689 Ang Muling Pagkikita (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng dalawang linggo, ang tirahan sa kakahuyan ay nababalutan na ng alikabok. Ang dating payapa at tahimik na

muting bakuran ngayon ay mababakas na napabayaan.

Itinulak ni Jun Wu Xie ang pintuan papunta sa maliit na bakuran at naglakad nang dahan-dahan sa pamilyar na lugar na

iyon.

Bigla ay napahinto siya sa kaniyang paglalakad ng makita ang saradong pintuan ng kusina.

Kumitid ang matang tinignan iyon ni Jun Wu Xie at maya-maya ay kaniyang sinipa ang pintuan upang ito ay mabuksan.

Isang mabilis at maliksing anyo ang kaniyang nakita na nagtatago sa tambak ng dayami at kaniya itong dinampot.

"Ah! Ah! Ah!" isang maduming tao ang nakita ni Jun Wu Xie.

Pinliti pumiglas niyon at hindi maintindihang panaghoy ang maririnig.

"Ah Jing?" tinitigan maigi ni Jun Wu Xie ang mukha nito at ito kaniyang nakilala. Dahan-dahan niya itong pinakawalan at

tinitigan niya ang hindi makilala at kahabag-habag na si Ah Jing.

Ang dating napakalinis na si Ah King ngayon ay punong-puno ng dumi at alikabok, may mga dayami na nakasabit sa

kaniyang buhok at ang kanyang damit ay talagang napaka dungis talagang napakalayo sa dati nitong itsura.

Nang palayasin ni Fan Zhuo si Ah Jing ay hindi na kailanman ito nakita ni Jun Wu Xie. Ang tanging alam lamang niya ay

bumalik si Ah Jing sa Zephyr Academy at nag-aral upamang maging isang disipulo.

Kaya paanong ito ay nasa kanyang harapan ngayon?

Nang makawala iyon ay parang isang hayop na takot na takot si Ah Jing, nanginginig itong gumapang upang itago ang

kanyang sarili sa maduming tambak ng mga dayami, ang mga matang puno ng takot at sindak ang makikita lamang at

ang mga iyon ay nakatingin kay Jun Wu Xie.

Mariing napaisip si Jun Wu Xie. Nahihiwagaan siya sa naging reaksyon ni Ah Jing. Ang mga mata nito ay punong-puno ng

takot na nagsasabi na hindi nito siya nakilala kahit kaunti at ang bumalatay na takot sa mga matang iyon ay

mababakasan ng pagnais na ito'y makawala.

"Ah! Ah!" ang bibig nito ay bumuka nang malaki kita ang dila nitong kalahati na lamang, dinampot nito ang mga dayami

sa kaniyang paligid at pinagbabato si Jun Wu Xie.

May pumutol sa dila ni Ah Jing!

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang tila nawawala sa sariling si Ah Jing at ang kaniyang mukha ay sumimangot. Sinipat niyang

maigi ang kabuuan ni Ah Jing at kaniyang nadiskubre na hindi lamang ang dila nito ang pinutol pati na rin ang hinliliit nito

sa kaliwang-kamay, malamang may katagalan na sapagkat ang sugat ay natuyo na ngunit dahil na rin sa napakaruming

paligid ang naghilom na sugat ay namaga, ang puting nana at dumi ay naghalo at napahid sa buong kamay nito. Mayroon

din itong iba't ibang sugat na malaki at maliit sa may leeg nito, natatago lamang sa dumi at alikabok kaya't hindi

mapapansin sa unang tingin.

[Ano ang pinagdaanan ni Ah Jing?]

[Ang kasalukyang asal nito ay nagpapakitang nawala na siya talaga sa kaniyang katinuan!]

Ang mata ni Jun Wu Xie ay patuloy sa pagtitig kay Ah Jing! Upang magtigil na ito sa kaniyang walang katapusan na

panaghoy, lumayo ng kaunti si Jun Wu Xie.

At kahit hindi niya ikinatutuwa ang mga biro at ang pagiging walang muwang nito ay hindi niya maikakaila na si Ah Jing

ay tapat kay Fan Zhuo.

"Ikaw si Jun Wu Xie?" isang boses na puno ng katuwaan ang biglang narinig ni Jun Wu Xie sa kaniyang likuran!

Mabilis na umikot si Jun Wu Xie. Isang guwapong lalaki ang kaniyang nakita at ito ay pitong hakbang lamang ang layo

mula kay Jun Wu Xie!

Ang mukhang iyon ay nakita na ni Jun Wu Xie noon!

"Ikaw pala si Jun Wu Xie? Kita mo nga naman ang pagkakataon." nang makita ng binate si Jun Wu Xie ay hindi nito

napigilan ang ngumiti. Ang nakakaakit nitong mukha ay mas naging kaakit-akit dahil sa ngiti na iyon.

Ngunit si Jun Wu Xie ay wala sa kondisyon na humanga sa kahit kaninong hitsura sa ngayon.

Sapagkat nakatayo sa kaniyang harapan ay ang parehong binata na nakita niya sa Chan Lin Auction House na pumatay sa

napakaraming tao nang araw na iyon!

avataravatar
Next chapter