796 Ang Muling Pagningning ng Zephyr (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano sa iyong palagay Little Xie?" pinili pa rin ni Fan Zhuo ang nais na si Jun Wu Xie ang magdesisyon sa puntong iyon, ang mga desisyon ni Jun Wu Xie ay hindi kailanman nagdala sa kanila sa kapahamakan.

Kalmadong tumingin si Jun Wu Xie kay Fan Zhuo at sa iba pa. Anuman ang sinabi ni Fan Zhuo sa kanila, ay naisip na niya iyon noon pa man. Ngunit sabi na rin ni Fan Zhuo, ang pinakamagandang gawin nila sa ngayon ay ang dumikit kay Lei Chen. Kunsabagay, ginawa na ni Lei Chen ang unang hakbang para sa kanila at maging ito man ay para pahinain ang loob ng mga talent scouts o upang mapadali ang paghahanap sa mapa, ang pagdikit kay Lei Chen ang maganda para sa kanila.

"Gagawin natin yan." Sang-ayon ni Jun Wu XIe.

"Kaya, kailangan na ba natin magtungo sa Crown Prince's Residence ngayon?" tanong ni Qiao Chu. Tanda niya ang naging asal ni Jun Wu Xie kay Lei Chen sa dalawang pagkakataon na nakasalamuha nila ito ay malamig at walang interes.

Umiling si Jun Wu Xie.

"Darating siya at iaalok ang kaniyang sarili."

Kung nagawa ni Lei Chen na magtungo noon sa Immortal's Loft dahil sa Spirit Healing, matapos ng ipinakitang kakaibang kapangyarihan ni Qiao Chu at ng mga kasama ay siguradong matatanto ni Lei Chen na kahit bagsak na ang Zephyr Academy ang halaga nito ay mas higit pa rin, at hindi niya hahayaan na mawala sa kaniya ang pagkakataon na iyon.

At nagkatotoo nga ang sinabi ni Jun Wu Xie kani-kanina lamang.

Habang si Fan Jin ay abala pa rin sa paghawak sa mga talent scouts at mga tao na mula sa iba't ibang kapangyarihan, ang karwahe mula sa Crown Prince's Residence ay huminto sa tapat ng pintuan ng Immortal's Loft. Bumaba mula sa karwahe si Lei Chen at nakita niya ang napakaraming tao sa loob ng Immortal's Loft.

Isang sulyap lang at naningkit ang mata ni Lei Chen. Ngunit ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay madaling napalitan ng ngiti, katulad ng nakasanayang nakakaaliw at mabait na Crown Prince habang mabagal siyang naglakad sa bulwagan.

Lahat ng naroon na nais kunin ang mga disipulo mula sa Zephyr Academy ay biglang nakita si Lei Chen. Biglaang tumahimik ang lahat at ang kanilang mata ay nakatuon sa Crown Prince.

"Masaya ako na ang lahat ay may mataas na pagkilala sa Zephyr Academy. Ngunit ang Spirit Battle Tournament ay kasisimula pa lamang at kahit ano pa man ang kailangan niyo sa kanila, maari ko bang hilingin sa lahat na hayaan muna ang mga disipulo ng Zephyr Academy na magpahinga." Marahan at magiliw ang boses na sabi ni Lei Chen, isang malaking ngiti ang nasa kaniyang mukha.

Nang malaman ng lahat ang tungkol sa mga disipulo ng Zephyr Academy, ang mga tao sa Immortal's Loft ay matatalino. Ang pagpapaalis ni Lei Chen ay mahusay na nasabi. Nagpakuta siya ng respeto sa lahat at matatag na pinarating ang nais niya.

Sa mga oras na iyon, ang mga tao mula sa iba't ibang kapangyarihan ay nagtipon sa Imperial Capital ng Yan Country, at wala sa kanilang hangal na sumalungat sa nais ng Crown Prince. Ang lahat ay asiwang ngumiti at tumango at lumabas isa-isa sa Immortal's Loft.

Bawat isa sa mga iyon ay nakitaan ni Lei Chen ng interes sa Zephyr Academy at nais man nilang makipagkumpetensya, alam nilang wala silang laban sa Crown Prince ng Yan Country.

Nang mabawasan ang dami ng tao, ang pagod na si Fan Jin saw akas ay nakahinga na rin ng maluwag. Ang makipag-usap sa napakaraming tao ng sabay-sabay ay talagang isang hamon sa kaniya. Ang kaniyang mukha ay nanigas na dahil sa pagngiti at ang kaniyang lalamunan ay natuyo na at inakalang usok na ang lalabas sa mga susunod na sandal.

"Malamang ay nahirapan si Headmaster Fan. Sinuman sa inyo ay maghanda ng isang tasa ng tsaa ng chrysanthemum para kay Headmaster Fan." Utos ni Lei Chen, nakangiti siya kay Fan Jin habang inuutusan ang tagpangasiwa ng Immortal's Loft na maghanda.

"Salamat Inyong Kamahalan sa inyong kabutihan." Malat na ang boses ni Fan Jin at tanging pagngiti na lamang ang nagawa niya kay Lei Chen.

Sumagot si Lei Chen: "Headmaster Fan, ika'y pusposan ang pagtatrabaho. Nalaman ko na ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay talaga namang magagaling at ang itinanghal nila ngayon ay nagpakita sa lahat ng nasa Capital City kung ano ang kaya pa nilang gawin. Nangangamba akong hindi ito matatapos ngayon lang at sa aking palagay ay magpapatuloy ang pagpapahirap sa aming Headmaster Fan sa mga darating na araw."

Mapait na ngumiti si Fan Jin at umiling.

Tumingin sa ikalawang palapag si Lei Chen at kunwa'y walang pakialam na sinabi niya: "Sila ba ay nasa itaas na upang magpahinga?"

avataravatar
Next chapter