511 Ang Makulit na Maliit na Buntot na Nakakubli sa Anino (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga tingin ni Hua Yao kay Qiao Chu tila nagsasabing "Tanga ka ba?"

Umikot na lang ang mga mata ni Fei Yan at si Qiao Chu ay nagpatuloy pa rin sa pang-aasar. "Pagdating ng panahanong iyon, sino pa ang gugusto sa matanda, marupok at maliliit mong buto? Wala rin lang silbi."

"Gugustohin pa rin ito ni Hua! Di ba? Hua?" tanong ni Qiao Chu at tiningnan si Hua Yao na parang isang nakakawang aso.

Hindi pinapansin ni Hua Yao si Qiao Chu.

May ngiti sa mga labi ni Rong Ruo habang pinapanood silang nag-aasaran habang iniabot ang ilang pagkain niya kay Fan Jin na nanatiling tahimik sa tabi. Mapait na ngumiti si Fan Jin kay Rong Ruo at tumango bilang pasasalamat, ngunit lihim na naiinggit sa magandang samahan nila Qiao Chu. Alam niyang iba ang kaniyang daan na tinatahak kaysa sa mga kasama niya ngayon, lalo pa dahil sa mga nangyari na maaring iksaira ng Zephyr Academy. At dahil dito, mas lalong nahihiya si Fan Jin kay Jun Wu Xie.

Pakiramdam ni Jun Wu Xie may hindi tama sa palibot niya. Ang pakiramdam niya kanina na na parang may nakatingin sa kaniya ay bumalik at sa pagkakataong ito, hindi na anino lamang ang nakita niya.

Ang parehing pakiramdam na iyon ang naramdaman niya ng sumunod na araw. Si Jun Wu XIe at ang kaniyang grupo ay may nahuling mataas ang antas na Spirit Beast nang maramdaman niya ulit iyon.

Sa pagkakataong iyon, hindi niya na hinanap pa ang pinanggagalingan nito at lihim niyang tinawag si Ye Sha.

Ngunit, ikinaabigla ni Jun Wu Xie ang nakita ng makabalik na si Ye Sha.

Isang maliit na bilugan na tupa ang hawak-hawak ni Ye Sha. Ang bilugan nitong katawan ay mistulang pinabilog na nyebe. May dalawang maliit na paikot itong sungay at ang mga mata nito ay lumuluha habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Jun Wu Xie.

"Isa itong… Spirit Beast?" ang mga mata ni Qiao Chu ay puno ng pagtataka. Tiningnan niya ang maliit na Spirit Beast na hindi pa lalaki sa maliit na itim na pusa.

Itinuwid ni Qiao Chu ang kaniyang mga daliri at inilapit sa katawan ng maliit na tupa. Bahagyang nanginig ang tupa.

"Meh~"

Kimislap ang mga mata ni Jun Wu Xie pero hindi siya gumalaw.

"Ang Spirit Beast na ito nakabuntot sa kay Young Miss." Saad ni Ye Sha.

"Huh? Nakapagtataka. Isa itong maliit na Spirit Beast, ito marahil ay nabibilang sa mababang antas. Unang antas? Ngunit bakit ito nakabuntot kay Little Xie?" Nasiyahan si Qiao Chu sa paghaplos sa malambot nitong balahibo. 

Habang hawak ito ni Ye Sha, ang apat na paa ng maliit na tupa ay nagsisipa upang iwasan ang paghaplos ni Qiao Chu ngunit hindi magawang makawala at ang tanging nagawa nito ay ang magsabi ng "Meh~Meh~~".

"HAHAHA!" natuwa si Qiao Chu at naintindihan niya na kung bakit mahal ni Jun Wu Xie si Rolly.

'Thud!'

Ang isasa mga paa ng maliit na tupa ay tinamaan ang ilong ni Qiao Chu. Ang maliit ngunit matigas nitong paa ay nakapag-iwan ng pulang marka sa ilong ni Qiao Chu.

Hindi nakagalaw si Qiao Chu.

"Young Miss, ano ang gusto mong gawin ko dito?" tanong ni Ye Sha.

"Akin na." Inilahad ni Jun Xie ang kaniyang kamay. Itinakip ng maliit na pusa na nasa kaniyang balikat ang buntot nito sa kaniyang mga mata.

Nang hawak na ni Jun Wu Xie ang maliit na tupa, baliktad ito at ipinakita ang kaniyang tiyan at nakita nila na kahit ang tiyan nito ay napapalibutan ng malambot na putting balahibo at ang tupa ay parang isang maliit na puting bola.

"Meh~"

Naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie habang tinitingnan ang maliit na mabalahibong bola sa kaniyang bisig, at humigit ng hininga.

Niyakap niya ito ng mahigpit!

At hinaplos ang malambot jitong balahibo!

"Meh! Meh!"

"…" walang salita ang lumabas sa mga labi ni Qiao Chu at ng kaniyang mga kasamahan at pgakaraan ng ilang sandal ay bumunghalit sila ng tawa. Natatawa sila na makita ang maliit na tupa na nakasiksik at ikinikiskis ang sarili kay Jun Wu Xie.

Tanging si Jun Wu Xie lang ang nakakagawa nito sa mga Spirit Beast.

Pagkatapos ni Jun Wu Xie makuntento sa pakikipaglaro, ibinaba niya sa lupa ang maliit na tupa. Medyo nahilo ang tupa sa pakikipaglaro kay Jun Wu Xie at halos hindi makatayo. Ipiniling nito ang ulo ng ilang beses upa ng mawala ang hilo. Nang lumingon ito sa likod, wala lang din itong makita dahil sa kapal ng balahibo nito. Dahan dahan nitong itinaas ang mga paa upang umikot para humarap kay Jun Wu Xie.

"Meh~"

avataravatar
Next chapter