1205 Ang mga Salita ni Wen Yu (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tunay ngang nakaladkad ko pababa ang Qi Kingdom." marahan na saad ni Wen Yu.

Napatalon ang puso ni Jun Wu Xie!

Itinaas nito ang kaniyang ulo at tumingin kay Jun Wu Xie, tuluyan ng naglaho ang ngiti sa mga

mata nito, tanging kawalan ng magawa ang pumuno sa mga iyon.

"Ipinatawag ng Kamahalan ang inyong lingkod ngayon dito, at sinabi sa inyong likngo lahat ng

ito, naniniwala ako na ang Kamahalan ay mayroon ng ilang kasagutan sa inyong puso.

Naniniwala ako na ang tanging tanong na nananatili ay kung ang piraso ng jade ay hinandog ng

inyong lingkod o hindi?"

Ang malinaw at direktang mga salita ni Wen Yu ay hindi naglalaman ng kahit kaunting bahid

ng pagkukunwari. Nalalaman niya ang katalinuhan at karunungan ni Jun Xie, kung hindi sapat

ang kumpiyansa, ay hindi siya tatanungin ni Jun Xie ng ganito. Bagama't nagtatanong lamang

si Jun Xie, ngunit may mga kasagutan na si Jun Xie sa kaniyang isipan at hinihintay lamang na

aminin iyon mula sa sariling bibig.

"Tama." pag-amin ni Jun Wu Xie.

Sumagot si Wen Yu na may pagsukong ngiti: "Ako nga iyon."

"Ang pirasong iyon ng Soul Jade, paano napunta iyon sa iyong pag-aari, o dapat ko bang

sabihin… ang pirasong iyon ng Soul Calming Jade." maingat na tanong ni Jun Wu Xie, sa

pagsubok na magsiyasat pang mabuti.

Isang pagkabigla ang agad bumakas sa mukha ni Wen Yu. Gulat na napatitig siya kay Jun Xie,

tila hindi niya inaasahan na alam ni Jun Xie ang tungkol doon bilang ang "Soul Calming Jade"!

Nang ihandog niya ang Soul Calming Jade kay Jun Xian at sa iba pa, ay kaswal lamang na sinabi

niya sa mga ito na iyon ang Soul Jade, hindi kailanman siya nagbanggit ng kahit ano na iyon

ang Soul Calming Jade!

Paano nalaman ni Jun Xie ang tungkol doon?

Inobserbahan ni Jun Wu Xie ang mga reaksyon sa mukha ni Wen Yu, ang mga pagdududa sa

kaniyang puso sa wakas ay unti-unting nasasagot. Tila alam ni Wen Yu ang pinagmulan ng Soul

Calming Jade!

"Tila nagulat ang Grand Adviser? Marahil kaya ganito ang reaksyon ng Grand Adviser dahil

alam ko na ang piraso ng jade na iyon ay tinatawag na Soul Calming Jade, o dahil… ang piraso

ng jade na iyon ay nagmula sa Spirit World?" Tanong ni Jun Wu Xie hinalukay ang tubig upang

malaman kung ano ang lulutang.

Napangiwi si Wen Yu. Ang mga bagay na alam ni Jun Xie, ay napakarami kaysa kaniyang

inaasahan!

"Alam ng Kamahalan?"

Ang mata ni Wen Yu ang napuno ng gulat at pagdududa.

Tumango si Jun Wu Xie. "Alam ko rin na ang Soul Calming Jade ay isa sa mahiwagang

kayamanan na nakabaon sa loob ng libingan ng Dark Emperor."

Sa mga salitang iyon, ay mas lalong nagulantang si Wen yu. Ang mata niya ay nakatuon kay

Jun Xie, tila may hinahanap na kung ano sa munting mukha na iyon.

"Nagtataka lamang ako kung bakit ang isang bagay na dapat ay nakabaon sa loob ng libingan

ng Dark Emperor at biglang lilitaw sa kamay ng Grand Adviser, at bakit inihandog ng Grand

Adviser iyon sa estranghero at kakikilala lamang tulad ng Qi Kingdom." marahas na tulak ni Jun

Wu Xie sa kaniyang pagsisiyasat, hindi binigyan ng pagkakataon si Wen Yu na makatakas.

Nanigas ang labi ni Wen Yu at madiing itinikom, inilayo niya ang tingin, hindi magawang

tumingin sa pare ng malamig at nakakapunit na mata ni Jun Xie.

Napakatahimik sa loob ng Imperial Hall. Ang tanong na ibinato ni Jun Wu Xie ay nagpatahimik

kay Wen Yu.

Sa sandaling magpapatuloy sana si Jun Wu Xie sa pagsasalita, ay yumuko si Wen Yu at sinabi:

"Dahil alam nh Kamahalan ang tungkol sa Spirit World, at alam rin ang tungkol sa libingan ng

Dark Emperor, tila ang Kamahal ay may nalalaman sa mga bagay na hindi lang sa Lower Realm.

Dahil alam ng Kamahalan ang tungkol sa pinagmulan ng lahat ng mga bagay na iyon ay kakaiba

at hindi pangkaraniwan, bakit ipagpapatuloy pa ng Kamahalan na magsiyasat tungkol sa mga

iyon? Alam ba ng Kamahalan na sinumang tao na binahiran ang kanilang sarili sa anumang

paraan ng libingan ng Dark Meperor ay hindi maganda ang katapusan? Kamahalan ikaw ang

Emperor ng Fire Country at ang inyong lingkod dito ay ang Grand Adviser ng Fire Country. Ang

inyong lingkod ay hindi nais na makita ang Kamahalan na mabahiran ng mga ganoong bagay at

nagsusumamo ako sa inyo Kamahalan na talikdan na ang pag-uusisa sa inyong puso at ituring

na lamang na hindi nangyari ang anuman sa mga ito."

"At paano kung ayaw ko?" Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie. Ang tugon ni Wen Yu ay tulad ng

kaniyang inaasahan. Alam niya ang tungkol sa Soul Calming Jade, alam niya ang tungkol sa

libingan ng Dark Emperor, nalalaman ang tungkol sa Middle Realm. Ito ay hindi lamang isang

simpleng Grand Adviser na ipinapakita niyag siya.

Mapait na ngumiti si Wen Yu at biglang inangat ang ulo, at sa parehong sandali ay inilabas ang

isang kamay sa kaniyang manggas.

Isang bola ng purple na apoy ang nagliyab sa kaniyang palad!

avataravatar
Next chapter