525 Ang Malakas na Ihip ng Hangin (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi pinapanindigan ng Zephyr Academy ang pinanghahawakan nitong reputasyon sa hustisiya at pang-aabuso sa kapangyarihan para sa kanilang personal na interes! Hindi namin matatanggap ang kanilang pagbali ng katarungan!"

Narinig ng lahat ng disipulo ang malakas na pahayag ni Lu Wei Jie!

Hindi nila alam ang dahilan kung bakit napatalsik si Lu Wei Jie at ang iba pa sa Zephyr Academy at nang marinig nila ang sinabi ni Lu Wei Jie, nagsimula silang mag-isip na mas may malalim na dahilan ito!

Kasama sa grupo ng mga disipulo, isang maliit na pigura ang nakatayo sa bandang likuran at isang malamig na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. 

'Lu Wei Jie, hindi kita hinayaang mamatay noong nakaraan kung kaya dapat mong suklian ito.'

"Senior Lu!" Nag-alala ang ibang mga disipulo na kasama niyang napatalsik mula sa Zephyr Academy. Katulong sila sa krimen ngunit sila rin ay mga biktima ng panglilinlang kung kaya alam jila kung ano ang mga susunod na sasabihin ni Lu Wei Jie!

"Ang aming kinabukasan ay nasira na. Gaano katagal niyo itatago ang katotohanan para lang pagtakpan ang taong iyon?! Lahat kayo ay hinahayaang maging tapakan ng taong iyon pero hindi ako! Siya ang may pakana ng lahat ng ito pero bakit kami ang dapat na magdusa?! Siya ay nananatiling ligtas sa loob ng Zephyr Academy at ang lahat ng mga ignoranteng disipulo sa katotohanan ay minamahal at nirerespeto siya!" Mariing sigaw ni Lu Wei Jie.

Hindi siya babagsak ng hindi lumalaban.

Ang grupo ng mga disipulo ay iniyuko ang kanilang mga ulo, sinindihan ng mga binitawang salita ni Lu Wei Jie ang galit sa kanilang mga puso!

"Ning Xin! Kung may kunsensiya pang natitira sa iyo, lumabas ka ngayon din! Nilamon ka na nang iyong kasakiman at tinangkang patayin ang mga disipulo mula sa Cloud Treading Peak, pati na rin ang mga sundalo ng Rui Lin Army! Ang pagtatangka mong iyon ay hindi naging matagumpay kung kaya sa amin mo isinisi ang lahat kaya kami ay napaalis ng Zephyr Academy! Wala kaming ibang daan palabas sa sitwasyonh ito samantalang ikaw ay hindi naparusahan sa nangyari! Dahil sa ang tatay mo ay ang Vice Headmaster ng Zephyr Academy! Dahil ang Headmaster at ang iyong ama ay magkaibigan!" Hindi na nagpigil si Lu Wei Jie ng kahit kaunti. Si Ning Xin at Ning Rui ay hindi gumawa ng paraan para malusutan nila ito, wala siyang makitang rason para itago ang katotohanan!

Kahit hindi niya natapos ang kaniyang pag-aaral, malakas pa rin ang loob niya na magtatagumpay siya dahil sa magandang koneksiyon mayroon ang kaniyang pamilya!

Nagkagulo ang mga disipulo dahil sa mga binitawang salita ni Lu Wei Jie!

Ano ang tungkol sa Cloud Treading Peak?! Ano naman ang sa Rui Lin Army?!... ang dalawang pangalang iyon ay parang kulog sa tenga at kidlat na tumama sa puso ng mga disipulo roon!

Pinagtangkaan ni Ning Xin ang mga iyon?!

Ano ba talaga ang nangyari?!

Dahil sa mga sinabi ni Lu Wei Jie, ang mga disipulo na handa nang kalimutang ang insidente ay naliwanagan na sa parusa na ipinataw sa mahigit dalawampung disipulo. Nagalit na rin sila at kumampi kay Lu Wei Jie na ibinabahagi ang lahat ng detalye ng nangyari sa loob ng Battle Spirits Forest.

Mahigit sa dalawampung mga disipulo ang nagsimula ng ikwento ang buong pangyayari.

Ang katotohanan ay naibunyag na at ang lahat ng disipulo ay hindi makapagsalita dahil sa nalaman!

Kilala si Lu Wei Jie at Ning Xin na nangunguna sa buong Zephyr Academy. Kahit hindi sinasamba at minamahal na katulad ng kay Ning Xin si Lu Wei Jie, taglay nito ang malakas na kapangyarihan at isa siya sa mga pinupuri at hinahangaan ng lahat.

Maganda ang pagsasama ng dalawa at alam ng lahat ng disipulo na ang dalawa ay nabibilang sa iisang pangkat lamang nang isinagawa ang Spirit Hunt.

Pero ngayon, ang buong pangkat na iyon ay napatalsik sa Zephyr Academy maliban kay Ning Xin at Yin Yan. Naging kahinahinala ito at dahil sa mga sinabi ni Lu Wei Jie at ng kasamahan nito, nagkaroon ng diskusiyon ang mga disipulong naroon!

Hindi naging madali ang pagtanggap sa larawan ng nangyari, na ang mahinahon na si Senior Ning na nakasanayan nila ay ang parehong tao na naging sakim at magtatangkang pumatay ng iba. 

Mas umigting ang galit ni Lu Wei Jie at ng iba pang disipulong kasama niya habang isinisigaw ang hindi makatarungang responde ni Ning Rui at Fan Qi.

"Sa tingin ninyo magagamit niyo kami para mapalubag niyo ang loob ng Cloud Treading Peak at Rui Lin Army?! Gumagawa kayo ng isang napakalaking pagkakamali! Hindi kayo papaniwalaan ni Heneral Long. Maghintay na lamang kayo sa pagkatok ng Rui Lin army sa inyong pintuan!"

avataravatar
Next chapter