692 Ang Muling Pagkikita (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Iba't ibang tao ang dumating sa Zephyr Academy mula sa Twelve Palaces at nagkataon iyon sa

pagkamatay ni Fan Qi. Sa puntong iyon, maaaring isispin na ang pagkamatay ni Fan Qi ay hindi

dahil sa plano ni Ning Rui lamang. Maaaring kasabwat din ang Twelve Palaces!

Hindi nakakapagtaka na mabilis naisakatuparan ni Ning Rui ang dapat gawin.

Walang salitang lumabas si Jun Wu Xie ngunit lahat ng mga nangyayari ay patuloy niyang

pinag-aaralan.

Ang pagpapakita doon ni Gu Ying ay hindi inaasahan. Hula ni Jun Wu Xie na kaya ito nagpakita

sa kaniya at sinasabing siya ay kaniyang Senior ay upang hikayatin siya na ipagkaloob sa kaniya

ang Spirit Healing Technique.

Ang Spirit Healing Technique ay ginawa ni Gu Li Sheng at walang nakakaalam nito kahit sino sa

Middle Realm. Ang kapangyarihan ay sobrang makakaakit sa kahit anong kapangyarihan sa

Middle Realm at pagkatapos magtagumpay ni Jun Wu Xie na paghusayin ang Spirit Healing

Technique ay nakita na lamang niya ang kaniyang sarili na puntirya ni Gu Ying.

Ang Zephyr Academy ngayon ay isang malaking lugar na puno ng kaguluhan.

Tumawa si Jun Wu Xie sa kaniyang isip.

[Isang sugal ang kapalaran ng Zephyr Academy at ang mananalo ay hindi pa

napagdedesisyunan!]

Pinanood ni Gu Ying si Jun Wu Xie na umalis at kaniyang sinipa si Ah Jing sa tagiliran nito. Ang

kasiyahan sa kaniyang mukha ay unti-unting nawala at napalitan iyon ng masamang aura.

"Iyon ay...nag-iwan ng masamang lasa sa aking bibig." marahang saad ni Gu Ying sa kaniyang

sarili. Sumulyap siya kay Ah Jing at tuluyan ng umalis sa kakahuyan.

"Young... Young Master Gu..." nag-aantay sa pintuan ng tahanan sa kakahuyan ay isang

binatilyong nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy. Siya ay nininerbiyos at nanginginig sa

takot ng makita si Gu Ying na palabas sa pintuan, ang mga mata'y puno ng kilabot.

Tumingin sa kaniya si Gu Ying at ngumiti. Bago pa man makapagsalita ang binatilyo ay bigla na

lamang siya sinakal ni Gu Ying!

Isang matalim na tunog ng bali ang pumailanlang sa hangin at ang binatilyo ay wala ng

pagkakataon na pumiglas bago maputol ang kaniyang ugat. Ang mga puting buto ay lumabas

sa kaniyang balat paikot sa durog na leeg at maya-maya pa ay umagos ang pulang dugo mula

roon na bumalot sa buong kamay ni Gu Ying.

Malalim buntong-hininga ni Gu Ying, huminga siya sa malapot at masangsang na amoy ng dugo

at siya ay ngumiti.

"Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon."

Tanging ang walang kwentang pagpaslang lamang ang makapagbibigay sa kaniya ng kasiyahan!

Ang nasiyahan na si Gu Ying ay itinapon ang patay na katawan ng binatilyo sa lupa at umalis

na.

Nakahiga sa sarili niyang dugo ang binatilyong iyon ay hindi inaasahan na siya mismo ang

magdadala ng sarili niyang kamatayan.

Dumiretso si Gu Ying sa opisina ni Ning Rui na binabantayan sa labas ni Gong Cheng Lei na ng

makita si Gu Ying ay yumuko at pumunta sa gilid ng pintuan.

Hindi siya tiningnan ni gu Ying at madali ng pumasok sa loob ng opisina.

Ang opisinang iyon ay dating pagmamay-ari ni Fan Qi at pagkatapos ng kaniyang kamatayan ay

napunta kay Ning Rui. Kasalukuyang nakaupo si Ning Rui sa likod ng lamesa at blankong

nakatitig sa isang kahon na puno ng abo na nasa ibabaw ng lamesa.

Itinaas ni Ning Rui ang kanyang tingin ng makarinig ng mga yabag ng paa. Nakita niya si Gu Ying

na papasok at walang kahit na anong makikitang ekspresyon sa mukha nito.

Ang pagkuha kay Gu Ying sa Zephyr Academy ay ang pinaka huli niyang plano. Ngunit ang mga

kilos ni Gu Ying nitong mga nakaraan ay nagbigay sa kaniya ng takot.

Wala pang isang buwan simula ng dumating si Gu Ying sa Zephyr Academy at higit

singkwentang disipulo na ng Zephyr Academy ang namatay sa mga kamay nito. Ang mga

disipulong iyon ay hindi pa nakakasalamuha si Gu Ying ngunit naging mga palaboy na mga

kaluluwa dahil lang sa naramdaman ni Gu Ying na pagkabagot.

Hindi na bago kay Ning Rui na makasalamuha ng mga malupit na tao kabilang na ang sarili

niya. Ngunit ni isa man sa mga iyon ay hindi nagbigay ng takot sa kaniya hindi tulad ni Gu Ying.

Sa mata ni Gu Ying, maliban sa kaniyang sarili, lahat ay hindi tao at mga libangan lamang upang

maibsan ang kanyang pagkabagot.

Ang pinaka nakakatakot na uri ng mga tao sa mundo ay ang mga taong hindi nakikita ang

buhay tulad ng nakikita niya.

Hindi na alam ni Ning Rui kung tama ba ang naging desisyon niya na papuntahin si Gu Ying sa

Zephyr Academy.

avataravatar
Next chapter