708 Ang Paghahanda sa Laban (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot si Wen Xin Han na may ngiti: "Maaasahan mo ang salita ni Wen Xin Han."

Tumango si Jun Wu Xie, nasiyahan sa sagot na kaniyang natanggap.

"Hindi mo kailangan ibigay sa akin ang buhay mo, kailangan ko ang iyong buhay upang kunin

ang buhay ng ibang tao." ang mata ni Jun Wu xie ay naningkit ng sabihin iyon.

"Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin." walang pag-aalangan

nasabi ni Wen Xin Han. Hindi man lang siya nag-abala na magsiyasat pa at sumang-ayon agad.

Ang Wen Family ay kilala sa reputasyon nila tungkol sa katapatan.

Sa katayuan at kapangyarihan ni Wen Xin Han ay maari niyang piliin na hindi gawin ang

ipinangako niya kay Jun Wu Xie. Ang lakas at kapangyarihan ng tunay na purple spirit ay

walang katumbas at kahit ang Lin Palace ay hindi makakahingi ng pabor sa kasalukuyang Wen

Xin Han ngunit mas pinili ni Wen Xin Han na tuparin ang kaniyang pangako.

Ang katangian na iyon ang nirerespeto ni Jun Wu Xie. Natutuwa si Jun Wu Xie na ang kaniyang

lolo ay hindi nagkamali ng akala kay Wen Xin Han at ang Wen Family ay mga taong may

katapatan.

"Walang pagmamadali. May ilang bagay akong kailangan tanungin sa iyo." Dahil sa katiyakan

na sagot ni Wen Xin Han ay hindi na nabalisa si Jun Wu Xie. Ngayon na sigurado siyang si Wen

Xin Han ay nasa panig niya, ang nararapat na lamang gawin ay mangalap ng mga impormasyon

tungkol sa kalaban at maghintay ng pagkakataon kung kailan sasalakay!

"Pakiusap magtanong ka." matiyagang sgot ni Wen Xin Han.

Nanonood lamang sa kanilang dalawa si Gu Li Sheng at hindi nagsasalita. Si Jun Wu Xie na yata

ang nakita niyang pinaka mahinahon na bata. Kaharap ang isang purple spirit ay walang

pangingimi na tinanggap ni Jun Wu Xie ang paggalang ni Wen Xin Han at at nagawa ng mga

salita nito kay Wen Xin Han na sumunod sa hiling nito. Kung titingnan ang kilos ni Wen Xin

Han, tila wala siyang pagkabahal o pagdududa sa hinihingi sa kaniya ni Jun Wu Xie. Nakita na

lamang ni Gu Li Sheng ang kaniyang sarili na nagugulat sa nangingibabaw na kakayahan ni Jun

Wu Xie na maging ang tulad ni Wen Xin Han ay napasunod niya.

"Erm... Bakit hindi muna tayo maupo?" maingat na tanong ni Gu Li Sheng.

Hindi maintindihan ni Gu Li Sheng ngunit nakaramdam siya ng panliliit sa pagitan ni Jun Wu Xie

at Wen Xin Han.

Si Wen Xin Han ay isang purple spirit kaya iyon ay madaling maintindihan. Sa mga malalawak

na lupain, ilan lamang ang kayang makipagkasundo sa parehong kondisyon kay Wen Xin Han.

Ngunit si Jun Wu Xie ay isang kabataan lamang at hindi siya dapat magmataas sa kaniya.

Tumango si Jun Wu Xie at Wen Xin Han sa bawat isa at naupo, hindi na na nag-aksaya ng oras

si Jun Wu Xie at mabilis na nagsalita: "Sa panahon na andito ka sa Zephyr Academy Senior Wen

ay naintindihan mo na marahinl ang lahat ng pangyayari sa paligid. At nasisiguro ko na

napansin mo na Senior Wen na ang tao sa likod ng pintuan na iyan ay nagtataglay ng

kakaibang lakas at hindi lang siya isang ordinaryong binata. Nais kong itanong, sa mga panahon

na narito ka, may napansin ka bang ibang tao na nagtataglay ng parehong lakas o mas higit pa

na lakas bukod sa kaniya?"

Nagulat si Wen Xin Han dahil hindi niya inaasahan na magtatanong si Jun Wu Xie ng ganung

bagay. Inisip muna niya ng ilang saglit bago siya umiling.

"Ang binata na si Gu Ying ay mayroon ngang kakaibang uri ng spirit power at tanging siya

lamang ang nakita ko na nagtataglay ng ganoon dito sa Zephyr Academy at wala ng iba."

Ang sinabi ni Wen Xin Han ay tugma sa naobserbahan ni Ye Sha ng mga nakaraan na araw sa

Zephyr Academy. Bukod kay Gu Ying, wala ng iba pa na mula sa Middle Realm at nais lamang

ni Jun Wu Xie na kumpirmahin iyon kay Wen Xin Han. Mahigit dalawang linggo na rin si Wen

Xin Han sa Zephyr Academy at ang kaniyang nalalaman ay higit pa sa impormasyon na nakalap

ni Ye Sha sa ilang araw lang.

Dahil sa pagkumpirma na iyon ni Wen Xin Han, ang paghangad ni Jun Wu Xie na pumatay ay

hindi na niya kailangan pa itago.

"Young Miss Jun... Huwag mo sabihin na nagbabalak ka… na gumawa ng hakbang kay Gu

Ying?" mababakas sa ekspresyon ni Wen Xin Han na mabigat ang loob nito ng tumingin siya

kay Jun Wu Xie.

Magsasalita sana si Jun Wu Xie nang mapansin niya ang kakaibang ekspresyon ni Wen Xin Han,

natahimik siya at minabuting magtanong: "Mayroon bang bumabagabag sa iyo Senior Wen?"

Tumaas ang kilay ni Wen Xin Han, may pagkabahala na tumingin siya kay Jun Wu Xie. Sandali

siyang natigilan bago niya binuka muli ang kaniyang bibig upang magsalita.

"May nalalaman ba ang Young Miss Jun tungkol sa Three Realms?"

Napatalon ang puso ni Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter