366 Ang Pagbangon ng East Wing (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi maikubli sa mga mata ni He Qiu Sheng ang galit habang nakatitig ito kay Yan Bu Gui at sa mga disipulo nito.

"Yan Bu Gui! Hindi ka pa nakakabayad sa academy at ngayon ay tinuturuan mo ng kaharasan ang iyong mga disipulo!? Tapos ngayon ay kampante ka ditong umiinom ng wine!?"

Bahagyang napangiti si Yan Bu Gui habang mahigpit na napakapit sa kaniyang wine jar. Wine? Saan siya kukuha ng pambili ng wine? Tubig ang laman ng wine jar at ang natira na lang doon ay ang amoy ng wine na dating laman non.

Ngunit hindi naman nagdahilan si Yan Bu Gui.

"Ikaw pala iyan Qiu Sheng, bakit ka naparito sa East Wing? Gusto mo bang pumasok at maupo?" Nakangiting tanong ni Yan Bu Gui.

Nagsusumakot ang tinging ibinibigay ni Yan Bu Gui ngunit alam nina Qiao Chu kung bakit Isinantabi nito ang puri nito.

Kung hindi sa apat na disipulo humila sa kaniya pababa at halos parang nagtali sa kaniyang mga kamay. Sa lakas ng spiritual power ni Yan Bu Gui, kaya nitong mamuhay ng masagana saan man sa Lower Realm.

"Mukhang wala lang sa'yo ah. Hayaan mong sabihin ko sa'yo Yan Bu Gui! Kung hindi mo ako bibigyan ng maayos na sagot, kahit na iligtas ka pa ng headmaster, hinding-hindi tayo magkakaayos! Tingin mo mag-aaksaya ako ng oras na tumapak sa basurahan mong ito? Kung hindi dahil sa utos ng headmaster na pumunta ka sa kaniya, hindi ko dudumihan ang sapatos ko dito!" Ang ugali ni He Qiu Sheng ay kaparehong-kapareho ng ugali ng kaniyang mga disipulo. Para sa kanila, ang East Wing ay tinitirhan ng mga pulubing katulad nila na ayaw umalis. Para sa Phoenix Academy, sila ay pabigat, mahihina at walang silbi.

Hindi makapag-isip ng maayos si Yan Bu Gui. Maaaring naayos niya ang ibang bagay, ngunit ngayon ay haharapin nito ang akusasyon ng pagkapahamak ng disipulo ni He Qiu Sheng, lumalala ang sitwasyon. Sa kaniyang pagkakatanda, ang mga disipulo ni He Qiu Sheng ay kulang sa talento, ngunit nakabuo ito ng grupo na naglalaman ng mga mayayaman sa lahat ng mga disipulo ng Phoenix Academy. Naeestimang ang halos kalahati ng perang pumapasok sa Phoenix Academy aay galing sa pamilya ng mga disipulo ng South Wing.

"Kung ayaw mo dito, umalis ka." Ang malamig na salitang iyon ay nakapagpatigil sa litanya ni He Qiu Sheng.

Nilingon ni He Qiu Sheng ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Sumalubong sa kaniyang tingin ang isang payat na batang lalaki at malamig na nakatitig sa kaniya.

"Sino ka sa akala mo!? Anong karapatan mong sumagot saakin ng ganon?!" Nanginginig sa galit si He Qiu Sheng. Hindi niya lubos maisip na ang isang hamak na disipulo lang ay ipapahiya siya ng ganon na lang.

Nag-angat naman ng noo si Jun Wu Xie at nagpatuloy na tinitigan si He Qiu Sheng.

"Disipulo ng East Wing, Jun Xie."

"Alam ko na! Ikaw ang pulubing kakapulot lang nila! Matagal-tagal ka na ring nagiging pabigat dito sa Phoenix Academy at hindi ka pa bayad! Higit sa lahat, ang lakas ng loob mong gulpihin ang disipulo ko!" Nang marinig ni He Qiu Sheng ang pangalang iyon, alam na niya na ito ang salarin sa East Wing na bumugbog sa kaniyang disipulo, dahilan para hanggang ngayon ay nakaratay pa rin ito. Sumabog na siya sa oras na iyon at mabilis itong lumapit kay Jun Xie. Nakataas ang kamay nito, para turuan ng leksyon ang bata.

Subalit bago pa man makalapat ang kamay na iyon. Mahigpit na iyong nahawakan ni Yan Bu Gui.

"He Qiu Sheng, hindi mo maaaring galawin ang aking mga disipulo dahil lang gusto mo." Matigas ang mga titig na ibinigay dito ni Yan Bu Gui. Tumagos sa puso niya ang mga sinabi ni Jun Wu Xie at hindi siya natahimik sa kakaisip noon. Ang mga salitang iyon ay nagdulot ng pagbabago sa kaniyang puso.

Kung siya ang gagalawin ay tatanggapin niya iyon kahit na ikakapahiya pa niya. Ngunit hindi siya makakapayag na galawin ng kahit na sino ang kaniyang mga disipulo!

Iyon ang unang beses na nakita ni He Qiu Sheng ang paraan ng pagtitig ngayon ni Yan Bu Gui. Isang simpleng titig lang iyon at ikinaputla niya na iyon.

Sa loob ng mahabang panahon, hindi siya lumalaban kahit na siya ay kinukutiya at minamaliit na. Ngunit ngayon, ang matatalim na titig na iyon ay tumakot kay He Qiu Sheng kaya naman natigil ang huli.

"Ikaw! Mabuti yan! Yan Bu Gui, mahusay yan! Ipagtatanggol mo pa ang batang iyan. Dalhin natin siya sa headmaster. Hayaan mong makita ng headmaster anong klaseng basura ang dinadala ng iyong mga hampaslupang disipulo!" Nagsisigaw itong animo'y pinagmalupitan. Binawi nito ang braso nito at nagpatuloy sa pagwawala.

avataravatar
Next chapter