856 Ang Pagbisita sa Presinto (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung mamamatay si Qu Ling Yue, paniguradong hihilingin ng Thousand Beast City ang buhay mo bilang kapalit. Alam kong mataas ang prinsipyo mo, Jun Xie pero mas mahalaga ang buhay mo. Hindi ka magagawang protektahan ng Zephyr Academy kapag nagalit sa'yo ang Thousand Beast City." Saad ni Lei Fan. Bakas sa boses nito ang pag-aalala. 

"Oh? Kung gayon, anong nasa isip mo, Kamahalan?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Bumakas ang tuwa sa mga mata ni Lei Fan ngunit agad ding naglaho. Muling bumakas ang pag-aalala sa mukha nito saka nagsalita: "Jun Xi, kahit na hindi ako maikukumpara sa aking Royal Brother na tagapagmana ng trono ng Yan Country, ako pa rin ang Fourth Prince ng Yan Country. Kung ikaw ay magiging study partner ko, magagamit ko ang pagkapaborito sa akin ng aking Papa para hilingin ang proteksyon sa'yo. Syempre...plano lang ito na pabor sa iyo. Kung hindi ka mananatili sa akin pagkatapos nito, hindi kita pipilitin! Gusto lang kitang tulungan."

Hindi sumagot si Jun Wu Xie.. Nagpatuloy lang itong titigan si Lei Fan na parang may hinahanap sa mukha nito.

Umaasa nalang nakatayo si Lei Fan.

Maya-maya ay umiling si Jun Wu Xie.

"Salamat sa pag-aalala, Kamahalan. Pero hindi ko kailangan."

Muling tinanggihan ni Jun Wu Xie ang alok nito. Nanigas sa kinatatayuan si Lei Fan. Hindi niya akalaing kahit magipit na si Jun Wu Xie ay mananatili pa rin itong matigas at tatanggihan siya. Pinilit nitong magpakita ng hindi pagkaapekto sa pagtanggi ng Jun Wu Xie.

"Dahil ba sa aking Royal Brother kaya ka tumatanggi?"

"Paano mo naman nasabi iyon?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Tumawa si Lei Fan: "Alam kong malapit ka sa aking kapatid. Bilang ang kapatid ko ang magiging tagapagmana ng trono, natural lang na hindi ako makakatumbas sa kaniya. Pero Jun Xie, hindi mo ba napansin? Sa mga araw na narito ka sa kulungan, binisita ka man lang ba ng kapatid ko? Gumawa ba siya ng paraan para mailabas ka dito? Sa kakayahan mo, natural lang na gusto kang makuha ng kapatid ko. Pero hindi ordinaryong tao si Qu Ling Yue. Siya ang Young Miss ng Thousand Beast City. Sa totoo lang, matagal nang gusto ng kapatid ko na pumanig sa kaniya si Qu Ling Yue. Nagpapakita siya ng kabaitan kay Qu Ling Yue pero ang totoo niyan ay gusto niya ang pwersang nasa likod nito---ang Thousand Beast City!"

Ngayong napinsala mo si Qu Ling Yue, kailangan kang isakripisyo ng akong Royal Brother. Jun Xie, kahit gaano ka pa kalakas, sa mata ng kapatid ko, wala kang binatbat sa pwersa ng Thousand Beast City. Alam mo bang sa ilang araw mong nakakulong dito, ilang beses na nagpunta sa inn ng War Banner Academy para kumusta hin ang kalagayan ni Qu Ling Yue? Sa ginagawa niyang iyon, wag mong sabihing hindi mo pa rin nababasa ang intensyon niya? Iiwan ka niya sa ere habang pinapangalagaan ang kaniyang relasyon sa Thousand Beast City!" Nawawalan na ng kontrol si Lei Fan habang nagsasalita. Mahigpit na nakahawak ang kamay nito sa selda. 

Tumingin lang dito si Jun Wu Xie. Ang kalmado nitong itsura ay mas lalong nakapagpainis kay Lei Fan.

"Masyado nang malayo ang naisip mo, Kamahalan. Hindi naman ako umaasang ilalabas ako dito ng Mahal na Crown Prince." Mahinang sagot ni Jun Wu Xie.

"Bakit tinatanggihan mo pa rin ang suhestiyon ko kung ganon? Totoo ako sa pagtulong sa'yo!" Madiin ang pag bitaw ni Lei Fan sa bawat salita.

"Hindi ka nararapat na nagpupunta sa bilangguan, Kamahalan. Mabuti pa siguro kung umuwi ka na." Saad ni Jun Wu Xie at nagbabad ng tingin. Kalmadong pinapaalis na ang kaniyang bisita.

avataravatar
Next chapter