797 Ang Muling Pagningning ng Zephyr (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Fan Jin ay tatango na sana ngunit nagbago ang kaniyang isipan at umiling: "Nagbalik sila ng maaga kanina at ang mga taong iyon ay mabilis na pinalibutan sila. Sa aking palagay ay hindi pa sila nakakarating sa kanilang mga silid."

Tumawa si Lei Chen. "Kung wala pa sila upang magpahinga, ay nais ko sanang imbitahan kayo upang sama-sama tayong maghapunan. Ayos lang ba iyon?"

"Kung iyon ang kaso… Akin munang titingnan." Alam ni Fan Jin na si Jun Wu Xie at ang mga kasama ay may ibang balak kay Lei Chen, ngunit hindi niya ala kung ano ang gagawin ni Jun Wu Xie at ng iba, kaya hindi niya ginawang magdesisyon para sa kanila.

Tumango si Lei Chen at mabilis na umakyat si Fan Jin upang tanungin si Jun Wu Xie at ang iba.

Tiningnan ni Lei Chen si Fan Jin habang ito ay paalis, at unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi nito.

Hindi niya inaasahan na mayroong mga tao ang Zephyr Academy na talentado. Siya ay nagtungo noon sa Immortal's Loft para lamang kay Jun Xie. Ngunit muli ay nagging malamig ni Jun Xie at hindi niya binigyan ng pagkakataon na mukha siya ni Lei Chen. Nais niyang maghirap muna ng bahagya si Jun Xie sa Spirit Battle Tournament upang malaman nito kung ano ang kalamangan ang maibibigay niya bilang isang Crown Prince.

Ngunit hindi niya akalain…

Ang limang kalahok mula sa Zephyr Academy ay nagtataglay na nakakalulang kapangyarihan!

Limang blue spirits, talagang hindi kapani-paniwala!

Mula sa ibang pananaw, ang limang indibidwal na iyon ngayon ay kasing-halaga na ni Jun Xie. Bagaman mahalaga ang Spirit Healing Technique, ang posibleng pagtatagumpay patungo sa Purple Spirit ay tulad ng isang bihirang kayamanan! At ang Zephyr biglang ipinadala ang lima sa paligsahan!

Matindi ang pasasalamat ni Lei Chen na mas pinili niya ang malapit sa Zephyr Academy dahil kay Jun XIe. Kung titingnan ang mga bagay ngayon, nararamdaman niya na mas madali niyang makukuha ang lima papunta sa kaniya.

Ngunit may mga bagay na hindi maintindihan ni Lei Chen. Ayon sa dato na nakuha niya tungkol sa mga kabataan, ang apat ay galing mula sa mga pinili sa branch division ng Zephyr Academy habang ang panglima ay ang nakababatang kapatid ni Fan Jin. Paano man niya tingnan ang lahat, tila hindi nila taglay ang antas ng blue spirit, ngunit ang mga katibayan ay napatunayan.

"Mayroon bang itinatagong lihim ang Zephyr Academy sa loob nito?" tanong ni Lei Chen sa sarili habang naninigkit ang mata. Sa ilang pagkakataon na nakausap niya si Fan Jin, alam niyang hindi ito nagbabalak ng kung anuman. Sa ibang bagay, mapapansin na hindi pa gaanong alam ni Fan Jin ang bagong pagkakatalaga sa kaniya bilang isang Headmaster. Sa umpisa ay walang nais si Lei Chen mula sa Zephyr Academy na bumagsak na, bukod sa departamento ng Spirit Healer, ay wala ng iba pa na mahalaga sa Zephyr Academy na nararapat sa kaniyang atensyon o interes.

Ngunit ngayon, nabago ang kaniyang opinion sa kanila.

Nang makarating si Fan Jin sa ikalawang palapag, nakita niya si Jun Wu Xie at ang iba pa na umiinom ng tsaa sa lamesa. Ibubuka pa lamang niya ang kaniyang bibig upang magsalita ng magsalita si Jun Wu Xie: "Sabihin m okay Lei Chen, pumapayag kami sa alok niyang hapunan."

Nang pumasok si Lei Chen sa Immortal's Loft, nakita nila mula sa bintana sa ikalawang palapag ang karwahe na mula sa Crown Prince's Residence.

Ang bilis ng pagdating ni Lei Chen ay mas mabilis sa inaasahan ni Jun Wu Xie.

Natahimik si Fan Jin bago nagtanong: "Sigurado ka?" kahit hindi siya kasing talino ni Fan Zhuo, kahit paano ay nahuhulaan niya ang tunay na motibo sa kilos ng mga tao. Ang katotohanan sa pribadong imbitasyon ni Lei Chen sa kanila ay hindi lingid sa kaniyang kaalaman, at imposibleng hindi rin iyo alam ni Jun Wu Xie.

Ang pagtanggap sa imbitasyon ni Lei Chen, nangangahulugan iyon na…

Tumango si Jun Wu Xie. "Upang maiwasan ang kaguluhan."

Ang grupo ay hindi nagtungo doon para sa katanyagan at kayamanan. Sa dami ng tao na nagtutungo pumapasok sa Immortal's Loft, hindi iyon magandang balita para sa kanila.

Nag-isip muna si Fan Jin bago ito umalis at bumaba, dala kay Lei Chen ang sinabi ni Jun Wu Xie.

Ang katotohanan sa bilis ng sagot kay Lei Chen ay nagpagulat sa kaniya. Hindi niya alintana na ang mga tao mula sa Zephyr Academy ay hindi nagging malugod sa kaniya. Ang totoo nga ay inihanda na niya ang kaniyang sarili na tatanggihan siyang muli at hindi naisip…

Na makakakuha siya ng magandang sorpresa!

avataravatar
Next chapter