770 Ang Pagdating ng Prinsipe (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang gabing iyon, ang magkakasama ay hindi na gaanong binigyang pansin ang bagay na iyon.

Sa kanilang pananaw, hindi mahalaga kung darating ang Crown Prince o hindi, ang mahalaga

sa kanila ay iba kung ikukumpara sa ibang tao. Ano ngayon kung ang Crown Prince ng Yan

Country iyon? Kung hindi lang dahil sa mapa ay hindi nila ito bibigyan ng halaga at wala silang

intensyon na kunin ang pabor niya.

Oras ng hapunan at ang tagapangasiwa ng Immortals Loft ay maagang nag-utos sa kusina na

ihanda ang kanilang mga sarili dahil ang mga tuhan mula sa Crown Prince Residence ay

nagtungo doon at hindi nila hahayaan na mapahiya sila. Dumating man ang Crown Prince o

hindi, kailangan ay handa sila upang hindi mapahiya sa mabuting pakikitungo ng Crown Prince.

Dumating ang gabi at lahat ng parol ay inilawan at itinaas. Ang Yan Country Capital ay

nagliwanag dahil sa mga nakasabit na ilaw sa buong lugar. Sinindihan ang kumpol ng mga parol

na nagbigay liwanag sa kadiliman ng gabi at nagdala ng kagandahan sa masaganang Capital

city.

Isang karwahe na may nakasabit na bandila ng Crown Prince's Residence ang nakita sa

mahabang kalsada at huminto sa tapat ng pintuan ng Immortals' Loft. Karamihan sa mga

disipulo mula sa ibang paaralan ay namamasyal noon sa malapit at ng kanilang makita ang

karwahe mula sa Crown Prince's Residence na huminto, silang lahat ay sumilip doon.

Narinig nila na ang Crown Prince ay unang nagbigay ng mensahe sa Dragon Slayers Academy

na siya ay opisyal na bibisita sa kanila ngunit, nakatanggap ang Crown Prince ng imbitasyon

mula sa Zephyr Academy. Lahat ng tao ay natawa sa bagay na iyon. Anong uri ng sitwasyon

meron ang Zephyr Academy ngayon? Nasa estado na sila ng pagbagsak at may lakas pa sila ng

loob na imbitahan ang Crown Prince upang bisitahin sila? At nagkataon na ang imbitasyon nila

ay kasabay sa pagbisita ng Crown Prince sa Dragon Slayers Academy.

Hindi inasahan ng lahat na ang Crown Prince ay tatanggapin ang imbitasyon ng Zephyr

Academy dahil sa ang Zephyr Academy ay ay nasira na ang pangalan at hindi na umaasa na

magkakaroon ng isang disipulo mula sa kanila ang makakapasok sa ranggo ng nangungunang

sampu sa Spirit Battle Tournament ngayong taon. Pagtapos ng paligsahan ngayong taon, ang

Zephyr Academy ay maaalis na bilang isa sa tatlong mataas na paaralan, kaya saan kukuha ng

pag-asa ang Zephyr academy na magagawa nilang talunin ang magiting na Dragon Slayers

Academy?

Kaya ng ang karwahe mula sa Crown Prince's Residence ay huminto sa tapat ng Immortals'

Loft, lahat ng kabataan na nasa labas ay napanganga!

Ang Crown Prince ay nagpunta doon!

Iyon ay hindi kapani-paniwala!

Ngayon na ang karwahe ng Crown Prince's Residence ay nasa harap ng Imortals' Loft ay

siguradong makakarating ang balitang iyon sa Dragon Slayers Academy. Hindi ba't isa itong

malkaing samplay sa mga tao ng Dragon Slayers Academy! ?

Hindi maintindihan ng lahat kung bakit mas pinili ni Lei Chen na talikuran at tanggihan ang

Dragon Slayers Academy ngunit tinanggap ang mahina at ngayon ay walang halaga na Zephyr

Academy, ang lahat ay nagkanda haba ang mga leeg upang makita kung ang lalabas sa

karwahe ay ang Crown Prince, si Lei Chen.

Nang matanggap ni Jun Wu Xie ang balita, siya ay abala sa balahibo ni Lord Meh Meh. Ang

bagong tubo na balahabo mula sa balat ni Lord Meh Meh ay pino at kulot kaya mabilis

magbuhol-buhol. Nagkaroon ng ibang gawain si Jun Wu Xie… at iyon ay suklayan si Lord Meh

Meh araw-araw!

Nakahiga sa hita ni Jun Wu Xie, napakakomportable ng pakiramdam ni Lord Meh Meh,

nakapikit ang kaniyang mga mata sa tuwa at paminsan-minsan ay marahang umuunga.

"Little Xie, dumating na ang karwahe mula sa Crown Prince's Residence."sabi ni Fan Zhuo

matapos kumatok sa pintuan ng silid ni Jun Wu Xie.

Huminto sandal si Jun Wu XIe sa kaniyang ginagawa at ibinaba ang suklay sa lamesa. Dahil sa

kasiyahan na nararamdaman ni Lord Meh Meh, pakiramdam niya ay isang kabastusan na

magambala at ngayon ay binubuhat pababa sa lupa, ang kaniyang mata ay puno ng lumbay.

"Meh…" inangat nito ang kaniyang ulo at itinaas ang munting paa patungo sa damit ni Jun Wu

Xie, tila nagmamakaawa ito na ipagpatuloy ang ginagawa sa kaniya.

Yumuko si Jun Wu Xie at hinaplos ang malambot nitong balahibo bago matiyagang sinabi:

"Susuklayan kita mamaya."

"Meh…" nalulumbay pa rin si Lord Meh Meh.

[Ang maging pangit ng mahabang panahon at ngayon ay tumutubo na muli ang balahibo nito

nabigla ay naabala! Ang lungkot ay "meh"!]

avataravatar
Next chapter