795 Ang Muling Pagningning ng Zephyr (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang pagkakaroon ng isang ring spirit na mula sa halaman ang nagpuwersa kay Jun Wu Xie na tumayo laban sa pag-uusig ng Twelve Palace, at sa isang pagkakataon ay hihilingin ng tao na sana ay hindi nila taglay ang kakaibang ring spirit.

"Pagkatapos ng labanan ngayon sa iba't ibang arena, ang reputasyon ng Zephyr Academy muli ay umakyat sa tugatog. Natatakot lamang ako na ang sitwasyon ngayon ay paulit-ulit na mangyayari, at kung ayaw na natin na ipagpatuloy pa ang pakikisalamuha sa mga taong iyon, kailangan nating humanap ng angkop na paraan upang mabago ang sitwasyon." Saad ni Rong Ruo na nakatingin sa kaniya at sa mga kasama.

Ang dahilan kung bakit sila sumali sa Spirit Battle Tournament ay upang maitaas muli ang reputasyon ng Zephyr Academy, ngunit dahil silang lahat ay hindi na babalik sa Zephyr Academy pagkatapos ng Spirit Battle Tournament, ay hindi nila matatanggap ang imbitasyon at alok mula sa iba't ibang bayan. Ngunit hanggang sa ipagpapatuloy nila ang pamamalgi sa Imperial Capital, at patuloy sa pagsali sa paligsahan, ang reputasyon nila ay hindi lamang magpapatuloy sa pag-unlad, pati ang bilang ng tao na lalapit sa kanila at maghahayag ng kanilang imbitasyon at alok sa pagtangka na masungkit sila ay magpapatuloy sa pagdami

"Ang madaling paraan ay ilakip natin an gating mga sarili sa isang kapangyarihan." Saad ni Fan Zhuo habang ikinakatok ang kaniyang daliri sa ibabaw ng lames.

Kung makikita na ibinigay nila ang kanilang katapatan sa isang kapangyarihan, ang iba ay titigil na sa pagtangka sa kanila at hahanap nang iba.

"Si Lei Chen?" nakataas ang kilay na tanong ni Lei Chen. Naaalala pa rin niya ang dalawang pagkakataon na nakasalamuha si Lei Chen, nagpakita ito ng mataas na "interes" sa Zephyr Academy.

"Si Lei Chen ay nagpakita ng malakas na interes sa Zephyr Academy, ngunit imbes na sabihing interesado sa Zephyr Academy sa kabuuan, masasabi ko na ang kaniyang atensyon ay nakatuon kay Little Xie." Tumingin si Fan Zhu okay Jun Wu Xie. "Bagaman sa parehong okasyon ay sinubukan niyang itago ang interes kay Little Xie, ang sinasadyang malambing na pagtawag gayunman ang anglantad ng tunay niyang nais. Kung tama ako, ang pagkakilanlan ni Little Xie sa Zephyr Academy ay nabunyag na sa kaniya."

"Nabunyag? Ano ang ibig mo sabihin?" tanong ni Qiao Chu na kinakamot ang ulo, ang isip niya ay naguguluhan.

Patuloy sa pagpapaliwanag si Fan Zhuo: "Bilang isang disipulo ng departamento ng Spirit Healer, ang nag-iisa at bukod-tanging kinilala ni Gu Li Sheng, at ang tanging disipulo na muling binuo ang Spirit Healing Technique."

"Paanong nalaman ni Lei Chen ang lahat ng iyon?" tanong ni Qiao Chu.

"Bagaman malayo ang Zephyr Academy sa Yan Country at hindi matatanggap ni Lei Chen ang balita tungkol sa paaralan sa madaling panahon, huwag nating kalimutan na malaking parte ng mga didipulo ng Zephyr Academy ang umalis at karamihan sa kanila ay nasa iba't ibang paaralan sa buong kalupaan. At kung nagkaroon ng interes si Lei Chen sa Zephyr Academy, magpapadala siya ng mga tauhan upang mangalap ng tungkol sa ating pagkakakilanlan. Ang pagkakakilanlan ni Brother Hua, Qiao Chu, Little Yan, Little Ruo at ako ay malinaw at madaqling maintindihan. Kayo ay naitalaga sa main division mula sa mga napiling branch ako naman ay ang pangalawang anak ng Fan Family. Ngunit ang pagkakakilanlan ni Little Xie ang pinaka-pambihira sa ating lahat." Huminto saglit si Fan Zhuo, isang malambing na ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha.

"Sa aking palagay, hangga't hindi tanga si Lei Chen, ay malalaman niya ang pahiwatig sa buhay ni Little Xie. Imposibleng masungkit si Gu LI Sheng mula sa Zephyr Academy at laban sa kakaibang pagkakakilanlan ni Gu Li Sheng, maging si Lei Chen ay kailangan timbangin at isaalang-alang ang kaniyang mga pipiliin sa kaniyang mga balak. Ngunit ang katulad ni Little Xie na bagaman bata pa lamang, gayunman ay taglay ang kaalaman ng Spirit Healing Technique na kumalaban sa harapan mismo ni Gu Li Sheng, bakit hahayaan mawala ni Lei Chen ang katangi-tanging pagkakataon ?"

"Matapos lahat ng nasabi, ang dahilan ba kung bakit nagtungo si Lei Chen dito noon ay sa nais niyang makuha si Little Xie?" naging malinaw na lahat kay Qiao Chu. Nagtataka siya kung bakita magiliw siya kay Little Xie noon at ang naisip niya ay nadiskubre ni Lei Chen ang tunay na kasarian ni Jun Wu Xie. Sa huli… masydong malawak ang kaniyang naisip!

"Batay sa nais nating mahanap dito, ang pagkabit n gating mga sarili kay Lei Chen ang pinakamagandang dahilan na pwedeng gawin." Pasiya ni Fan Zhuo.

avataravatar
Next chapter