792 Ang Muling Pagningning ng Zephyr (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang namumulang mukha ni Qu Ling Yue na parang malapit na itong maluto at napataas ang kilay ni Jun Wu Xie. Matapos maghintay ng ilang sandali, napansin ni Jun Wu Xie na hindi pa rin nagsasalita si Qu Ling Yue at patuloy pa rin sa pamumula ang mukha nito at bigla itong tumalikod at tumakbo palayo habang tinatakpan ang mukha nito.

"…" hindi talaga naiintindihan ni Jun Wu Xie ang kilos ng mga tao.

"Meow?"

[Anong problema niya?]

Tumalon ang pusang itim sa balikat ni Jun Wu Xie, tamad nitong winasiwas ang kaniyang buntot.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at hinimas ang baba ng pusang itim, iwinaksi niya sa kaniyang isipan ang kakaibang ikinilos ni Qu Ling Yue sa kaniyang isip.

Nang makabalik si Jun Wu Xie sa Immortal's Loft, tanging si Fan Jin lamang ang naroon, ang iba ay hindi pa nakakabalik, naisip ni Jun Wu Xie na marahil ang nabunot na numero ng kanilang mga kasama ay nasa unahan. At dahil walang ibang magawa si Jun Wu Xie, ipinagpatuloy na lamang niya ang paggawa ng mga elixir.

Habang nakakulong si Jun Wu Xie sa kaniyang kuwarto at inabala ang sarili sa kaniyang mga elixir, karamihan sa battle arena sa buong Yan Country's Capital city ay biglang sumabog dahil sa kaguluhan!

Sa Spirit Battle Tournament ngayong taon, ang Zephyr Academy ay hindi nakita na magiging banta at lahat ng kabataan na nakabunot sa mga disipulo mula sa Zephyr Academy bilang kanilang kalaban ay hindi nakaramdam ng kahit konting kaba di tulad ng mga nagdaang taon. Na Ngunit ang kanilang pagiging kalmado at pagkasabik sa kanilang mga kalaban ay mabilis na nadurog ng pinong-pino.

Bawat battle arena na may laban ang disipulo mula sa Zephyr Academy ay talagang sumabog dahil sa kakaibang tensyon! Si Hua Yao at ang iba pa na hinamak ng lahat ay tinalo ang kanilang mga kalaban ng ilang segundo lamang at ang lahat ay biglang nagpakita ng matindi at hindi mapigilang paghanga!

Walang patawad at sa ilalim ng hindi mababago na mga pangyayari!

Kung nangyari lamang iyon sa isang distrito malamang sabihin na iyon ay nagkataon lamang. Ngunit nangyari iyon sa limang iba't ibang distrito kaya ang ibang mga paaralan ay talagang nagulat!

Kahit na ang Zephyr Academy ay nasa tuktok ng kanilang kalakasan ay hinid nila nagawa na magtipon ng isang grupo ng mga disipulo na may nakakabaliw na kapangyarihan. Bawat isa sa limang kalahok mula sa Zephyr Academy ay blue spirits! At walang eksepsyon! !

[Labing anim at labing pitong taon na blue spirits!]

[Anong uri ng kahibangan iyon! ?]

Sa parehong sandali, nang ipakita ni Hua Yao at ng iba pa ang kanilang spirit powers, ang buong battle arena ay biglang tumahimik. Ang sumunod ay ang walang duda na pagkatalo ng kanilang kalaban na nangyari lamang sa isang kisapmata. Silang lima ay may limang iba't ibang laban, sa limang iba't ibang district ay nanguna sila sa kanilang mga kalaban, walang awa na sinampal ang mukha ng lahat na mababa ang tingin sa Zephyr Academy!

At isa iyong malakas na sampal na yumanig sa buong Capital city!

Sa loob lamang ng maiksing oras ng kalahating araw, ang mabangis na katanyagan ng Zephyr Academy ay kumalata sa buong Capital city ng Yan Country. Nang matanggap ni Lei Chen ang balita na nakupo noon sa loob ng Crown Prince's Residence, ang kaniyang panulat na hawak ay naputol sa dalawa.

[Limang labing anim at labing pitong taong gulang na mga blue spirits?]

[Paano nangyari iyon ! ! ?]

Sa unang araw ng paligsahan, ang mga kapangyarihan nila Hua Yao at ng iba pa ay pumuno sa bibig ng lahat, at sa mga sandaling iyon, ang Zephyr Academy muli ay naging paboritong paksa ng mga debate sa bawat paaralan.

Ang hirap ng mga pagsubok upang linangin ang spirit power ay alam ng lahat, hindi na kailangan pang sabihin pati ang pagkamit ng blue spirit sa edad na labing anim at labing pito, maging ang maabot ang rurok ng orange spirit sa ganoong edad ay nangangailangan ng mataas na kakayahan. Upang makapunta sa yellow spirit ay nangangahulugan lamang na ang taong iyon ay kailangan niya ang himala at sa dami ng mga paaralan, bukod ang Dragon Slayers at War Banner, walang disipulo ang nakagawa na makamit ang yellow spirit.

At ngayon, ang Zephyr Academy ay nagawang basagin at sirain lahat ng nakagawian at walang sabi na itinapon hindi lang isa, kundi limang blue spirit!

[Ano ang mangyayari sa Spirit Battle Tournament mula doon?]

Ang hindi malutas na pagkakaiba sa karamihan ng antas ng spirit power level, at ang kanilang kumpleto at tiyak na pangingibabaw sa mga laban, ang karangalan at reputasyon ng Zephyr Academy ay mabilis na naibalik, nagdala ng walang awing sampal sa lahat ng manonood na naghihintay na mapahiya ang Zephyr Academy. Ang biglang paglabas ng limang blue spirit ay nagpa tuliro sa lahat ng mga nagtatagong talent scout sa Imperial Capital na ipinadala mula sa iba't ibang malalakas na bayan!

avataravatar
Next chapter