabuo ng plano si Jun Wu

Xie at ang isipin na iyon ay nagbigay ng matinding pagkasabik. Ang kaniyang kamao ay

mahigpit ang pagkakuyom, hindi na niya mahintay na dumating ang araw na iyon.

Nang gabing iyon, habang kumakain ng hapunan si Gu Ying at Jun Wu Xie ay biglang dumating

si Gongcheng Lei na tumatakbo, ang kaniyang mukha ay namumutla.

"Young Master Gu! May nangyaring kaguluhan!" tinapunan ng tingin ni Gongcheng Lei si Jun

Wu Xie na nakaupo sa gilid at saka tumingin kay Gu Ying ng may pag-aalala.

"Oh? Anong nangyari?" mabagal na tanong ni Gu Ying kay Gongcheng Lei. Matapos ang

hapunan kahapon ay tumanggi na si Jun Xie na kumain kasabay si Ning Rui. Hindi na binigyang

pansin iyon ni Gu Ying matapos malaman na walang kahit anong reaksyon mula kay Jun Xie ng

makita niya si Fan Jin sa nakakaawang itsura nito, nawalan siya ng gana at naisip na hindi na

gagamitin pa ang paraan na iyon sa pagtuya kay Jun Xie.

avataravatar
Next chapter