855 Ang Pagbisita sa Presinto (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makarating ang karwahe sa Crown Prince's Residence, agad na umalis si Jun Wu Xie kasama si Qiao Chu. Tinanggihan nila ang alok ni Lei Chen na doon na maghapunan.

"Kumusta?" Nagsalin si Fan Zhuo ng maligamgam na tubig at inabot iyon ay Jun Wu Xie.

"Mayroon pang hindi mapapansin sa tingin lang." Saad ni Jun Wu Xie. Tinanggap nito ang inabot na tasa ni Fan Zhuo.

"May napansin ka ba?" Kumpiyansa si Fan Zhuo sa kakayahan ni Jun Wu Xie w pagdating sa medesina. Dahil siya mismo ay naging pasyente na nito.

Tumango si Jun Wu Xie ngunit wala itong intensyong ilahad sa kaniyang mga kasama ngayon.

"Makikipagpalit ako kay Brother Hua mamaya. Kung mayroon kayong balitang maagap tungkol kay Qu Ling Yue, puntahan niyo ako." Saglit na tumigil si Jun Wu Xie at humarap kay Fei Yan: "Sa susunod na mag-imbestiga ka kay Qu Ling Yue, tignan mong mabuti kung mayroon bang pasa o sugat sa likod ng tenga ni Qu Ling Yue."

Kahit na hindi naiintindihan ni Fei Yan kung ano talaga ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie, tumango na lang siya.

Noong gabing iyon, bumalik si Jun Wu Xie sa kaniyang kulungan para makipagpalit kay Brother Hua. Ilang sandali lang pagkatapos nilang magpalit ay may dumating nabisita.

"Jun Xie!" Malinaw ang boses ng binatang tumawag sa kaniya..

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at nakita ang Fourth Prince, Lei Fan, nakatayo sa labas ng kulungam.

Inaasahan niya nang darating ito.

Lihim na tumawa sa loob-loob si Jun Wu Xie.

"Bakit kayo naparito Kamahalan?" Tanong ni Jun Wu Xie. 

"Jun Xie, nahihirapan ka siguro dito. Nabanggit ni Papa ang tungkol sa'yo kaya nalaman kong nakakulong ka dito. Alam kong hindi mo kayang gawin ang ibinibintang sa'yo." Saad ni Lei Fan. Ang itsura nito ay nag-aalala para kay Jun Xie.

Nakakagat si Lei Fan sa kaniyang labi at labis ang pag-aalala sa mukha habang nakatingin kay Jun Xie.

"Bago mangyari ito, kahit na tinanggihan mo ang imbitasyon ko, gusto pa rin kita. Ayaw mo man na maging study partner ko, pero gusto ko pa ring maging kaibigan ka. Nang malaman kong ikinulong ka dito, paano ko magagawang manahimik na lang?"

"Maraming salamat Kamahalan sa pag-aalala, pero ayos lang ako dito." Saad ni Jun Wu Xie na hindi man lang natinag.

"Hindi mo kailangang magpanggap." Nagpakawala ng buntong-hininga si Lei Fan saka nagpatuloy: "Paano ka magiging ayos sa lugar na ganito? Dahil ang napinsala mo ay ang Young Miss ng Thousand Beast City, ngayon hindi ka nila papalampasin."

Nagpakita ng mas malalim na pag-aalala ang ekspresyon sa mukha ni Lei Fan.

Lihim na tumawa si Jun Wu Xie sa kaniyang sarili. Ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa taong nasa kaniyang harapan. Pinanood niya lang ang ekspresyong nasa mukha ni Lei Fan.

"Tama o mali, lalabas din ang katotohan."

Sumagot naman si Lei Fan: "Ang dali mong sabihin 'yan. Pero alam mo bang wala pa ring malay ang Young Miss ng Thousand Beast City? Ipinatawag na ni Papa ang lahat ng magagaling na duktor maging ang mga Imperial Physicians. Pero hindi pa rin nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan si Qu Ling Yue. Sikreto pa akong nagtungo roon para personal na tanungin ang kalagayan ni Qu Ling Yue, sinabi nilang mukhang hindi na nga raw ito magtatagal."

avataravatar
Next chapter