367 Ang Pagbangon ng East Wing (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Magkasalubong ang kilay ni Yan Bu Gui. Ayaw niyang masangkot si Jun Wu Xie sa mga ganitong bagay.

Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay sumagot na si Jun Wu Xie: "Tara na."

Nagawa nitong patumbahin ang Qing Yun Clan. Ano ang laban sa kaniya ng headmaster?

"Mabuti! Hihintayin ko kayo sa silid aklatan ng headmaster!" Agad na umalis si He Qiu Sheng matapos sabihin iyon.

Pagkaalis ni He Qiu Sheng, agad na lumambot ang tingin sa mata ni Yan Bu Gui habang nakatingin kay Jun Wu Xie.

"Jun Wu Xie, hindi mo kailangang..."

"Pupunta ako." Buo ang loob na saad ni Jun Wu Xie. Bago kay Jun Wu Xie ang paninilbihan bilang disipulo sa kaniyang Master, kung kaya naman nakabase lang siya sa mga kilos nina Qiao Chu at ng mga kasama nito.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Yan Bu Gui. Alam niyang hindi gaanong nagsasalita si Jun Wu Xie at alam niya din na pag may sinabi ito ay gagawin niya talaga. Anumang lumabas sa bibig nito ay nangyayari at hindi ganon kadaling mabago.

Ibinigay ni Jun Wu Xie ang itim na pusa kay Rong Ruo saka umalis kasama si Yan Bu Gui patungo sa headmaster.

Nadaanan nila ang ilang disipulo ng Phoenix Academy sa kanilang pagtungo sa headmaster. Nang makita nila si Jun Wu Xie na kasama si Yan Bu Gui, nagsimula ang mga itong magbulungan ng malakas. Para bang wala itong pinapakita ng pag respeto kay Yan Bu Gui bilang Master sa academy.

Sanay na si Yan Bu Gui sa kawalang respeto ng mga ito, at hindi na siya apektado. Ngunit ngayon, sumulyap ito kay Jun Wu Xie na para bang nanghihingi ng paumanhin na kailangan itong maranasan ni Jun Wu Xie.

Ngunit parang hindi naman apektado si Jun Wu Xie. Napansin ni Yan Bu Gui na Diretsong naglalakad lang ang kaniyang disipulo at walang pakialam sa paligid

Nag-aalala siyang mararanasan ni Jun Wu Xie ang dumaan sa ilalim ng mga mapangkutyang tingin ng mga disipulo at maapektuhan non.

Subalit nagkamali si Yan Bu Gui!

Bago nagpasimuno si Jun Wu Xie na baguhin ang pamamalakad sa Qi, sira rin ang reputasyon nito. Mas malala pa ang mga tingin ibinabato sa kaniya noon. Ngunit...

Kailanman ay hindi siya naapektuhan niyon. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie ang mga ito.

Ang orihinal na Phoenix Academy ay may malawak na campus, ngunit nang muli itong itinayo pagkatapos ng sunog ay lumiit na ito. Dahil sa kakulangan sa pera, ang mga gusali sa academy ay hindi gaanong napaganda at napangalagaan. Kung titignan ito ay halata nang kinulang ito sa budget.

Maliit lang ang opisina ng headmaster at nagbabalat na ang pintura sa pader. May mga damo na ring tumutubo sa hagdan paakyat doon at ang buong lugar ay mapanglaw.

Nang kanilang buksan ang pinto, nasalubong ng kanilang tingin ang isang matandang balbas sarado at nakaupo sa likod ng mesa nito. Lumalim naman ang tingin nito sabay ng pagtayo ni He Qiu Sheng sa kabilang sulok ng silid. Minamata nito si Yan Bu Gui at ang bago nitong disipulo. Naabutan nilang nagsusumbong ito sa headmaster.

Nang makita nito ang pagdating ni Yan Bu Gui at Jun Wu Xie, mas lalong lumakas ang kaniyang boses.

Bakas ang kaba sa mukha ni Yan Bu Gui habang kalmado naman ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie na para bang hindi patungkol sa kaniya ang mga reklamong kaniyang naririnig.

"Headmaster, tignan mo sila. Ito ang dalawang sumusuway sa iyong mga tuntunin! Binilang ko na ang mga numero kanina, at sa loob lang ng ilang araw dumoble iyon ng sampung beses! Kung papatuluyin pa natin sila dito, baka hatakin nila pababa ang Phoenix Academy kasabay nila!" Pagpapatuloy ni He Qiu Sheng.

Nang mabanggit ang pera, ang walang ganang ekspresyon ng headmaster ay agad na nagbago. Nag-angat ito ng tingin at tinitigan sina Yan Bu Gui at Jun Wu Xie.

"Bu Gui, kailan ka magbabayad ng iyong dapat na bayaran? Hindi ka na namin maaantay. Hinayaan mo pa ang iyong disipulo na magdulot ng pinsala sa disipulo ng South Wing. Kapag umabot ang balitang ito sa magulang ng batang iyon, hahanapin ka ng mga magulang non! At kapag nagdesisyon silang hindi na patuluyin ang kanilang anak dito, mababawasan tayo ng isa sa pinagkukuhanan natin ng pondo!" Halos pasigaw na saad ng headmaster kay Yan Bu Gui. Madilim ang ekspresyon sa mukha nito.

avataravatar
Next chapter